ONYX'S POV " N- Nyx?" Tawag nito. Nakaramdam ako ng matinding Kaba at pag- aalala ng namukhaan Niya ako. Nanginginig ang labi nito ng naglapit ang aming mga mukha. "Mara! Mara, Ayos ka lang?" Tawag ko rito Pero nakatitig lang ito sa akin habang nanlalamig at nanginginig ang kamay nitong hawak hawak ko. Ilang sandali pa ay bigla na lamang itong nawalan ng ulirat. Mabuti na lamang ay nasalo ko ito kaagad. Binuhat ko ito at naghanap ng nasasaktan. May humintong tricycle sa aking harapan at dinala ko ito sa pinakamalapit na clinic dahil malayo ang hospital sa lugar na iyon. Wala pang kalahating oras ay nagising ito. Muling bumaha ang matinding takot na may bahid ng galit sa kanyang mukha nang dumako ang tingin nito sa akin. "Anong ginagawa mo rito? Umalis ka dito! Lumayas ka! Huwag mong i

