Luisa Dinala ako sa kampo ng pulisya at ikinulong ng ilang araw. Nang magmulat ako ng mata matapos ang pagkahimatay ko, wala si Dexter sa tabi ko. Siguro ay galit ito sa akin. Hinarap ako ng doctor na tumingin sa akin. “Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ng doctor. Tumango naman ako. “Sa ngayon, kailangan mong ma detain ng ilang araw para sa investigation process ngunit binigyan kita ng mga bitamina upang makapagpanumbalik ng lakas mo. Kailangan mong magpalakas para sayo at sa baby mo” nagulat ako sa sinabi ng doctor. Tulala ko pa itong tinignan. “Yes, your pregnant. Mag rerequest ako na matignan ka ng ob gynecologist para ma evaluate ang pagbubuntis mo habang naka detain ka” tumango naman ako saka ito tumalikod. Naiyak ako at napahawak sa tyan ko nang maalala ang sinabi ng doctor

