Laszlo's POV.
"P-pakiusap bumalik kana sa dati. Bumalik kana sa n-nakasayan kong ikaw. Ibalik mo na kung saan ako komportable."
"P-p-pakiusap..."
Hikbi at hagulgul niya ang naririnig ko. Nakahiga ako dito sa malawak na sofa sa balcony.
Halatang tunog ng hindi mapigilang luha ang bawat hikbi niya. What's wrong?
Ayokong magsalita dahil siguradong pipigilan niya na naman ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.
Masasabi mong ang bigat ng dinadala niya. I want to comfort her. But it seems like that's not what she needs.
Narinig ko ang mga hakbang niya papasok sa loob. Humihikbi parin siya.
'Ibalik mo na kung saan ako komportable?' tsk. What's with the past? I think kalis is the reason. Tsk.
You're making my baby cry.
Bumalik na ako sa kama at humiga. Kanina pa ako naligo. Nauna na kami ni voan na bumaba sa barko kanina dahil tinawag kami ni dad. Sinabi niyang sa susunod na araw na 'yong uwi namin sa pinas dahil pinaaga daw nila yung pasukan sa school. Next next week yung usapan pero pina-next week. Tsk. Thursday na bukas kaya sa friday biyabiyahe na kami. Tapos saturday and sunday, rest.
May naamoy nga akong magkatabi sa airplane eh. HAHAHAHA.
Pilit na ipinipikit ang mata ko para matulog ngunit may bumabagabag pa rin. Hindi nagtagal ay iminulat ko ito. Nakita ko ang kurtina na gumagalaw dahil sa ihip ng hangin mula sa balcony.
Tumayo ako at bumalik doon sa sofa. Kawalan ang tingin ko sa dagat.
It's bothering me to hear you cry, baby. I can't help but to think your in heavy pain. I can't sleep. Please don't do that again. I'm begging.
Mabilis lang ako matulog. Bibilang lang ng lima nasa dreamland na ako. Ngayon lang nangyari sa akin 'to. Nakakapanibago.
Huminga ako ng malalim bago bumalik sa loob. Kinuha ang headset at nagpatugtug. Baka sakaling makatulog ako. Ngunit isang oras na ang nakakalipas ay pilit pa rin ako sa pagpikit ng mata. And worst. Naririnig ko ang hikbi at hagulgul niya kanina. Nakikita ko pa ang postura niya!! Aish!
Buntong hininga ang lumabas sa aking bibig kasabay ang pagmulat ng aking mata.
"Your cry makes me not to sleep."
Zhafee's POV.
Mabilis na bumangon ako sa pagkakahiga at nagtimpla ng kape. Hinablot ko ang coat at lumabas ng room. Pumunta ako sa balcony. Umupo ako sa sofa.
"Oh, joh-eun achim!" Sigaw ng pamilyar na boses. Walang alin langang tumingin ako sa pinanggalingan non.
Si unggoy na napakalawak ang ngiti. Nasa kabilang balcony siya. Nakatayo habang nakasandal sa porch, bahagya pang nakapamulsa ang kanyang mga kamay mula sa kanyang bulsa. Naka korean coat din ito. Nakatingin siya sa akin habang ganon ang postura niya. Binalewala ko lang siya na parang walang nakita at tumingin sa dagat, humigop ng kape habang nanatili sa aking pagkakaupo.
"Am I invisible to you?! I said good morning!" Sigaw nito. Binalewala ko ulit siya at humigop ng kape.
Wew english a.
"Yeah, I'm invisible. Tsk." Dinig ko ang hakbang niyang pumasok sa loob.
Umagang umaga. Makakakita ka ng unggoy. Nag-iingay pa. Tch.
Nang maubos ko ito ay pumasok na ako sa loob. Naligo at nagbihis. Nagpants na ako dahil medyo malamig ngayon. Unlike yesterday. Katamtaman yung weather.
Bumungad sa akin si laszlo paglabas ko ng room. Dating postura ang lagay niya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa pagkatapos ay nangaasar na binalewala siya. Bumaling ako sa pinto ni zhas.
Kumatok ako ngunit walang sumasagot. Akmang hahawakan ko ang doorknob ngunit bigla itong bumukas. "GOOD MOR-----shhh."
Napatalon, napapikit at napahawak ako sa dibdib ko pababa sa tiyan ko dahil sa gulat. Kumalma ako habang nakapikit at nakahawak parin sa tiyan ko.
Agad na may humawak sa dalawang balikat ko nang mangyari ang pangyayaring iyon.
"Opps..Sorreeyy."
Sinamaan ko siya ng tingin at naglakad na palayo. Ramdam ko namang sumunod sila. Bumukas din ang pinto ni voan kanina kaya paniguradong nandiyan na siya sa likod ko. Bumungad naman sa akin si callis nang makarating kami sa harap ng elevator.
Nakatitig lang siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
Heto na naman siya't nakatingin sa aking mga makislap na mata nang walang nababasa.
Unang pumasok si zhaf at voan doon sunod naman si laszlo. Pagkatapos ay kami ni callis.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagbaba na elevator nang magsalita siya. "Did you cry?" Malamig na tinig nito. Gulat akong napatingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin ng deretso. Nakita ko naman si laszlo sa side ng mata ko. Nasa gitna niya kami.
Ngumiti ako at umiling pagkatapos ay tumingin ng deretso.
Nabasa niya ba? O namamaga lang talaga ang mata ko?
Napapikit na lang ako sa sarili kong naisip. Why did I cry so hard? ehysh.
Nang makarating kami sa resto ay nakita ko agad sila bella sa hindi kalayuan. Malawak ang table na kinauupuan nila.
Dahan-dahan kong tinignan si callis. "Sama sama na lang daw tayo." Nakangiting tinig niya.
Agad na lumapit sila zhas do'n. Nanatili kami ni laszlo sa kinatatayuan. Hindi nagtagal ay bumulong siya sa tainga ko. "Don't want to join? Kain na lang tayo sa taas.. I'll cook for y---" Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang maglakad na ako palapit do'n.
"Good morning." Ani bella. I ignore her. Umupo ako sa gilid ni zhas. Nang dumating si laszlo ay kasama na niya si zhaint.
Voan Zhas Zhafee Laszlo
Drake ---------------------------
Nicole Bella Callis Zhaint
Tumayo si callis at zhaint para umorder. They're getting close to each other.
"Hello, good morning!" Baling sa 'kin ni nicole. Tinignan ko naman siya saka ngumiti. Sa hindi inaasahan ay aksidenteng nakita ko si bella. Nakatingin siya kay laszlo. Itong si laszlo naman ay nakayuko lang. Ramdam kong nakasimangot siya.
Kumunot ang noo ko nang wala akong makapang cellphone sa bulsa ko. Agad na tumayo ako ngunit agad din na may humawak sa braso ko. Tinignan ko ang mukha na iyon. "Where you going?" Tanong nito.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya at naglakad na palayo. But as usual, he followed me.
"Nagmumukha ka ng alaga ko."
"H-huh?" Tanong nito at pumunta sa side ko. "You're always following me. It looks like you're my pet."
"It's okay. It's okay to think me as of that.. I can be YOUR dog. ARF ARF!" He giggles.
"Ehw." Sabay reaksyon ng mukha ko at pumasok na sa elevator.
"Ba't tayo bumalik?" Tanong nito. "Oh! I already know the answer! Gusto mong matikman yung luto ko!" He laughed. Napakunot at napatingin ako sa sinabi niya.
"Do you want adobo?! I'm good--"
"No." Mabilis na tugon ko sa kanya at lumabas na galing sa elevator.
Agad na kinuha ko ang cellphone pagdating ko sa kwarto. Agad din na lumabas ako.
Bumungad ang nakapamewang na laszlo sa harapan ko. "Akala ko nandito tayo para kumain. Hmp." Nakangusong sabi niya. Ngumisi ako.
"Avoid being an assuming person. It hurts." Natatawang tugon ko at naglakad na palayo.
"Can I get your number?" Banat nito nang bumaba kami sa elevator.
"Nagdadalawang isip nga ako kung hihingin ko ba kay zhas e. But personally.. it's more respectful kung sa 'yo ko hingin." Dagdag niya.
Binalewala ko lang siya hanggang sa makarating kami sa table. Ngunit panay pa rin ang daldal niya.
He's so different when we're together. Tsk.
Nandoon na sila zhaint nang makarating kami. "Where did you go?" Nakangiting bungad sa akin ni callis.
"Naiwan ko yung phone ko." Tugon ko. Ngunit isinenyas niya si laszlo. "He's my pet, you know."
"Ah, hahahaha." Tawa niya nang malaman niya ang ibig kong sabihin. Umupo kami at sinimulan na ang pagkain.
Is this a breakfast or lunch? Tch. Ang dami. Sabagay. Twelve o'clock na.
Panay ang kwentohan nila habang ako at 'tong katabi ko ay abala sa pagkain. "We're here for a business trip. How about you?" Tanong ni bella kay zhas.
"Bonding, hahaha."
"With them?" Tukoy nito sa amin. "Where's your dad? Mom?"
Napatigil ako sa tanong niya. Naging awkward din ang lahat dahil do'n. Ramdam kong napatingin si laszlo sa akin. "Their parents and our parents are close. They want to rebuild a memory, alone. Because it's been a while since they've been together. That's what they said." Tugon ni laszlo.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Oh I didn't knew that." Nakangising bulong ni zhaint. Napatingin ako sa kanya. Naging sarkastiko ang dating non sa akin.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain dahil kung tatanongin ko siya ay mahahalata niya, masyadong obvious.
Bumalik na kaming lahat sa tent nang matapos ang almusal. Almusal nga ba? It's already one o'clock. Tsk.
Pumasok kaming lahat do'n sa loob ng tent. Malaki ito. Makulay din. "It's nice." Puri ni zhaint.
"Picture! Picturan mo ako dali!" Sigaw ni zhas kay voan.
"Ako din, picture'n mo ako." Banat ni nicole kay drake.
Solong nagpipicture naman si bella sa tabi. Habang 'tong dalawa ay daig na naman ang pagiging aso ko.
"Pst." Tinig mula sa tabi ko. Lumingon ako. Si laszlo. "Picture." Nguso nito.
Pumwesto ako. Napakalawak na ngiti ang naging reaksyon niya. Ngunit sa hindi inaasahan ay ibinigay niya kay callis ang cellphone.
Natulala ako sa kanya. "Picturan mo kami. Para may silbi ka naman." Nang-aasar na utos nito ngunit kinuha na lang ito ni callis at hindi na umangal pa. Gusto kong matawa sa ginawa niya pero hindi ko magawa. Hindi ko din alam yung dahilan.
Hindi ako ngumiti. Wala akong ginawang reaksyon sa picture na iyon.
"Kami din." Walang reaksyong utos ni callis kay laszlo at ibinigay ang cellphone niya. Ngunit hindi niya ito agad kinuha dahil gaya ko ay nagulat din siya. Inis na kinuha niya ito nang mahimasmasan.
Nang medyo makalayo na siya ay nagsalita ako. "Hawakan mo ako sa balikat. Bilis!" Bulong ko kay callis. Tumingin naman ito sa akin. "Tsk." Natatawang tugon niya at ginawa ang sinabi ko.
Napakalawak na ngiti ang ibinigay namin sa kanya. Napababa ang kamay niyang nakahawak sa cellphone nang lingonin ko siya. Lumake yung mata niya at animo halatang nainis siya.
Gulat na inituro ang isang darili niya sa amin at agad na sumugod habang nakakunot-noo parin siya. Tinanggal niya ang pagkakahawak ni callis. "Don't dare touch my girl." Nanakot na sabi niya.
"She's just your girl." Inagaw niya ang braso ko sa pagkakahawak kay laszlo. "I'm her husband." Panakot din nito. Napangiti ako. "Nays." Kinindatan ko si callis at binawi na ang braso ko.
Sakto naman ay dumating ang instructor sa loob ng tent. "Okays. Let's wait for the adults." Umupo ako sa tabi at doon naghintay.
Nang nandito na sila ay agad naman na tumayo ang instructor. "Makikita natin sa labas na sa kaliwa ay may mga puno. May iba't ibang daan pero hindi magkakapareha ang layo. Iba't ibang daan pero iisa ang patutunguhan. Siguradong hindi maliligaw dahil may puting bato na kailangang ninyong sundan. Pwedeng mag-isa pwede din namang may kasama." Panimula nito. Ramdam kong tinignan ako ni callis pero patuloy pa rin ako sa pakikinig.
'Yan yung gustong gusto kong ginagawa niya. Ngunit no'ng hinintay kong 'yan yung gagawin niya—ay hindi niya nagawa.
"Sa dulo nito ay may bahay kubo. Malayo ang lalakarin natin. Kaya doon ay may nakahanda ng pagkain. May mga makikita tayong first aid kit sa mga tabi tabi just in case of emergency. Pero siguradong hindi naman delikado ang lalakarin natin. Doon din tayo magdi-dinner. Eto na din ang huling araw natin dahil five days ang maximum ng pag-istay. Ang resort na ito ay sikat sa mga turista kaya tulad din ninyo ay nakareserve na sila bago pumunta dito."
"Ang unang makakarating doon ay may 1,000 dollar at may regalong espesyal." Nagsimulang maghiyawan ang paligid. Ngunit wala parin akong naging reaksyon. "Ang magiging huli naman ay siya o silang magiihaw!" Narinig ko ang mga ilang hinayang.
"Kung nakikita ninyo ay mga bag doon." Turo niya sa gitna. "Tubig at biscuits ang laman nun. Sa mga mahilig sa tahimik na lugar ay para sa kanila ito dahil tanging alon ng dagat lang ang maririnig. Kung gusto niyo ding enjoy'in ang moment ay may mga upuan sa paligid. Pwede kayong magpahinga. Ngunit tandaan na ang huli ay siyang mag-iihaw! Mapapagod kayo for sure, pero mapapawi ang pagod niyo kapag nakita niyo ang view nito! Siguradong mamamangha kayo! Simulan na natin!"
Ibinigay nila ang bag at isa isang nagsilabasan matapos makuha ang ipinapamahagi nila.
"Let's go. I want to spend some time with you. Just with you." Banat ni callis nang makalabas ako. Hinawakan niya na ako sa braso at kinaladkad hanggang sa medyo hindi na tanaw ang tent. Wala na din akong nagawa dahil sa pagkaladkad niya.
Ugali niyang gusto akong makasama mag-isa pero hindi niya ugaling kaladkarin ako.
"Ba't mo ako kinaladkad?"
"Para mag-iwan si laszlo hahahahahahhaa!" Biro niya. "Kapag nanalo yun hingi ka pera tapos libre mo 'ko. HAHAHHA! Siguradong bibigyan ka non, malakas ka don eh. HAHAHA!"
Pinagmasdan ko lang siya. Ngayon ko lang ulit siya nakitang tumawa. Napangiti ako.
"Any problem?" Habol nito at tumabi sa aking paglalakad. Umiling lang ako habang nakangiti. Madalas kase, kapag kami lang ang magkasama panay ang tawa ko.
"Sa'n ka nag-aaral sa pinas?" Napatingin ako sa kanya. Iyan yung hinihintay kong tanongin niya. Ilang segundo bago ako nagtuloy sa paglalakad.
"Hield International School." Tugon ko.
"Hield International School... hm.. It's not familiar. Pero I'll tell mom and dad to transfer." Banat nito.
"Hmm. Do your best."
"Sure." Singhal nito. Medyo malayo-layo na din ang nalakad namin.
"Sa'n nga pala sila? Diba nandito kayo for business trip? How are they?"
"Sa ibang floor sila. Full na kase yung floor natin. Want to see them?"
"Hmm. Aren't they busy?" Tanong ko.
"No. They'll do a way just to spare some time for us. It's been a while. You know."
"Hmm, okay. Tomorrow morning? Or tonight? Gusto ko lang silang kamustahin in person." Singhal ko.
Napatigil ako sa paglalakad nang iabot niya ang cellphone. Tinignan ko ito. Halatang hinihingi niya ang number ko dahil nasa new contact ito. Kinuha ko ito at inilagay ang number ko.
Nakakagaan ng loob kapag kami lang ang magkasama. Bumabalik bigla yung kilala kong siya.
Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad nang sumasakit na ang paa ako. Eksakto namang may upuan sa tabi. "Pahinga muna tayo. Nanghihina na 'tong paa ko haha." Ngumiti lang siya at nagtungo sa upuan.
"Oh." Gulat na tinig nito. Agad na bumaling ako sa kanya. Hawak niya ang isang t-shirt at short. 'Ba't may ganyan?'
Agad na tinignan ko din ang akin. Gano'n din. "Ba't may ganito?" Nagkibit balikat lang siya. Binalewala ko na din ito at kumain na.
"Z-zhaf..." Tinig nito nang matapos na kami sa pagkain. "Hmm?"
"Kahapon pa ako may gustong itanong. Hindi ko makuha-kuha yung tamang oras.." Panimula nito. "Nagdadalawang isip ako dahil baka mali ako."
Hindi ako umimik dahil hinintay kong makompleto ang sasabihin niya. Mukhang alam ko na ang patutunguhan nito. Nagsimulang sumakit ang aking mga mata. "May problema ba? Nararamdaman kong meron pero baka mali lang ako dahil ang saya saya mo naman sa harapan ko."
Hindi napigilan ang mga luhang namuo sa mata ko. Nanatili akong nakatingin sa kanya habang siya naman ay nakatingin sa hindi kalayuan.
"Nagtataka na kase ako. Ibang iba yung pakiramdam ko kaninang umaga, kahapon... Hindi ako komportable sa mga galaw mo pero ngayon---" Napatigil siya nang malingonan niya ako. Nanatili akong nakatingin sa kanya habang nakangiti.
Hindi ko maitatanging kahit kaonti naramdaman niya ang totoong presensya ko.
"T-tears. Why are you crying?" Gulat na tanong nito.
"I thought you really c-changed." My voice are shaking. Kumunot ang noo niya at halatang nag-aalala. "W-what do you m-mean?" Naguguluhang tanong niya.
Tumingin ako ng deretso sa mga mata niya. Hindi niya talaga alam ang mga ginawa niya kahapon.
Ngumiti ako at saka umiling. Pinunasan ang luhang hinayaang tumulo sa mukha ko. Tumayo ako at kinuha ang bag. Naglakad na papalayo. Ngunit tulad ng inaasahan ko ay humabol ito at tumabi sa 'kin.
"Come on zhaf." Napatigil ako sa paglalakad nang hawakan niya ako sa braso at iharap sa kanya. "You know that you're my weakness. Kahapon pa ako hindi mapakali. Just tell me what I did wrong." Sobrang napaka hinhin ang pagkakasabi niya.
Hindi pwedeng tignan ko siya nang deretso dahil kahinahan ko yung mata niya.. Pa'no ko ba 'to mapapaniwala??
Huminga ako ng malalim. "You did nothing wrong." Mabilis na tumingin ako sa kanya ngunit agad na tinanggal ko iyon.
Nagtuloy na ako sa paglalakad ngunit sa hindi inaasahan ay hinawakan niya na naman ang braso ko at iniharap sa kanya. Dahil bigla iyon ay deretsong napatingin ako sa mata niya.
Bigla ay hindi ko magawang igalaw ang katawan ko. Ni bumaling sa iba ang mata ko ay hindi ko magawa.
"How can I be your strength when you keep telling lies? Fake feeings? I still feel, zhaf. You're making me feel uncomfortable." Sabi niya habang deretsong nakatingin sa mata ko. Nanatili ding nakahawak siya sa dalawang balikat ko.
Namuo ang luha sa mga mata ko. Kapag tayo lang ang magkasama bakit parang walang ginawa ang tadhana? Bakit parang nakalimutan na tayo ay sinaktan niya?
"Now tell me. What did I do to keep your own feelings and taking it away from me? Anong ginawa ko para itago mo 'yang totoong nararamdaman mo? Hm? Tell me. Iintindihin ko."
Humagulgul ako. Ngunit agad na pinakalma ko ang sarili ko. Malabo man ang aking nakikita, ngunit alam kong nakatingin ako nang deretso sa mga mata niya. Nanatiling nakahawak siya sa balikat ko dahil alam naming dalawa na sa anomang oras ay maaari akong matumba dahil sa hindi makontrol ang paghagulgul ko.
"C-callis... It's hurt to see you changing.. It really hurts." Panimula ko. Huminga ulit ako nang malalim at kumalma. Pinipigilan paring humagulgul.
"No'ng sinusugod mo si bella sa emergency room, wala ka bang nabangga?" Tanong ko. I don't want to feel that pain again. It feels like he's really gone. It feels like half of me was gone. This is my chance. He's back, but sadly, it's LITERALLY.
"Meron pero nagmamadali ako no'n hindi ko na nagawang lingonin. Alam niya naman siguro na emergency room yung pupuntahan k---"
"Damn! That's me. I am the one whom you ignored." Napakagat ako sa ibaba nang labi ko kasabay no'n ay ang pagpikit ko. Pinakalma ko agad ang sarili ko dahil ayoko nang may nasisigawan. Ngunit gano'n na lang ang gulat niya nang pagtaasan ko siya ng tono sa umpisa. At gano'n na lang ang gulat niya nang malaman ang katotohanan.
Dahan-dahang nanghina ang kamay niya dahilan para maramdaman ko ang malambot niyang kamay, pahaplos na bumababa sa braso ko. "No'ng bata tayo ang palaging sinasabi ko sa'yo ay kapag may nabangga kang tao magsorry ka. Say sorry if you feel wrong even though you're not. But say sorry sincerely if you feel really wrong. Iyan yung palagi kong pinapaalala sa'yo." Nanatili siyang gulat habang nanatiling nakatingin sa kalayuan.
"This is not a big deal but It still hurts. Nagagawa mong ihatid ang ibang tao pero umpisa pagkabata hindi mo 'yon nagawa sa 'kin."
"'Cause you're already matured. I know that you can handle your self." Tugon nito.
That's true. Pero hindi ko inaasahan na kaya mong gawin 'yon sa ibang tao habang hindi ko pa nararanasan iyon galing sa'yo. Hindi sapat ang sinabi mong dahilan para kalimutan ko na lang iyon, ngayon. Nasaktan mo ako sa ginawa mo.
"Okay. I'll let that one slide tho I have a reason."
Napakagat ako sa ibaba nang labi ko kasabay no'n ay ang pagpikit ng mata ko dahilan para tumulo ang luha sa mukha ko nang maalala kung pa'no niya hinayaang tumulo ang ice sa damit ko.
"N-no'ng nabangga ako ni bella..." Huminga ako nang malalim bago ituloy ang sasabihin. Tuloy pa rin ang pagtulo nang aking luha. "Inuna mo ang lapitan siya kaysa sa taong mas malalim ang inyong memorya. I-inuna mo ang pagpunta sa likod niya kaysa ang tanongin kung m-malamig ba yung natapon sa akin. Hinayaan ko ang sarili kong nakatayo doon dahil gusto kong makita kung hanggang saan yung p-pinagbago mo. Binalewala mo ako doon na nabuhusan ng 'napaka' lamig na juice—Tinignan mo ako ngunit w-wala kang ginawa." Tumingin ako sa mata niya. Wala. Malabo parin talaga.
"You used to ask me f-first before solving the problem, callis. The most precious attitude from you. That was the most I l-like, and you know that. Alam mo kung bakit yun ang pinaka gusto ko?" Nanatili akong nakatingin sa kanya habang siya ay hindi makapagsalita dahil sa hindi inaasahang sinasabi ko at alala na nararamdaman kong presensya niya.
Nagsimulang tumulo ang luha ko nang sabay sabay at kasabay no'n ang paglabo nang mukha niya na nakikita ko dahil sa mga luhang namumuo sa mata ko.
"Kase ako yung i-inuuna m-mo." Napapikit ako dahil sa tuloy tuloy na pagluha at paghagulgul ko. Ngunit agad na tumingin ako nang deretso sa kanya.
"Inuuna mo a-ako, kaysa sa ibang tao.."
- End of this Chapter -
Preview?️
Zhaf, it hurts.