Pilit akong pinapalayas ni Ma’am Karishma pero dahil sa tulong ni Gael ay hindi ako napaalis. Nagkulong ako sa kwarto at pumasok sa banyo. Umiiyak ako habang hinihilod ang aking katawan. Pilit na inaalala kung ano ba talaga ang nangyari sa akin. Nahihiya ako dahil sa nangyari. Hindi na ako nagbalak pa na lumabas ng kwarto at nagpalipas ng kain. Kinabukasan ay tahimik ang buong kabahayan. Hindi ko napansin si Gael samantalang si Miss Karishma naman ay hindi ko na napansin na bumaba kaya malaking ginhawa ko at nagpatuloy ako sa pagtrabaho. Bandang alas nuebe nang makitang dumating si Gael at sinama si Karishma paalis ng bahay. Napakabilis ng mga pangyayari dahil lumipas lang ng maghapon ay nabalitaan na namin na p4tay na si Ma’am Kamila. Sa orbituary inilagak ang labi ng ginang, walang

