Akari's
Tiningnan ko ang sarili sa salamin, suot ko ngayon ang fitted peach casual dress na bago sa wardrobe ko at pinatungan iyon ng camisol at tinali ang aking buhok, mainit pa naman dito sa Pilipinas. Di na ako nag-lagay ng make-up at tanging sunscreen nalang, lipstick nalang at kaunting gloss.
Dumating kasi ang pamangkin kong si Asami, isasama ko sina Zeke at Lila dahil sabado naman ngayon at plano king ipasyal ang mga ito at manuod ng sine.
I have always love kids. May espesyal na parte sila sa akin. Kung paanong kapag kasama mo sila ay tila you're simply living the best life, at ang tatlong iyon, they definitely make me feel like that.
Pababa na ako ng hagda, malawak ang ngiti ng magpang-abot kami ni Donovan, nakatitig lang ito sa akin habang nag-uusap sina Xeno at Luka sa likod, mukhang may gagawin yata ang mga ito; hindi ako nagpatinag sa mga tingin niya at bumaba na. Ningitian ako ng dalawa at binati, ganuon din ako.
"Sunday ngayon, closed and Cafe' mo, wala ring nasabi sa akin si Mindy na lakad ninyo. Saan ang punta mo?", madiin akong napakurap sa mabilis nitong litanya na para bang Ama na iniinteroga ang nag-iisa niyang anak. Atsaka paano nitong alam ang schedule ko?
"May iba akong lakad"
"Sino ang kasama mo? Don't you need security? Pwede niyong--"
"Heep!", pagpigil ko sa bibig nito. Lihim tuloy na napangisi sa likod sina Xeno at Luka.
Naningkit ang mga mata nitong nakatingin sa akin, tinanggal ko naman na ang kamay sa pagkakatakil sa bibig niya.
"Pwede ba at kumalma ka, Don? Sino bang normal na tao ang aalis na magdadala ng security? Ipapasyal ko lang naman ang mga bata"
"So that's why, I heard your niece is in the country. Sasama ako", Ibinigay nito sa dalawa ang mga files na hawak.
"Sir? Ang sabi niyo ay immediate--",
"Nothing's more immediate than family, Xeno. Di ka maka-relate doon cause you're not a husband, right, lovey?", inikot pa nito ang kamay sa braso ko, tumango nalang alo para matapos na.
"Magpapalit lang ako, hintayin niyo ako dito. Xeno and Luka, pinagkakatiwalaan ko naman kayo, you can do it without me"
"But...", tinalikuran na kami nito at halos patakbo ng naglalad papunta sa itaas, kamuntikan na akong mapailing.
"Kung ganun, Mrs. Maderazo ay mauna na ho kami sa inyo. Enjoy your family day!", magiliw nitong wika. Pekeng nangiti ako sa mga ito saka umalis na. Kung alam lang ng mga ito na pakitang-tao lang ang ginawa ni Donovan pero hindi.
"Ate Akari, handa na ho kami", takbong lumaoit sa akin si Zeke na agad akong niyakap sa bewang kasunod nito ang Lila na naka sundress din at pigtails ang buhok. Plastado ang mga ngiti nito.
"Hintayin na muna natin si, Donovan. Sasama daw kasi siya"
"Oh, akala ko ba busy ho si Sir?"
"Akala ko nga rin eh, sana pala natakbo nalang agad ako kanina para di ako nakita", nanloloko kong wila, sabay kaming natawa ng ilang minuto ang lumipas at narinig na namin ang pagbaba nito.
Kaswal na ngayon ang suot, pero may old money vibe pa rin, may suot pa itong sun glasses. Mukhang mas pagtitinginan pa kami ngayon kesa sa suot nitong suit kanina.
"Pwede bang maging low key ka lang. Masyadong...",
"Gwapo? I know, love. Let's go, kids", kinuha nito ang kamay ko at hinila na ako paalis doon. Kahit na pagpasok namin ng sasakyan ay hinawakan pa rin nito ang mga kamay ko. Umabot pa sa puntong-naghihilahan kami. Mabuti nalang at busy ang mga bata sa kakatingin sa labas at di napapansin ang pagpapalitan namin ng sensyas, mata man o bibig.
Nakakainis! Nasa loob na nan kami ng sasakyan pero nagkukunwari pa rin ito.
Haist!
Di pa gaanong traffic ay narating na namin ang bahay ng Lolo. Saktong nasa front yard ito sa ilalim ng puno kasama si Asami; ang cute kong pamangkin na naka suot ng pink na dress at ang buhok ay nakahati sa dalawang nakatirintas at may ribbon.
"Asami Ohio!", tawag ko rito, kinakaway ang aking kamay sa kanya. At siyang nanggigil ako ng makita ang singkit nitong mga mata.
"Obasan, Ohio!", nagtatalon itong tinakbo ang distansya namin at ganuon din ako at niyakap ito ng napakahigpit nang mapatingala ito sabay nganga. Katabi ko kasi ngayon si Donovan.
"Asami, this is Kanjisan, Aunt's husband",
"Hi Asami, I'm Donovan, niice to meet you", sabi nito. Lumapit naman si Asami at nakipag-kamay dito.
"Nasanay siya sa Kuya, hayaan mo nalang",
"Hi Asami, I'm Lila and this is Zeke", pakilala nito, nakayuko lang si Zeke, naitakip ko ang kamay sa bibig ng makitang namumula ang tenga nito.
"Really Zeke, nakikipag-kamay si Asami, parang di ka naman gentleman niyan", pagkasabing iyon ni Don ay umayos agad ito at kinuba ang kamay ng pamangkin ko at bumalik na ulit sa pagkakayuko, natawa nalang kami.
Lumapit na kami sa Dad na ngayon ay nakakalad na ng maayos. Magmano kami dito at ang mga bata.
"Iuwi mo ng maaga ah, wala pang eight dapat andito na iyang si Asami at tsaka mag-ingat kayo sa byahe"
"Of course, Dad. Alis na kami."
Lumabas na kami ng bahay at pumasok sa loob ng sasakyan, habang nilalagay ang seatbelt ni Asami ay nagtanong ito.
"Anong papanuorin natin, Obasan"
"Oh, marunong siyang magtagalog", gulat na sabi ni Lila.
"Oo naman, Pilipina pa rin siya kaya dapat marunong siya. Little mermaid, papanuorin natin si Ariel ngayon", sabi kong sagot sa dalawa.
"Oh so were going to watch that fish tjat left for a man today"
"Donovan!", mahinang saway ko rito at sinabihang magmaneho nalang.
Ilang minuto lang din ay narating na namin ang mall. Matapos makapag-park ay nagpunta na kami sa itaas. Ako na ang nabili ng ticket habang si Lila naman ay kasama ang ang mga bata at pinabili ko ng popcorn.
Naghihintay kaming dalawa ngayon so Donovan, ewan ko ba dito at panay ang sunod, akala mo buntot. Anduon lang kami sa may entrance ng biglang tumunog ang phone ko, si Dahlia iyon, nagpapa-alam na hindi siya makakapasom dahil may importanteng exam siya sa school. She's an irregular student, pinagsasabay ang trabaho at studies niya. After years of constantly stopping ay makakatapos na daw ito this year.
Pinatay ko na ang phone at ibababa na sana ang phone ng biglang may humila ng tali sa buhok ko.
"Ang tali ko. Ano ba?", napalingon ako sa kung sinong nagtanggal ng tali ko sa buhok, at walang iba, si Donovan.
"Ilugay mo lang iyang buhok mo", nakatago ang dalawa nitong kamay sa likod, pilit kung inaabot iyon dahil alam kung nasa kanya.
"Ayoko, 'bat ba nangingialam ko sa gusto kong tali ng buhok mo"
"It's too revealing"
"Rev- revealing? Ang alin?", kinakapa kapa ko pa ang aking batok ang liko, napapaliyad pa ako nang makita ko itong napalunok at pinigil ako.
"Basta, nasa mall naman tayo, so keep. it. down. Andyan na ang mga bata"
Naiinis man ay di ko na nakuha ang tali ko dahil pumasok na kami sa sinehan at nanunood na ng palabas.
Nang matapos ang movie ay nagutom na ang tatlo kahit na ouro fries and popcorn ang nakain nito, lalo na si Zeke. Si Lila at Asami naman ay wagas ang girl talk tungkol sa movie kahit pa na ang layo ng edad ng dalawa.
Sina Don at Lila at Zeke na ang naghanap ng makakainan namin, habang sasamahan ko muna si Asami magbanyo at naiihi na daw, matapos ay babalik na sana kami ng biglang may napansin si Asami.
"Obasan kawaii!", turo nito sa boutique ng mga baby clothing. Ito itong shop na nadaanan ko rin ng nakaraan, where I stopped to look.
"Hm, kawaii", tango ko nalang, na natatangay ng naiisi, ng gaya ng dati, nakatitig ng may nararamdamang inggit.
That what if...
No scratch that, malalim akong napabuntong hininga. Mapagod naman sana ang utak kong saktan ang sarili ko.
"Obasan, sigurado ako cute baby mo pagsuot yan", I faintly smile, sabay ang kirot sa aking puso.
"It would be nice...", I faintly replied.
Nanlambot ang aking puso, ng maalala rin ang nawala kong anak. If only she'd live, siguro ay naghahanap na ako ng masusuot niya ngayon.
"Kanjisan!", tawag ni Asami sa ibang direksyon na nang aking tingnan ay nakatayo ang walang ekspresyon lang na mukha ni Donovan, na nililipat sa botique at sa akin ang tingin. Na mukhang kanina pa ito doon.
"Tayo na", niyakag ko si Asami papalapit dito.
"Ano pang ginagawa mo diyan. Saan ba tayo kakain?", mukhang may sasabihin pa sana ito pero pinigil niya at naglakad na kami kung asaan ang mga bata .
Sa arcade hanggang sa ocean park kung saan huli naming pinuntahan ay walang ibang ginawa si Donovan kundi ang tingnan ako, akala siguro nito di ko mapapansin. We talk from time to time pero wala naman itong kakaibang sinabi. Kahit na mukhang may gustong sabihin na sa tingin ko ay pinipigil niya because this isn't the right time. Which if am right ay hindi talaga.
Seven na ng gabi nang makauwi kami. Tulog na ang tatlong bata, kahit ako ay nakatulog na rin pala dahil sa tindi ng traffic, habang si Donovan naman na nagmamaneho ay parang wala lang, at sinabihan pa akong matulog pa.
Di naman na ako nakatulog ulit hanggang sa maiuwi na namim si Asami, sakto rin naman na nadatnan ko doon ang Kuya pero di na din kami nagtagal dahil nga gumagabi na at baka lumala ang traffic.
Nakauwi naman na kami ng maayos. Nagising si Lila pero hindi si Zeke kaya kinuha ito ni Donovan at kinarga na. Napatitig ako sa natutunghayan, napansin iyon ni Donovan.
"Bakit?"
"Wala...", napahawak ito sa ulo ni Zeke at napangisi sa akin.
"Do I look like a dashing Father holding him?"
"Wala nga masyado kang feeling alam mo iyon?", ningisihan lang ulit ako nito saka kinuha ang kamay ko papasok.
"Donovan, karga mo si Zeke"
"Ayos lang, I can still hold you", nakangiti lang na nakatingin sa amin si Lila; tama he's faking ut dahil may nakakakita, nagpatianod nalang ako.
Sinalubong rin naman kami ni Manang Aeva pagkarating namin at kinuha ang pagod na si Zeke, nagpasalamat ito sa amin pati na rin si Lila sa pagpapasyal sa kanila at umalis na nga ang mga ito at naiwan kaming dalawa doon ni Donovan.
Bibitawan ko na sana ang kamay nito ng hinigpitan nito ang hawak doon.
"Maaga pa, wanna see stars?"
"Ha? Saan?", ngumiti ito bago ako tingay papasok sa kwarto bago ang kanya.
Isang normal na kwarto lang naman iyon pero sa balkonahe ay makikita mo ang isang...
"Telescope..."
"May telescope ka iyong kaya makita ang kalangitan? Sa gabi?", puno ng kuryusidad ang aking boses.
"Gusto mo makita, halika ka", aya nito sa akin sabay bukas ng balkonahe.
May inayos ito sa setting ng telescope niya at ng maayos na nito iyon ay hinayaan na ako nitong makita ang kalangitan gamit non.
It was marvelous.
Nagkukwento ito kung paano siya fascinated sa mga bituin at na maganda iyong gawing hobby. Hindi ko alam kong bakit pero tila nago-open up ito sa akin, like I'm some kind of friend.
"Bakit?", tanong nito, nakatingala na kasi ako sa langit, madaming mga bituin, kahit walang telescope ay maapreciate mo ang ganda nito
"May anghel tayo sa itaas"
"Oo nga, she's a star now"
"She?"
"I was expecting a girl", pinaningkitan ko ito.
"Alam mo ba, karma sa Daddy kapag babae ang first born?"
"Talaga?"
"Then mas gugustuhin ko na babae because I'm willing to take that good karma with me dahil sa kabila ng mga ginawa ko sa Nanay niya, kumakapit pa rin siya, and she held on strong", tumingin ito sa akin mata sa mata. Ang mga mata nito ay tila naluluha.
"Donovan..."
"Hindi ko alam kong paano, di ako mabigyan ng tamang tsempo; but I, I want to say sorry to you, for everything; really, with my whole heart, I'm sorry"
"Matatapos din lahat ng ito. Sa tamang panahon, we will all move on--"
"But what if we do it in another way?", napatayo ako sa turan nito. He's doing it again, making me read between the lines but this time, in words at kung gaya ako ng Akari noon ay aasa na naman.
Plano ko na sanang umalis pero nahabol ako nito at pinigil ang pagbukas ko ng pinto
"Anong ibig mong sabihin?!", malaks kong hinampas ang dibdib nito.
"Pagod na akong magbasa between the lines, sa mga sinasabi at actions mo. Wala na akong pakialam, even if you mean it because I decided that I had enough. Kaya please Don, wag mo naman na akong pahirapan pa"
"Alam ko mahirap para sayo i-process pero you confuse me too. I--hmp!", sinunggaban ko ng halik ang mga labi nito at sinagot naman nito iyon.
Ayokong marinig ang mga susunod pa nitong sasabihin at baka bibigay na naman ang puso ko. This is what he wants, I'm giving it to him, pero ang puso ko... baka tuluyan na itong madurog.
Ibinigay ko sa kanya ang sarili ng paulit-ulit sa gabing ito. At aaminin ko, I like how it made me feel, na-miss ko ang init ng bawat hagod nito sa kaibuturan ko. This man, entice me, siya lang ang tanging lalaking nagagwa sa akin nito, I want no one but him; pero hindi ganun ang case sa kanya so this time, this last time, sisiguraduhin kong hindi na muli ito mauulit but this time, I will feel all the pleasure kasama ang sakit ng nararamdman ko sa kabilang parte ng puso ko dahil sa pinili kong mahalin ang lalaking ito.
Nagising ako ng madaling araw at nasa tabi ko ang nakadapang si Donovan, ang kamay nito at nakadagan sa aking tiyan. Pinagapang ko ang daliri sa mukha nito bago tuluyang tumayo at pumasok sa sarili kong kwarto at doon na itinuloy ang tulog.
Nang magising ako muli, kinabukasan ay agad akong nag-ayos at bumaba na sa kusina. Kukuna lang sana ako ng maiinom dahil nanunuyo na ang lalamunan ko, at aalis na doon bago pa kami magpang-abot ni Donovan ng bigla itong magsalita sa aking likod.
"Akari, we need to talk", nasamid ako sa tubig na iniinom at napaubo-ubo.
"f**k, dahan dahan naman"
Luumapit ito sa akin na natataranta at pilit akong inaalalyan pero tinulak ko ito palayo at pinahid ang basang bibig, hinahabol ng hininga.
"Mag-usap tayo, ang nangyari kagabi..."
"Tawag lang ng laman, walang iba", naglakad na ako palabas pero nakasunod pa rin ito sa akin.
"Akari, ano ba, mag-usap tayo", sumesenyas na akong layuan ako pero ayaw pa rin nitong tumigil.
"Ayoko, layuan mo na nga kasi ako!",
Nasa labas na kami ng bahay ng madatnan namin si Manang Eva na may dalang supot na tingin ko ay tinapay.
"Stop being childish!", sigaw nito.
"I'm not being--ughb!" nang buksan nito iyon ay napatigil ako at biglang naduwal.
Napadilat ako sa gulat hawak ang aking bibig.
Hindi.
Hindi, maari.
Ayoko!
"Ma'am Akari, Good Morning ho..", bati ni Manang. Na tumigil pa talaga sa harap ko.
"Akari, please... I just want us to be friends", wika ni Donovan; at muli, bumagsak ang puso ko, kasabay ng muli kong pagduwal.
I looked at Donovan, and he looks both worried and confuse.