CHAPTER 67 “MISS, may chrysanthemums at orchids?” Natatarantang lumapit ako sa customer at nag-buffering pa ang utak bago nakasagot. “M-Mayroon po, Ma’am.” Nagsabi siya kung ilan ang bibilhin niya saka nagtanong tanong pa ng mga patungkol sa flower vase kaya natataranta ulit na pasimpleng lumingon ako sa chart ng itsura ng mga bulaklak. Promise na-underestimate ko talaga ang magiging trabaho ko rito. Noong una akala ko sobrang dali pero sa rami ng klase ng mga bulaklak dito, nahihirapan talaga akong ma-distinguish kung alin ang binabanggit ng mga customer na bulaklak. May chart naman ng mga flower kasama ang malalaking picture ng mga ito kaso ang hirap pa rin kabisaduhin. “Miss, hindi ito chrysanthemums. Hydrangea ‘to.” Napakurap ako at nahihiyang nag-bow sa customer. “Pasensya na p

