Capitulo Seis

2371 Words
Akari's Monday Morning, inabala ko ang sarili sa cafe' para naman kahit papaano hindi akongaanong mag-isip. All is well naman na sa aming dalawa ni Donovan, naghihintay nalang kami sa araw ng kasal. Kung sa preparations naman sa kasal ay ayos narin, may taong umasikaso nun sa utos ko na rin. Wala si Donovan sa kahit anong preparations bukod sa fitting ng susuotin nito. Ayos lang naman iyon sa akin. I'm not even excited, I'm nervous about the wedding lalo na ang buhay namin matapos iyon. Bukod doon ay kailangan ko rin ipaalam ang lahat kina Jorge at Cina, thinking about the idea parang hihimatayin na ako sa maaring mangyari. I will be meeting them later this afternoon. I hope they will take this situation lightly, lalo na si Cina, siya lang ang nag-iisang bestfriend ko; kailangan ko ngayon ng suporta at pag-unawa niya. "Ma'am, may naghahanap sa inyo" "Si Jacintha ba iyan?", biglang sabi ko, knowing kikitain ko siya ngayon. "Hindi ho, Nanay daw ho siya ni Sir Donovan" Luluwa na yata ang mga mata ko sa gulat. Ang alam ko mamayang gabi ang schedule dinner namin rito. Inayos ko na muna ang sarili ko bago ako lumabas. Nakita ko itong nasa gilid ng bintana, nakatanaw lang sa labas, may tasa ng kape sa harap nito. Maputla man ngunit litaw pa rin ang ganda ng Mommy ni Don sa maalon nitong buhok at ngiting ibinibigay nito ngayon sa akin. Dali akong naglakad at naupo sa harap nito. "You must be Akari?", tango lang ang sagot ko. "I'm Anya, Donovan's Mom. Finally, nahkita na tayo. Pasensya ka na kung naisturbo ko kayo", itinaas ko ang kamay and wave it. "Hindi ho, ayos lang. Akala ko ho ngayong gabi pa tayo mag-uusap" "I'm sick, Hija. My Doctor called me, kailangan ko na munang tapusin ang therapy ko, so I won't be able to make it tonight kaya ako na ang nagpunta rito. I wanted to see you" Sabi ko na, looking at her, mukhang may iniinda itong karamdaman. Don didn't tell me so. "Pwede naman hong ako nalang ang nagpaunta sa inyo" "It's okay, I wanted to see the you in your work. Somehow, I understand why Don wants to marry you" "Ho?", kung alam lang sana nito. "Buntis ho ako ngayon, Ma'am papakasalan niya ako dahil doon" "Alam ko, but my son, he is quite stubborn kapag ayaw niya kahit anong gawin mo hindi mo siya mapapaamo sayo. So when I heard what your Father did, I think that it was really unfair for him..." "I'm sorry ma'am sa ginawa ng Dad kaya kung andito kayo para i-call off ang kas--" "No, hindi iyon ang sadya ko. It's just that Don, made a decision. Kahit pa tingin natin ay pinilit siya. He made the decision to marry you. So I think, he is ready for a life na kasama ka, Hija", Kung ganun lang talaga sana ang katotohanan sa pagitan naming dalawa ni Don, but no, gusto kong sabihin rito na hindi kami kagaya nito at ng asawa niya. We are not marrying for love, but for convinience at na hindi ako naiiba at hindi ako ang taong handang makasama ni Don. Kung alam lang sana nito, that we, we are not fairytale or destiny, hindi iyon. Kaming dalawa ay consequence ng mga actions namin, at as bad as it is ganun din ang batang nasa tiyan ko. "I appreciate it Ma'am" "Alam kong mahirap rin sayo ito, it is the least I can do" Di na rin naman nagtagal ang si Maam Anya at umalis na rin. She even left me a basket, full of warming gifts par sa nagbubuntis. Susubukan raw nitong umuwi sa kasal namin ni Donovan. After the meeting sa Nanay ni Don ay nagmaneho ako patungo sa suburb kung saan nakatira sina Jorge at Jacintha. Maaliwalas ang panahon, I'm taking it as a good sign. Or not... Nang makarating kasi ako sa bahay ng mga ito ay una kong nakita si Jorge na kumakain ng biscuit at nakatunghay lang sa kung anong amusing na nangyayari at pangisi-ngisi lang. "I will f*****g m*rder you!", nakadagan na si Jacintha kay Donovan habang si Jorge naman ay nakaupo lang, nakadantay ang isang paa sa kabila at nakatingin sa dalawa. "Cina!" "Ano bang ginagawa mo?" "Is it true? Nabuntis ka ng gagong ito?" "Yes, totoo, kaya please lang wag mo naman tanggalan ng Ama ang di pa nga lumalabas na bata" Hinila ako ni Jacintha paupo sa mesa. Si Jorge naman ay tumayo at tinulungang makatayo ang kanina pang nasa damuhang si Donovan. "Tell me what happened? Ang damuhong iyan, pumunta dito at sinabing nabuntis ka niya. Natawa pa kami, but then I realize hindi nakakatawa iyon, its you, hindi siya pwede mag-joke nalang ng ganun!", napapikit nalang ako ng lumaki ang boses nito na napakalapit sa aking mukha. "Ngayon, here you are, sinasabi mong... Lahat iyon ay totoo?", napahawak ito sa magkabila niyang sentido. Pinaupo naman na ni Jorge si Donovan sa bakante silya sa harap namin. Hindi ito makatingin ng deritso at pinapahid ang putok niyang labi. "Totoo Cina, and we, we're gonna get married two weeks from now. Andito kami para ipaalam sa inyong dalawa ni Jorge" Hindi pa rin makapaniwala ang itsura ni Cina, humarap pa ito kay Jorge, na tinaas lang ang balikat. "Desisyon nila iyan, Mi Hermosa. Donovan here at least had the decency lara harapin ka" "Yeah, at hayaan lang din ang asawa mong kamuntikan na akong patayin" "Isn't that what's lovely about my wife?", nag-asaran lang ang dalawa habang patuloy kami si Cina sa pagtatanong. Kinuha muli ni Cina ang kamay ko at naglakad ng ilang hakbang palayo sa dalawa. "Ilang buwan na?" "Almost two" "You can talk to me later on but, are you sure?" "I am" "Akari, si Donovan Maderazo iyan. Siya pa talaga?" "I never questioned you when you decided na pakasalan si Jorge" "Iba iyong sa amin, Kari" "Is it? O gaya ko, kinailangan mo rin noon gawin ang mga bagay na ginawa mo. I have been a good friend, maging ganun ka sana sakin ngayon" "But not Donovan, Akari. Masyado kang mabuti para sa kanya. Natatakot akong...", ibinaling nito ang tingin ngayon sa dalawang lalaki. " He will ruin you". Lumipat rin sa mga ito ang ang tingin ko, kay Donovan . "Kung ganun, that's on me. Oo, nagdalawang-isip ako sa umpisa pero hindi ko ito ginagawa para sa akin, Cina...", hinawakan ko ang aking tiyan. "Kundi para kay monggo" Mukha na itong maiiyak na natatawa, kinurot nito ang taguliran ko, napaaray naman ako. "Monggo?" "Hm, kasing liit pa nun eh" Nagtawanan nalang kaming dalawa, at saka ako nito niyakap ng mahigpit. "Magiging Nanay ka na, I wish you all the best kung ito talaga ang nais mo" "I know papayag ka rin, pinapahirapan mo pa kami", hinampas ako nito sa puwetan. "Gaga ka kasi!", muli ay nagtawanan kami bago tinapos ang yakap at nagtungo na kung asaan sina Jorge ar Donovan. Lumipas ang ilang araw at wala na akong pino-problema lahat ay ngayon na, hihingayin nalang namin ang kasal, nagpapa-check up na rin ako, mahina raw ang kapit ng bata kaya kailangan ko na munang mag lie low sa cafe at magtake ng mga pangpakapit. Inayos ko ngayon ang bento box na ginagawa ko para kay Donovan. Tumawag ako sa sekretarya niya, nasa office daw niya ito ngayon, bibisitahin ko siya. I wore my lacy long sleeve lavender dress, pinatungan iyon ng denim yellow jacket. Inilugay ko lang ang buhok ko at hindi na nag make-up at lipstick, naalala ko kasi, he likes my freckles. Nang nasa building na ako nito ay nag elevator na ako papunta sa office niya at nang malapit na ako ay gulat ko nalang ng agad akong hinarangan ng sekretarya nito, mukhang nagulat sa pagdating ko. "Miss Akari, ano hong ginagawa niyo rito?" "Magla-lunchtime na, dinalhan ko kayo ni Donovan ng makakain", inilapag ko ang kanya sa desk niya saka madaling bubuksan sana ang pinto ng humarang ito. "Miss, hindi ho kayo pwedeng--" "Sandali lang naman, ibibigay ko lang ang bento", binuksan ko na agad ang pintuan at agad na bumalandra sa akin ang isang babaeng nakaupo sa kandungan ni Donovan. Nakataas ang maikli nutong palda kaya kita ko ang tabingi nitong panty at ang nakabukas na zipper ni Donovan. "Pasensya na ho kayo, Mr. Maderazo, nagpumilit ho kasi si Miss Akari" "No, its okay. You, get off me" Daling umalis ang babae sa harap nito at inayos ang sarili. Nakatayo lang ako doon at hinihintay silang matapos, narinig ko pa ang pag zip ng zipper nito. Ang babae naman ay pinasadahan ako ng tingin, ulo hanggang paa bago tuluyang umalis. Bigla ay nakaramdam ako ng sakit sa aking puson, pero tiniis ko na muna dahil nais kong marinig ang rason nito. "Anong ginagawa mo rito?" "Ano, kasi... May dala akong bento para sa l-lunch mo", inabot ko rito ang dala, di ako makahakbang dahil sa sakit ng puso at puson?, di ko na alam. Ibinaba ko nalang ang aking kamay. "Were you shock? You shouldn't be; normal lang naman iyon. You were once my FuBu" "Kailangan mo ba talaga dito gawin iyon?" "This is my office, I can do what I want" Sa likod ng aking utak ay napa asik na ako. "Hindi pa tayo kasal, dont act as if you are a dotting wife already. Dapat naghintay ka nalang sa bahay mo at hindi ka na nag-abala-- What is that?" "Huh?" , matamlay kong balik, nagpupungay ang aking mga mata, pakiramdam ko ay mawawalan ako ng balanse at hihimatayin ng itinuro nito ang nasa pagitan ng aking mga hita. Iniangat kong bahagya ang suot kong dress at hinawakan ang likidong dumadaloy sa aking mga binti. Mabitawan ko ang dalang bento box at nagkalat ang laman niyon. "Baby monggo ko...", wala na halos na boses kong sabi ko saka ako nilapitan ni Donovan at inangat sa dalawa nitong bisig bago nawalan ng malay. My baby... Nang magising ay nasa isang hospital room na ako at may IV na nakakabit sa akin. Dinama ko ang tiyan ko; pero bakit ganun, bakit parang wala na... wala na... Bumukas ang pintuan at iniluwa non si Donovan at isang babaeng Doctor. "Gising ka na", he looked at me blank. Lumapit ang Doctor at tinulungan akong makaupo ng maayos bago ibinigay sa amin ang resulta ng nangyari sa akin kanina. "Mahina ang kapit ng bata, dapat naging extra careful ka. I'm sorry for the both of you, but we lost the fetus" Naitakip ko ang dalawang kamay sa aking bibig at nagsimulang mapuno ng luha ang aking mata wala akong ibang makita. Tanging ang sakit na nararamdaman lang sa isiniwalat nito sa amin. Wala na si Baby Monggo ko. Wala na! "Thank you, Doc. I can take it from here", kalmado nitong sabi, at nang tuluyan nang lumabas ang Doctor ay nagsalita. "Your one job is to take care of the child but you lost him", mas lalong lumakas ang aking hagulgol. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Ayokong sisihin siya dahil di naman na nito maibabalik sa akin ang nawala. Kinalma ko na muna ang aking sarili, nanginginig ako, hindi ko siya maharap dahil baka bumalik lang ang sakit ng nangyari. "Itigil nalang natin ang kasal, wala na rin naman rason kung bakit natin kailangang gawin iyon" "No, we will still wed", umangat rito ang aking tingin. "I can't give my Mother another heart break and so as you sa Dad mo. We can't back out, at least not now. Sasabihin natin sa kanila na nakunan ka pero matapos na ang kasal but...", my brows furrowed. "We will fake the marriage" "Anong ibig mong sabihin?" "We will have the wedding but we will be faking the documents. So if the right time comes and we can have a divorce, madali nalang sa atin ang paghihiwalay. Wala na silang magagawa" Lihim kong naikuyom ang aking palad sa ilalim ng kumot. Hindi man lang ito nalungkot sa pagkawala ng anak niya? Nabulag ako sa isang gentleman na Donovan na nakilala ko, dahil ito siya, this is the real him, pero hindi ako makahindi, iniisip ko ang magiging reaksyon ng Dad, baka kung ano pa ang mangyari rito at si Kuya baka kamuhian niya rin ako. "Sige, gawin natin kung ano sa tingin mo ang mas makakabuti sa lahat" Ako nalang, kayo ko ang sakit, kung ako lang, wag nang madamay ang mga taong mahal ko, kaya kung magtiis sa kamay ng lalaking ito. ~~ Harap sa malaking wall mirror ay suot ko ang wedding aking wedding gown. Korean style, off shoulder satin ball gown with ang kulot kong buhok ay naka half-up, half down, suot suot ang mahabang veil at hawak ang isang boquet ng mga bulaklak. We had a truce, kailangan lang naming magtagal hanggang sa tingin naman ay kailangan para mapaniwala ang mga ito. I sigh, napahawak ako sa aking sinapupunan. Monggo is no longer with me, sa unting panahon na ramdam ko sa loob siya ay nabigyan ko na ito ng pangalan, inaasahang isang araw ay mapapalitan iyon ng isang matinong pangalan, pero hindi na mangyayari iyon. "Are you ready?", lumapit sa akin ang Kuya at hinawakan ang balikat ko saka ako dinampian ng halik sa ulo. "I am" "Let's go" Dinala na ako ng Kuya sa harap ng simbahan. Ang kasal namin ngayon ay isang intimate church wedding. Pamilya namin at pamilya ilang nila ang kasama sa kasal at kaibigang malapit ko at ni Donovan. Bumukas ang pintuan, ramdam ko ang mga tingin ng mga taong nasa loob. Nagsimulang punuin ng melodiya ang simbahan at dahan-dahan akong naglakad patungo sa harap ng altar. I even blink twice, dahil baka panaginip lang ito at hindi totoong nasa dulo si Donovan; pero may parte ng puso ko ang nasasaktan parin dahil alam ko ang tunay na rason kung bakit; we are a mere truce, para sa Mommy nito at para sa Daddy ko. Huminto ako sa harap at ibinigay na ng Dad ang kamay ko sa kanya and as the ceremony took place and I utter my vows, I realize that after these senseless words is the start of the lies; and possible... pain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD