Maaga akong nagising dahil hindi ako comfortable na humiga sa sahig, pagkagising ko tahimik ang buong bahay lahat sila mahimbing ang tulog, ang tanging maririnig mo lang ay ang malakas na alon ng dagat Tiningnan ko muna si seth na himbing na himbing ang tulog hinimas ko ang ulo nya at hinalikan sya sa Noo Tsaka ako tumayo para lumabas ng bahay Langhap ko ang sariwang hangin ng Isla, Pakiramdam ko nasa isa akong lugar na ponu ng pagmamahal Pero parang ang mga tao dito hindi marunong mag mahal, pano kaya sila nagkaron ng pamilya? sa pagmamahal kaya? Naglakad lakad muna ako sa gilid ng baybay at kapag may nakikita ako ng shell dinadampot ko ito at tinatapon sa dagat, lakas lang ng Trip ko no? Huminto ako at humarap sa dagat napatingin rin ako sa langit na kong saan nakikita

