Nagpahatid ako sa baryo kung saan ako nakatira. Kahit malayo ay pumayag naman ang tricycle driver dahil dinagdagan ko na lang ang bayad. Kung sasakay ako ng bus paniguradong masusundan ako nito. Anong kailangan Niya sa akin? Bakit siya nagpakita? Masalimuot na ang naging buhay ko, at dahil nagpakita pa siya mas lalo niyang pinakumplikado ang pamumuhay ko.. Pagkapasok ko palang ay agad Kong inilock ang aking pinto at nagkulong sa aking kwarto. Ni hindi ko na binalak pang buksan ang Ilaw dahil sa takot na sumunod ito sa akin. Magdamag na para akong sira/ulong nasa sulok ng aking kwarto habang nakatitig sa pinto Nang sumapit ang Umaga ay nagpasya akong sumilip sa labas upang tingnan kung nakasunod sa akin si Nyx kagabi. Habang sumisilip ay nakita ako ni Ate Rhea nang bigla itong napada

