MARA'S POV Naging abala kaming lahat ng mag- umpisa ang event Lalo na at pawang mga bigatin ang naging bisita ng celebrant. May mga kilalang artista rin kami nakita, negosyante at may mga pulitiko. Kahit halos mag- iisang buwan na akong nasa catering service ay namamangha pa rin ako sa mga ganito kagarbong handaan. Sa amin kasi sa probinsya ay magkakatay ka lang ng Isa o dalawang baboy tapos sayawan ang inuman. Ang laman ng mga kwentuhan ay tungkol sa bukid, pananim, guwano o di kaya mga kapitbahay kumbaga tipikal na chismisan Pero ang mga ito, pulos English at tungkol sa business at corporate ang pinag- uusapan. Bandang mga ala- una na siguro ng kakaunti na ang tao ay saka lang kami nakakapagpetiks. Ganun pa man ay sandaling pahinga lang ang aming ginagawa saka naman kami magliligpit

