NYX'S POV
Almost ten years had already passed but I still can't forget those innocent eyes. Sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata ay siya ang aking nakikita lalong Lalo na sa tuwing may kaniig ako.
"Nyx! Nyx!" tawag sa akin ni Leigh. Doon lamang ako bumalik mula sa malalim na pag- iisip.
"As I was saying, two months from now will be Don Adolfo's birthday. His our grandpa so we must organize a glamorous event for his birthday. Besides, it's his 80th Birthday kaya it's more special." Sabi ni Leigh
"Just do whatever you want. Kahit ano okay na ako" matipid kong sagot. Tumingin ako sa aking relo at saka tumayo
"Saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang pag-uusap natin?" tanong naman ni Nigel. Hindi man siya Dela Cuadra Pero malapit naman ito sa amin at ang ama nito ay matalik na kaibigan ni Dad na Isa ring businessman.
"May meeting pa ko"
"Ganitong oras? You're too workaholic. Baka kaya wala Kang girlfriend ay dahil sa pagiging workaholic mo?" Sabat ni Lexus na may dalawang babaeng nakayakap dito mula sa magkabilang sides nito.
"I don't like commitments that's all"
"You're right, Nyx. It's better to have no girlfriend. You can freely do what you want. Walang magagalit and you can have as many women as we want" gatong naman ni Nigel
"I'll gotta go" walang lingon likod na naglakad ako paalis ng lugar na iyon. Sumunod akong nagtungo sa Isang restaurant kung saan ko kikitain ang private investigator na hinire ko.
"Good evening po, Sir Onyx." bati ng Private Investigator
"May balita ka na ba?" tanong ko rito. Five years ko ng pinapahanap ang lugar kung saan nakatira si Mara, ang pinsan ni Jarius na aking ginawa ng kasalanan sampung taon na ang nakalipas. Hindi ako patulugin ng aking konsensya at kung may kung ano sa akin ang laging nag- uudyok na hanapin ito Pero magpasa hanggang ngayon ay wala kaming naging lead dahil sa hindi ko na ma-contact si Jarius na pinsan nito. Ipinangako ko sa aking sarili na kapag nagkaroon na ako ng kapangyarihan ay hahanapin ko siya at hihingi ako ng tawad Pero mukhang kailangan ko ng magdesisyon dahil base sa mukha ay negative na naman ang resulta.
"Sorry po sir. Mahirap po hanapin yung taong pinapahanap niyo bukod sa walang picture at tanging sketch lang ang guide natin, hindi pa po natin alam ang buong pangalan." sagot kaagad ng Private Investigator
"Yung kaibigan Niya? How about her aunt's? Yung ate Niya? Basta, any relatives wala bang lead?"
"Wala po sir. Nagpadala na ko ng mga tao ko sa kaibigan Niya ang huling napuntahan daw po ni Mara ay sa Tarlac Pero pinuntahan po namin yung sinasabi Niya wala na raw po doon ang taong pinapahanap niyo."
Napahinga ako ng malalim at saka nag- isip.
"Let's end this. Ihinto niyo na" Sabi ko rito at saka tumayo. Siguro, hindi talaga itinadhana na muli kaming magkita.
Kinabukasan, Isang conference meeting ang gaganapin sa Baguio ang kailangan Kong daluhan kung kaya maaga akong nagdrive patungo sa venue. Dahil ako ang may hawak ng construction company ay kailangan Kong umattend sa nasabing conference. Ibinigay sa akin ang DC Construction Company noong panahong malapit na itong mabankrupt at ako'y kakagraduate pa lamang sa kursong engineering. Simula noon ay isinubsob ko na aking sarili sa pagttrabaho upang masagip ito sa bingit ng pagkalugi. At sa awa naman ng Diyos, makalipas ang halos dalawang taon ay nakabangon ang kompanya. Tuluyan na itong ibinigay sa akin ni Lolo Adolfo at ngayon ay ako na ang solong nagmamay- ari ng kompanya at tuluyan itong namayagpag.
Inabot ng dalawang araw ang nasabing meeting. Nang sumunod na araw naman, madaling araw palang ay bumiyahe na ako kaagad pabalik sa Manila upang habulin naman ang Isang meeting kung saan million ang nakasalalay. Pasado alas Sai ng Umaga ng makarating ako sa bahagi ng Pangasinan ay biglang kumalam ang aking tiyan dahil sa gutom Lalo na ng malanghap ko ang mabangong tinapay na nagmumula sa Isang panaderya. Inihinto ko ang sasakyan sa sumunod na bakery na aking nakita.
"Sir, Ano po sa Inyo?" tanong ng Isang tindera
"Bente pirasong cheese pandesal nga" sagot ko. Napadako ang aking tingin sa Isa pang dalagang tindera na nakatitig sa akin.
She looks like familiar? Turan ko sa aking sarili.
MARA'S POV
Day-off ko kinabukasan kung kaya maaga palang ay naggagayak na ako ng aking gamit para makapagbakasyon sandali sa bahay na pinagawa ko hindi kalayuan sa bahay ni Gael. Isang beses sa Isang linggo lamang ako pwedeng magday-off Pero dahil sa napapagbigyan ko si Mang Berto ay madalas akong napapaextend sa pagd-day off. Medyo malayo kasi ang bahay ko sa aking pinagttrabahuan kaya nagpasya akong magstay in na lamang. Pagkatapos Kong maggayak ay inilagay ko sa ibabaw ng kama ko ang aking bag saka nagtungo sa katabing bakery kung saan ako nagttrabaho.
"Good morning, Mara" bati kaagad sa akin ni Kulas na Isa sa mga panadero. Nasa 20 yrs. Old pa lamang ito.
Bilang kilalang Isang pala-ngiti at mabait na tindera ng panaderya ay masugid ko itong binati.
"Good morning din" bati ko.
Binati rin ako ng dalawa pang panadero na sina Rusi at Castor saka ako nagtungo sa aking pwesto.
"Day-off mo bukas, Ate Mara?" tanong sa akin ni Lanie
"Oo Sana" maikli Kong sagot. Dahil Umaga ay marami kaming customer Lalo na ng pandesal. May Isang kotse ang pumarada sa tapat ng tindahan at bumaba ang Isang lalaki na may matipunong pangangatawan at may napakadisenteng pananamit.
"Sir, ano po sa Inyo?" tanong kaagad ni Lanie n may ngiting nakapaskil sa kanyang mga labi.
"Bente pirasong cheese pandesal nga" sagot ng gwapong lalaki. Masiglang inasikaso ni Lanie ang lalaki habang ako ay titig na titig dito. Ang init ng katawan na hindi ko naramdaman sa loob ng dalawang araw ay muli na namang umusbong. Para bang Isang uhaw at sabik sa laman ng makita ang napakagandang pangangatawan nito. Ang itinatagong alaga nito na bakat sa kanyang masikip na pantalon ay nagpapatuyo sa aking lalamunan.
"Mara, pa-asikaso naman yung Isang customer. Kanina pa naghihintay" tawag sa akin ni Lanie na nagpabalik sa aking sarili mula sa pagpapantasya sa katawan ng isang estranghero. Mabilis akong kumilos at inasistihan ang ibang mga customer na bumibili. Sumisimple akong tingin dito at napagmasdan ko ng mabuti ang mukha nito. Napagtanto Kong Tila pamilyar sa akin ang mukha nito ngunit hindi ko matandaan kung saan ko ito nakita.
"Sir, may iba pa po ba kayong gusto?" tanong ko rito habang kinukuha ni Lanie ang order nitong tinapay.
Kagaya ko ay tinitigan Niya rin ako ng mabuti. Napakunot pa nga ito ng noo.
"Have we met before?" tanong nito
"Hindi ko po alam" sagot ko naman
"Anong pangalan mo?" tanong nitong muli sa akin
"Mara po sir" pakilala ko. Nagbago ang reaksyon nito na para ba itong nagulat. Kinuha nito ang wallet nito at may inilabas na calling card.
"Busy ka ba mamayang hapon?"
"5 pa po ang tapos ng trabaho ko sir. Bakit po?" Takang tanong ko
"Here's my calling card. Tawagan mo ako kaagad mamaya pagkatapos ng trabaho mo" iniabot nito sa akin ang Isang maliit na papel.
"Sir ito na po ang order niyo. Ano pa po?" Tanong ni Lanie at iniabot sa lalaki ang paper bag na may lamang tinapay.
"Here, Keep the change. Paghatian niyo na lang. Mara, call my number later kung out mo na. Gusto Sana kitang makausap." anito habang iniaabot ang Isang libong piso. Tiningnan nito ang kanyang relo saka nag- aatubiling umalis na para bang may gusto pa itong sabihin subalit hindi nito masabi.
"Ano yan, Mara? Bagong suitor? Naks naman" Sabi ni Lanie habang nakatingin din sa hawak Kong calling card na ibinigay ng gwapong lalaki. May halong pagtataka habang tinititigan ko ang pangalan nito.
ONYX DELA CUADRA?
Isa ba siya sa kilalang angkan ng mga Dela Cuadra na napapanood ko sa balita at internet?
Anong kailangan Niya sa akin?