Onyx’s PoV Onyx’s PoV Walang ni isa sa aming dalawa ang maglakas loob na magsalita pagkatapos ng nangyari. Nang magising ako kanina ay para akong muling nanaginip ng makita ang mukha ni Mara na nakatitig sa akin kaya wala sa sariling nanghingi ako ng tawad. Pero hindi ko inaasahan ang ginawa nitong pagyakap sa akin. HIndi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit niya ako niyakap at habang nakayakap sa akin ay walang tigil ito sa pag- iyak. Imbis na gumaan ay mas lalo tuloy bumigat ang aking pakiramdam at tahimik na umiyak. Hindi ko ipinakita rito na umiiyak ako. Umiiyak ako dahil sa sinabi nitong napatawad niya na ako sa kabila ng nagawa ko sa kanya. Magkaharap kaming nag- almusal at tanging tunog ng mga kutsara’t tinidor ang maririnig. “Tungkol kanina” hindi ko na natapos ang aking sasa

