Luisa Nag book si Dexter ng hotel para sa buong pamilya ko at hindi rin nga niya pinalampas na makapag solo kami, Nag book din ito ng room para sa aming dalawa. Hindi ko rin naman pinalampas ang pagkakataon upang makasama siya. Nagtuloy kami sa kanya kanya naming room at nagplano na bukas ay ipapasyal namin ang pamilya ko sa Universal Studio dito sa Singapore. Inaya din ni Dexter si Rina at Rachel, pumayag naman ang mga ito. Celebration na rin daw ng kaarawan ko sabi ni Dexter. Bago matulog ay nakapag kwentuhan pa kami ni Dexter. “Salamat Dexter ha. Sobra sobra ang sayang pinaranas mo sa akin ngayon. Akala ko ay magisa ko lang ipagdiriwang ang kaarawan ko. Salamat at nandito ka, sinama mo pa ang aking pamilya. Salamat Hon” sabi ko dito. “Ang pamilya mo ay pamilya ko na rin. Kapag kina

