CHAPTER 83 NAGHAHABOL ng paghinga na nagmulat ako ng mga mata matapos magulat nang maramdamang may sumaboy na malamig na malamig na tubig sa 'king mukha. Nang makabawi ay naglibot ako ng tingin sa buong paligid at agad na nataranta nang makitang nakaupo ako sa isang upuan, dito sa pinaka sentro ng maaliwalas na silid, nakagapos ang mga kamay sa 'king likuran, maging ang mga paa ko. Agad na nagtambol sa kaba ang dibdib ko nang maisip ang huli kong naaalala bago nawalan ng malay. Sinipat ko ang malaking bintana na natatabunan lang ng puting kurtina malapit sa akin, maliwanag pa ang kalangitan sa labas at... nakakarinig ako ng mga hampas ng alon mula sa dagat. "Nasa island na kami..." usal ko. Nanginig ako sa kaba, ibig sabihin ay paniguradong ilang minuto na lang ay naririto na rin a

