Capitulo Diecinueve

2440 Words
Donovan's Nasa loob kami ng opisina ko sa bahay, may mga dokumentong nakalapag sa harap naming dalawa ni Akari. Hindi na niya ako kinakausap, ayaw ko rin naman ito pilitin. At ngayon, ng may lalaking dumating kanina, isang attorney, na nag-abot sa kanya ng dokumento, ay siyang unang beses na kinausap niya ako para sabihing kailangan naming mag-usap na dalawa. She doesn't even wants to look at me, sa ibang dako siya ng silid nakatingin habang ako, di matanggal ang mga tingin sa kanya. Alam ko nasaktan siya, puno siya non ngayon, pero nawalan din naman ako. At sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niya, siguro naman ay karapatan ko ring maramdaman ang kahit kakarampot na sakit ng sa kanya. Gusto ko siyang yakapin pero pinipigil ko, dahil sa tingin ko ay hindi rin naman ako nito hahayaang malapit sa kanya. I was almost there... kunti nalang sana, I could've tame her untrusting heart but in the end I didn't and I have to go back to square one. Ang mga iyak nito ng sandalaing malaman niya ang totoo, the cries that stab me in the heart. /flashback/ Papasok na ako ng ospital to see Akari. Hindi parin kasi ito nagkakamalay. Ang sabi nang doktor ay mas mabuti nang mataas ang pahinga niya dahil masyadong maraming dugo ang nawala dito at hindi pa kakayanin ng katawan niya lalo na kapag nalaman nito ang nangyari sa bata. Technically, we can't lie about it, at siguradong sa oras na magising ito ay mararamdaman din niya sa katawan niya ang pagkawala ng bata. Hinahanda ko na ang sarili ko sa maaring reaksyon nito, but can anyone be really ready? Hindi araw-araw ay mawawalan ng isang babae ng anak sa sunod sunod na pagkakataon, lalo na at napakaingat namin dito. I could only hope for the best, for her. Binuksan ko na ang pinto dala ko sa aking kamay ang boquet ng mga rosas at ilang prutas at pagkaing pwede sa kanya ngayon. Nang makapasok na ako ay agad ko nakita si Akari, gising na ito. Maputla pa rin, at halata na nananamlay pero nakuha pa rin nitong maupo at kumuha ng bottled water. Tinakbo ko ang distansya namin, at di rin naglaon ay napansin ako nito. "Donovan, bakit ganun, bakit parang ang gaan ng tiyan ko. Wala namang masamang nangyari sa bata di ba? He was saved right?", "Akari, pwede bang mamaya na tayo mag-usap tungkol diyan at kumain ka muna. Ang sabi ng doktor ay kailangan agad maibalik ang lakas mo", nanghihinang tinabig nito ang kamay ko. "Hindi, ayoko, sabihin mo sa akin ngayon na..." , malumanay pa rin ang boses nito "Akari... about the child if we--", di ko pa man natapos ang sasabihin ko ay hinapas na ako nito ng bottled water sa mukha. "Putangina! Tell me my child is okay! Nagmamakaawa ako, Don! Please!", hawak hawak nito ang damit ko, wala akong magawa but to hold her hands. Ang mukha nito ay agad napuno ng luha, na kahit anong gawin kong pahid ay hindi nito maalis ang lungkot na nadarama niya. Ang totoo, hindi ko alam pero ayokong sabihin, dahil ayaw kong kompirmahin sa kanya that we, again, lost our child and that, di ko natupad ng pinangako ko sa kanya. Pero alam ko, na walang patutunguhan ito at karapatan niyang malaman ang totoo. Kaya mabigat ang damdamin ay sinabi ko sa kanya ang katotohanan. "Baby Puto; our child Akari, our child didn't make it", pinipigil ang nginig sa aking boses ay nasabi ko na rin sa kanya. Gulat at bagsak ang nanginginig na nitong baba na di makapaniwalang nakatingin sa akin hanggang sa nauwi iyon sa sigaw at iyak, na siyang pumaloob sa silid. Agad ko itong niyakap na kung saan pinipilit nitong makawala pero hindi ko ito hinayaan at mas niyakap pa ito ngg mahigpit. Ang mukha nito ay nakapatong sa aking balikat at ang kamay ko ngayon ay hinahagod ang kanyang likod na pilit pinapakalma. My already broken heart, broke again as I tried to calm her down. Kung kaya ko lang tanggalin lahat ng sakit, for this woman, for Akari, I would. Pain and regret enveloped my being pero huli na, wala na. Nasaktan na si Akari at hindi magiging madali at maaga ang paghihilom ng sugat na naidulot nito sa kanya. /end of flashback/ Puno ng desperasyon sa parte ko, sinubukan kong magsalita pero sandali akong napigil ng tanggalin nito ang singsing sa kanyang daliri at inilagay ito katabi ng dokumento. "Tapusin na natin to...", wika niya. Hindi ko na kailangan buksan ang laman ng dokumento, dahil alam kong hindi iyon divorce papers dahil di naman naging valid ang kasal naming iyon. It's definitely a restraining order against me. Walang salitang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kong anong sasabihin ko that would not hurt her because for almost a year that I'm with her, wala akong ginawa kundi ang pasakitan siya sa mga sinsabi ko. And I'm a fool for noticing that now. "Wala ka bang sasabihin?", Tanong nito ng biglang tumunog ang phone ko. Pinatay ko iyon but it just keeps on ringing. "Sagutin mo..." Sinunod ko ito at sinagot ang phone. "I have an important meeting today. My secretary called to check on me since wala pa ako ngayon sa Hive" Hindi agad ito nagsalita, hindi ko alam pero hinhintay ko ang sasabihin nito, because whatever she says now, I will obey. "Go, kung urgent iyon, wag mo silang paghintayin", "I'll talk with you later, tonight", napakamao ako. Umalis na ako ng bahay; may parte sa akin ang nagsasabing I should stay, na mas kailangan ako nito ngayon kesa sa trabaho. Pero mas nangibabaw sa akin ang pagkakataong kahit sa kaunting oras lamang ay maiwasan ko ang maaring mangyari sa aming dalawa, ang ideya na maari na ako nitong iwan. Hours passed at nakauwi na ako ng bahay, slowly removing my tie, sinisilip kong nasa baba ba si Akari but somehow, none... kung iisipin the house is quiet... at nang silipin ko ang kusina kong saan paboritong ligar ni Akari sa buong bahay ay wala ito doon. Imbes, nabungaran ko agad ang mga katulong na nagsisi-iyakan, tatanungin ko sana ang mga ito kung anong nangyari pero madali lang tumakbo ang mga ito, at hindi natapos doon ang mga hikbi dahil narinig ko rin iyon sa kusina kung asaan sina Manang Eva at ang dalawa nitong anak na sina Lila at Zeke, kalungkalung ni Zeke ang tuta na si Loco, which she now also left. "Ano ba ang nangyayari? Bakit kayo nag-iiyak na lahat? Where is Akari?", naguguluhan ako sa mga inaasta nito ngayon, its been days since my child died, anong iniiyak ng mga ito? "Mr. Maderazo, nang wala kayo dito ay kinausap kaming lahat ni Ma'am Akari...", ani ni Manang na pinapahid ngayon ang kanyang luha. "At anong sinabi niya sa inyo?", "Sabi ho niya na hindi siya totoong may bahay ninyo at na aalis na ho daw siya" "Where is she?!", tinalikuran ko ang mga ito pero di pa man makahakbang ay nagsalita itong ulit. "Wala na ho si Ma'am Akari sa itaas Sir. Kanina pa ho siyang umaga nakaalis habang nasa opisina kayo", "What?!" "Ayaw niya hong ipaalam namin sa inyo, sabi niya ay kahit iyon nalang ay ibigay namin sa kanya. Sa sakit na nararamdman ni Maam Akari, sino ba naman ho ako para hindi tuparin ang kahilingan niyang iyon?", nag-igting ang mga paa, at pinipigil na mapasigaw ay galit kong tinalikuran ito ng tuluyan at tinakbo ang kwarto niya pero wala, wala nang Akari na anduon. This is not it. Maaga pa, she must still be somewhere. Hindi ako makakapagay, sinabi ko rito na mag-uusap kami ulit, pumayag ito kaya ano ito, Akari? You're ditching me just like that? Kung alam na alam mong you have me wrapped up in that palm of yours? Wala akong inaksayang panahon, hahanapin ko siya. May oras pa, I know... Una kong pinuntahan ang cafe' nito. Gabi na pero alam ko ay bukas pa rin dapat ang mga ito sa ganitong oras. Pero laki kong pagdududa ng makitang sarado na iyon at nang lapitan ko may nakasulat pang mga information for inquiries. My eyes widened she really left, even the cafe, she let it go. "Sir Donovan?", nilingon ko ang pinanggaliangan ng boses; si Dahlia. "Ano hong ginagawa ninyo dito, di ba kayo nasabihan ni Ma'am na tinitigil na niya ang cafe?" "Where is Akari?" "Hindi ko po alam, nasa inyo? Di ba asawa niya kayo?" "Kailan pa ito sinarado?" "Kahapon lang po, andito lang ako para kunin iba kong gamit. Nakaraang buwan na po niya napag-isipan na magsara kahit na popular na ang cafe dahil kay Mindy" "Wala siyang sinabi sa akin. May alam ka ba, Dahlia kung bakit?" "Hm, Ang sabi niya ay may mahaba-habang byahe daw siya, may sinabi siya nun eh, ah oo, I will not look back on this place again, I will left with my heart in peace. Iyon ganun!" Matagal na niyang pinaplano ang iwan ako. She really wanted out. Nagpaalam na ako dito, at umalis na. Nahampas ko ang manebala ng sasakyan, ng dahil sa trafgic at sa nararamdman ko ngayon. She loves her business so much pero kahit iyon bibitawan niya malayo lang siya sa akin? Pinatakbo ko na ang sasakyan at nagtungo sa bahay ng Lewis, Akari's Dad. Hindi ko alam kong alam na ba nito ang lahat, kung alam na nito ay siguradong alam ko na ang maari kong kahantungan but I care none; gusto kong makita at maka-usap si Akari, he can end me after, I just want to see even a glimpse of her. Kusa kong ipinasok ang sarili sa bahay nito. Sinalubong naman ako ng katulong na anduon . I was calling for Akari pero walang sumagot hanggang nasa harap na ako ng kismong bahay, saka lumabas ang Dad nito. He stood there, dignified, kahit na nakasimple puting shirt ito at poruntong. Hindi aakalain na mahina ito at nagdaan na sa operasyon. Hinawalan nito ang baril na nasa tagiliran habang ang katana naman nito na minsang itinakot sa akin ay nasa kabila. "Wala si Akari dito. Ang kapal naman ng apog mo at ikaw ay kusang nagounta rito sa teritoryo ko?" "Sir, with all due respect. Ilabas ninyo ang asawa ko" "Wala kang asawa rito kaya umalis ka na. Alam mo bang pwede kitang barilin o di kayay tarakan ng katana ko and boy, hindi ako kukurap at gagawin kitang kaning baboy pagkatapos" "Alam niyo na ho, of course, Akari must've said that to you para matakot ako at hindi magpunta dito tama ba?...", gumalaw ang sulok ng labi nito. I smirked at him too bago itinaas ang dalawang kamay sa aking gilid like I'm offering myself. "But here I am, in flesh. Hindi natatakot sa maari niyong ga--ughmp!", sinikmuraan ako nito gamit ang kanyang katana, napaluhod ako. At sunod-sunod na sinalonang mga suntok na iginagawad nito sa akin. Hindi ako nanlaban dito, ni hindi ko rin ikinublinang aking sarili dahil I deserve her Father's wrath, kaya kung iyon ang makakapagpagaan ng loob niya, so it will be. Nang tila napagod na ito kakasuntok ay maga na ang aking pisngi, duguan ang tila basag ko nang ilong at putok ang kilay. Walang masabi kundi pagdaing sa sakit ng natamo. Tumayo na rin ito at nagsimulang umulan ng malakas. Papasok na sana ng bahay ng magsalita ito. "Wala kang bayag! Hinding hindi mo mapapatunayan, kahit kailan na karapat dapat ka sa pagmamahal ng anak ko. Walang salita galing sayo ang makakapagkumbinsi sa aking mahal at mamahalin mo ng pang habang buhay ang--" "Then end me, Sir! With all due respect, end me!", sinusubukang tumayo at di nagawa ay napaluhod nalang ako sa labas habang basang-basa ng ulan. "Gago ka ba talaga?", "Akari, she has become someone important to me, as important to me as the next breath that I will take as I speak and the remaining ones as you end me, Sir!" "Huh! Nababliw ka nang talaga!" "Alam ko hindi madaling paniwalaan at aaminin ko ako rin, noon, but something happened, she happened. So please end me, kung sa tingin ninyo hindi ako kahit kailan man magiging karapat-dapat. End me!", malakas kong isinihaw ang mga huling salita, labas ang litid na sa aking mukha pero hindi ito natinag man lang sa mga sinabi ko at pinagbagsakan na akong tuluyan ng pinto. Napahiga na lang ako sa damuhan. I was there for almost an hour, umaasang nasa loob si Akari at maawa ito sa akin at lumabas pero wala hanggang sa makarinig ako ng mga yapak patungo sa akin. "f**k, you're worse. Stand up, or you will smell tomorrow as you're a corpse by then", "f**k you. Why are you even here?" "Because Mr. Veluz called my wife saying some asswipe keeps looking for Akari when she's not there. I didn't expect to be the one to collect you like this" "Huh, f**k that Jorge, I interrupted you and Cina's time, to think iisipin niyang may ginawa na naman ako. Hindi na talaga maalis ang galit non sa akin" "I know right, wag ka muna magpakita sa kanya mga isang dekada pa. So stand up now, you asswipe!" pilit akong tumayo at inalalayan naman ako nito sa aking kwelyo at inikot ang kamay sa aking likod para iangat ako. He was the one to drive me, pero hindi ako umuwi sa bahay namin ni Akari, it's not a home anymore, it's a mere house now. Umuwi ako sa bahay ng parents ko, gabi na, sa mga kras na ito ay auguradong natutulog na ang lahat, so with a blasted face I slowly creep in my parents room. Pagkapasok ko ay agad natutulog na ang mga ito so kaya naupo lang ako doon hanggang sa biglang nagising ang Mom at binuksan ang ilaw. "Don, Donovan?, oh my good, anong nangyari sayo", niyakap ko agad ang Mom kahit basa ay mahigpit nito akong niyakap. "Umalis na siya, Mom. Akari, she finally left me" "Let her, anak. Alam kung masakit pero hindi ikaw ang kailangan niya ngayon" "Mom..." "Hindi niya kami maharap ng Dad mo, so she wrote us a letter, at naiintindihan namin. It was somehow our fault too dahil pinilit namin kayong dalawa sa sitwasyon ninyo ngayon. That now, walang natira sa inyo kundi ang masasakit; patawarin mo kami, anak" Nakasubsob ang mukha sa kanlungan ng Mom at iniyak ko ng gabing iyon ang lahat, ang sakit ng katawan at ng puso ko. Conscience and guilt ate me. I scarred her for life, and that's the dagger that scarred me too and it is irreparable as s**t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD