Chapter 16 Fire Burning Inside Us “Young Master, bakit niyo po ako pinatawag?” tanong ng butler ni Law sa kanya. His face was void of any emotion and it seems like its part of his job. “May ipag-uutos po ba kayo?” Diretso ang kanyang tindig at nakalagay sa kanyang likudan ang dalawa niyang kamay. Bahagyang nakatungo ang kanyang noo at tutunghay lang kapag nagsasalita na ang kanyang master. “I just wanted to know…how long do you work here as a butler? Nakita mo ba ang paglaki ko? Alam mo ba kung sino ang mga magulang ko? Are they even alive?” sunod-sunod na tanong ni Law. Nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama. Nakasuot siya ng maong na pantalon at wala siyang suot na pang-itaas. Gulo-gulo ang basa niyang buhok na para bang kagagaling lang niya sa paliligo. Isinuklay niya ang kanyang bu

