Nakasalubong ni Nico ang taxi ni Harold. Pero dahil tinted ang salamin ng taxi at nakatutok ang mga mata nito sa kalsada kaya hindi nito nakita si Ella na luhaang naka-upo sa back seat. Ipinarada nito ang kotse sa harapan ng bakery ni Ally. Huminga muna ito ng malalim bago ito bumaba ng sasakyan. Kabado, excited, medyo malungkot na pinindot nito ang door bell. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman nito ngayon. Dahil after eight months muli nito makikita si Ally ang asawa nitong niloko at pinaglaruan nito nang harap-harapan. Napasimangot si Ally nang marinig niya ang tunog ng doorbell. Iniisip niya na baka bumalik si Ella nagbago na ang isip nito na iwanan sa kan'ya si baby Lucky. "Tita Susan ihiga mo po muna sa kama si baby Lucky para matingnan mo kung sino ang tao sa labas," magalang

