Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig mula kay Sir Thomas. Ano raw!? I’m going to marry his son? Na para bang na-virginan ko ang anak nito. Na parang ito ang babae sa amin. At para bang kasalanan ko kung bakit kami humantong sa ganito. Pero agad kong kinastigo ang sarili ko na ako nga ang mas may kasalanan sa amin. Dapat ay hinayaan ko na lang si Sir Tristan kagabi. Kung hindi marupok ang katawan ko ay hindi aabot sa ganitong point. Umiling ako nang mariin. Nakita kong napatingin si Sir Thomas sa kumot na pilit kong hinaharang sa katawan ko. Na-conscious ako. Lalo na dahil kita nito ang marami kong skin. Para tuloy akong naka-tube ngayon at pilit kong tinatakpan ang cleavage ko. May malusog pa naman akong dibdib na todong lamas ang ginawa ni Sir Tristan sa mainit naming

