Donovan's
"What did you just say?", pagpapaulit muli ni Uzman sa sasabihin ko. I'm with them, specifically sa man cave ni Uzman. Naglalaro kaming dalawa ng Billiards habang nagse-segregate ng mga larawan si Benille, mga litratong nakuha nito sa trip sa private island namin kamakailan lang.
Narinig ako ng dalawa pero hindi naimik si Ben at seryoso lang sa ginagawa. I decided to tell them what's up; ang relasyong mayroon kami ni Akari at ang nangyari sa pagitan namin ni Eloise pero hindi ko pa ito nasasabi kay Jorge, hindi dahil sa ayoko kundi dahil siguradong malalaman ni Jacintha ang totoo and I don't want drama, at least hindi ngayon.
"I said, Eloise and I are dating", wala pa ring reaksyon kay Benille.
"Kaya pala panay kami ang kasama mo at hindi si Jorge", tumitirang wika ni Uzman.
"Sinabi ko na sa inyo, walang ibang namamagitan sa aming dalawa ni Kari, yeah well maybe we f****d. We are being discreet"
"I don't know, Don pero hindi maganda ang pakiramdam ko diyan. How about you, Ben, ano ang tingin mo?", natigil kami sa paglalaro at naghihintay sa sasabihin ni Benille.
"So that was the reason, bakit tinaya ni Akari ang safety niya para iligtas si Eloise; and when she said na masasaktan ka kapag may nangyaring masama kay Eloise, at hinayaan lang ang sugat at masakit niyang kamay para unahin mo si Eloise", gulat na inilagay ko ang stick sa mesa at lumapit dito.
"She had injuries?"
"Hm, it probably healed. Di mo napansin?", patuloy pa rin ito sa ginagawa
"Ibig mong sabihin ay alam na niya?", tanong ni Uzman.
"That's not a question, alam na talaga niya", ani ni Ben.
Ako naman ngayon ang di nakapagsalita, may alam ito? Pero wala naman itong sinasabi sa akin.
"Goodness you Don, kung naririnig ka lang ngayon ni Jorge ay baka nasapak na niya ang best man niya!", naupo na lang ako sa solo chair na anduon, napadekwatro at idinantay ang kamay sa ilalaim ng baba at napapaisip.
"Pero mahal mo ba talaga si Eloise?", tanong ni Ben habang inaayos ang punpon ng litrato sa kamay niya at ibinigay iyon sa akin na kinuha ko naman.
Mga litrato iyon ni Akari, halos lahat iyon stolen shots nang dumating kami, nang umakyat sila ng bundok hanggang sa party. At ang huli ay isang litrato kung saan nakangiti siya inaalis ang camera sa kanyang mukha at ang naka-ponytail nitong buhok ay tinatangay ng hangin, she looks carefree in the picture. Di ko namalayang nakataas na pala ang isang sulok ng aking mga labi, agad ko iyong inalis.
"That's why I'm dating her, isnt it?..."
"Maybe, sana hindi lang mere fixation iyan"
"What do you mean fixation?", he calmly went to play the foosball na mag-isa, nakangiti pa itong iniikot-ikot ang rods.
"Kung iisipin mo kasi, I think you are just fixated with the past. Ang ideya na minahal mo siya at di siya napasayo. Maybe it feeds your ego that finally you can have her now, that she finally reciprocated your love. Pero kung di nasira ang career niya dahil sa injury at hindi siya nag-divorce, would she even come back to you?"
"Ben...", pigil ni Uzman.
"Di mo ba naisip na baka ikaw nalang ang option niya ngayon so she settled with you?"
"Benille!", ulit ni Uzman. Itinaas ni Ben ang kamay saka itinukod ang siko sa bar counter ng nakaharap sa amin, with a smirk on his face.
"Nagsasabi lang naman ako Uzman, that maybe Don here is one confuse fella. Ayokong sa huli ay magsisi si Don dahil binalewala at pinagpalit niya ang taong andyan para sa kanya. Love lost is difficult to win back, I assure you that"
Fixation? Am I fixated? I don't know.
Hawak pa rin ang mga litrato nito sa aking kamay ay natayo na ako at pinasok iyon sa coat ko.
"Aalis na ako, may kailangan pa akong puntahan"
Hindi na hinintay ang sasabihin pa ng dalawa ay umalis na ako doon.
May usapan kami ngayon ni Eloise, I'm visiting her at her Hotel. Kakatapos lang namin magpirmahan so technically, I'm going there for work and nothing else. Pero uuwi muna ako ng bahay at may nakalimutan akong mga dokumento doon.
Nang pagkababa ko ng sasakyan ay sumalubong sa akin si Mindy, basang basa ito na nagba-vlog, hawak ang camera niya. Mukhang nililinis ng mga ito ang sasakyan ni Akari.
Lumapit ako rito na agad naman niyang napansin.
"Hi Kuya...", bati sa akin ni Mindy, may hawak pa itong sponge
"Bakit mo nililinis iyang sasakyan? Asaan ang Ate Akari mo?", tanong ko rito na hinahanap ng mata ang huli ng makita kong papalapit ito sa akin na may dalang pitsel ng juice at baso. Nasunod dito si Zeke na may dalang mga towels.
My brow instantly creased at the site of her; basa kasi ito, isama pa ang suot lang naman kasi nitong highwaisted short na nagpapalitaw na mga hita nito at polo na naka half tucked in, basa pa iyon dahilan para makita ko ang suot nitong bra at ang mas malala ay mukhang wala lang ito sa kanya.
Siniko ako ni Mindy, nagtataas-baba pa ang mga kilay nito.
"Kuya naman, Ate Kari would melt", mahinang wika nito na hindi yata narinig ni Akari.
Nagtama ang aming mga mata, nilagay na nito ang juice at baso sa maliit na mesa.
"Inom ka muna, Mindy. Magpalit ka na matapos, malinis naman na ang sasakyan. Thank you", sabay ngiti. Ibinigay naman ni Zeke ang towels sa dalawa.
"Akari...", kuha ko sa atemsyon nito, natingin naman ito. "Anong ginagawa ni Mindy dito?"
"Nag-usap lang kami, kinuha ko siya to endorse our products sa cafe'. Naglilinis ako ng sasakyan kaya tinulungan niya ako, for the vlog din daw niya", natawa pa ito.
"Looking like that!. Mindy?"
"Yes Kuya, nag-live ako. What's wrong Ate looks fine naman. Ang daming fan ni Ate Akari dito oh. Basahin mo ay--", nilapit pa nito sa aking mukha ng phone, na agad kong inalis.
"Burahin mo iyan or else, I will tear your channel down. Get it?!", inis ko nang sigaw rito. Naiinis itong tumnago nalang at kinuha ang juice niya.
"What?", nakatingin na rin kasi sa akin si Akari. Hindi ito sumagot at sabay namang may tumawag rito kaya nag-excuse siya at pumasok ng bahay. Nakasukbit sa ulo nito ang tuwalya. Sumunod ako sa kanya, papunta itong itaas siguro ay magpapalit na rin.
"Dad, kakapunta ko lang kahapon haha", her soft giggles echoed.
Ang Dad lang pala nito. Ang alam ko ay maayos na ang Dad niya, we even visited him after the vacation kasama ang Mom at Dad.
Nakaakyat na ito sa itaas, nasa wing na niya ito ng mapansin niyang nakasunod ako sa kanya.
"Bakit Don, may kailangan ka?", pinatay na nito ang phone.
"Why are you dressed like that?", there I asked it.
"Bakit? Ah, si Mindy, nagpatulong lang ako ano babagay sa akin. Plano kong medyo ibahin ang wardrobe ko kaya ito"
"May pinapakitaan ka?"
"Excuse me?", gulat na inis ang makikita sa mukha nito, napahalukipkip lang ako.
"Noon ka pa ganyan manamit so why change now, if not for a lover", her eye then rolled at me.
Did she just? Tinuro ko ito.
"Did you just?!"
"Pwede ba Donovan, wala akong oras makipagtalo sayo...", bubuksan na sana nito ang pinto ng padabog akong lumapit dito kaya agad siyang napaurong, na para bang may nakakahawa akong sakit, napatigil din tuloy ako, my hand stopped mid air. Tiningnan nito iyon na para bang isang nakakadiring sakit ang ihahawa ko sa kanya.
Why is she like this. It's like she doesn't want me to be even near her.
"Ayoko Don, nasayo naman na ang contract di ba. Kapag ayoko, ayoko. Kaya pwede ba kung sa pananamit ko lang din ay buhay ko to, katawan ko to, at wala kang sabi sa gusto ko dahil di naman kita pinakikialaman sa takbo ng iyo"
Inis nitong binuksan ang pinto at nagmadaling pumasok, rinig ko pa ang pag lock nito sa pinto. I fold my fist in anger.
There really is something going on with her at di ko nagugustuhan iyon.
Pumasok nalang ako ng opisina ko. At hinampas ang mga kamay sa mesa. Nakita ko pang tumawag si Eloise pero hindi ko iyon sinagot.
Wala na ako sa mood magpunta kay Eloise, Akari ruined it for me. Wala naman akong pakialam kung may lover siya. She just have to tell me; alam naman na pala nito ang aming dalawa ni Eloise.
Oras ang lumipas at narinig kong umandar ang sasakyan, tiningnan ko sa bintana kay Akari iyon. Mabilis akong bumaba na sakto naman na may katulong na anduon. Tinanong ko agad ito kung saan pupunta ang Ma'am niya.
"Manunood daw ho ng theater play, Sir kasama iyong kaibigan niyang si Kerin"
Him again?!
Akari' s
/flashback/
"Let me guess, wala ka namang itatanong tungkol sa play di ba? Pero kay Donovan, marami?"
"Gusto ko lang itanong sino si Eloise kay Donovan? Since ikaw ay pinaka nakakakilala sa dalawa"
"Huh, so ginawa na naman niya, the very reason kung bakit on and off kami at tuluyan akong nakipaghiwalay; he made you feel like you are just a reasonable option to solve the equation. Gusto mo talagang malaman? It could ruin your marriage"
"Oo, gusto kong malaman..."
"She is her first love, but he's a Romeo as she is Juliet. Kailanman ay di naging sila but the tension between them was there. Di ko lang alam bakit hindi iyon nakikita ni Eloise o pinapili lang niyang hindi pansinin iyon sa kadahilanang di ko alam, pero hindi ako, dahil alam ko, kita ko, dama ko"
"Kung ganun, bakit ikaw ang naging girlfriend niya?"
"Dahil tanga ako; tangang inisip that what he has for her was long ago, at na ngayon pwede naman na ako naman, since I too have been loving him for a long time. Pero hindi, it was always her, kaya on and off kami dahil kahit ako naguguluhan kahit na alam ko ginagamit lang niya ako. I loved the man; kahit na ginusto lang niya ako para mas mapalapit sa kapatid ko. Imagine the lengths of what he can do just to be near her"
"So what you mean is..."
"What I mean is he is not capable of loving no one other than Eloise. Ikinasal kayo, pero andito ka at tinatanong ako ng mga bagay na iyan; see what I mean?"
/end of flashback/
Napakabilis ng pangyayari, hindi ko inaasahan pero sa tulong ni Kerin, nakausap ko si Celyn, sa dressing room nito matapos ang play. Ang totoo ay hindi ko naman ito kasama, mag-isa akong nagpunta, dahil ng malaman kong may play ito sa bansa ay ginawa ko itong oportunidad upang makapagtanong tungkol kay Donovan, its this way mas magiging magaan ang lahat para sa akin.
Ang pag-uusap namin ni Celyn ang huling shot, final straw. Isama na rin ang nangyari sa private island nito kaya napagdesisyonan kung mabuhay ng naayon lang sa ano kami ni Donovan; a deal, an agreement, a truce kahit anong tawagin pero isa lang ang ugat; we are bonded by a need not to disappoint our families, wala nang iba.
Kailangan ko lang maghanap ng tamang tsempo para makaalis sa sitwasyon naming ito. Dahil napagtanto ko ring kung si Eloise ang mahal niya ay wala akong magagawa. Masyado na akong nasaktan, nawalan at di ko na hahayaang lunurin ako ng mga iyon.
Ipingako ko sa sariling I will comeback better. I was a martir once and it will never be twice, cause that will be a shame on me at hindi ako ganun; I cried enough and that's it.
"Kumusta naman iyang apple sa toyo mo, Ma'am Akari. Aminin mo, buntis ka na ba ulit?", Pabirong sabi sa akin ng kasambahay namin na si Ann, napangisi na rin si Lina na nagpupunas ng plato.
Natayo pa ako at pinipindot-pindot ang braso, hita pati ang hinaharap ko.
"Mukha ba akong buntis? Iyong totoo? Di naman ako nananaba", nagtawanan ng mga ito,
"Aist! Binibiro niyo naman ako eh!", napatawa na lang din ako ng mapansin kong tila may mga matang nakatingin sa akin at di nga ako nagkamali, sa harap ng pintuan ng kusina anduon si Donovan, nakasandal at nakatingin lang.
Bumati ang mga katulong at madaling lumabas na doon.
"Bakit?...", napatingin-tingin lang ako sa kaliwa at kanan, sa buong paligid ko. Ano bang trip nito at panay laging nakatingin sa akin, nagmamasid na para bang may itinatago ako sa kanya.
"Ano na naman ba kasi?", mahinahon ngunit may inis sa boses ko.
"Buntis ka ba?", napakurap ako.
"Anong-- hindi. Di ba nga at ayaw mong magka-anak sa akin. May usapan tayo, ni-take ko rin ng maayos ang pills na ibinigay mo. Wag kang mag-alala gaya ng sabi ko, susunod ako sa gusto mo"
Kinuha ko nalang iyong mangkok ng apple at bagoong ko, at humakbang na paalis doon ng hinarang nitong bigla ang kamay sa pinto at inilapit ang mukha sa akin dahilan upang mapaatras ako sa gilid ng pintuan. Iniangat ko ang mangkok sa mukha ko.
"Ano ba kasi talaga ang gusto mo kanina ka pa? Sinabi ko naman na di ako buntis, naiinis na talaga ako rito. Hindi na ako natutuwa, gusto ko lang naman kainin ang pagkain ko ng matiwasay.
"I just... I just...", sinimangutan ko ito habang hinihintay ang sasabihin pero naputol iyon ng lumapit sa amin si Lila kaya agad siyang umalis sa harap ko. Mabuti naman.
"Yes Lila, bakit?", nakapameywang na nakatalikod na si Don ngayon sa amin.
"Ate Kari, andyan na ho"
"Andyan na?", I took a bite of the apple bago iyon nilagay sa island counter at tinakbo ang delivery na last week pa namin hinihintay.
Paglabas ko ay kulang na lang mangisay ako sa tuwa at hawak kamay pa kami ni Lila na tuwang-tuwa sa laman ng cage.
"What are you girls going on about... A dog?"
Isa iyon chocolate colored Labrador, puppy pa iyon kaya ang cute lalo na ang ribbon nito sa leeg.
"Hm, galing sa pet shop ni Jacintha"
"Ang ganda ho ng early birthday gift sa inyo, Ma'am Kari"
"Belated birthday gift?"
"Opo, ni Ma'am Akari"
"Ibig sabihin, iyong aso ay birthday gift ni Jacintha kay Akari?", pagkaklaro nito.
"Oo at hindi po"
"Ano?"
"Oo, dahil birthday gift si Loco at hindi dahil di naman iyon bigay ni Ma'am Jacintha"
"Ano? Then who gave you that dog?"
Kinuha ko ang aso saka ito hinarap.
"Bigay ni Kerin. Ang cute noh? At matagal pa ang Birthday ko, wala sa araw na iyon si Kerin so binigay na niya ang gift niya sa akin ng maaga", iniangat ko pang lalo sa mukha niya at bago pa man niya iwaksi ay pumasok na ako sa loob. Akala ko ay susunod ito at magbubunganga kung paanong abnormal ang pagiging close namin ni Kerin pero umakyat na lang itong papunta sa itaas. Ano kaya iyong sasabihin sana niya? Siguro hindi naman iyon ganun ka importante.