ONYX’S POV Nag- iigting ang aking mga panga ng makita ang dalagang nakapikit habang yakap yakap ang sarili. Bukas ang butones ng pantalon nito at kita ang takot sa kanyang mukha habang si Jarius naman ay nakalabas ang kanyang ari at handang sirain ang kapurihan ng dalaga. “JARIUS!!!” sigaw ko sa pangalan ng lalaki at isang malakas na suntok ang aking pinakawalan. Ito na nga ang aking kinakatakutan kanina pa, na muli niyang b@buyin si Mara. Kung dati ay para lang akong isang puppet na manonood at magpapadala sa takot pwes ibahin niya na. Dahil ngayon ay hindi na ako natatakot sa kanila. Pinaulanan ko ito ng suntok sa iba’t ibang parte ng katawan nito lalong lalo na sa kanyang mukha. “Oh, Onyx. Bakit hindi mo ako samahan, dating gawi..urgh” sabi nito kahit pa sinusuntok ko ito ay nagaga

