CHAPTER 16: Sleep Talking.
Written By: BlackRavenInk16
5AM pa lang, gising na si Rio. Kahapon kasi 6am pa lang, nagising na ang tatlo niyang amo at sa totoo lang, nakakahiya naman kung palaging mas mauuna pang magising ang mga ito kaysa sa kanya.
Pero kung kailan naman maaga siyang gumising, ang tagal namang magsibaba ng mga amo niya. 7am na, tulog pa rin ang mga ito kung kailan naman Monday ngayon.
Nakahanda na ang mga kakainin ng mga ito at nakapamalengke na rin siya lahat-lahat pero mga tulog pa rin.
9am ang pasok niya sa school. Dapat makapaglinis na siya agad dahil babyahe pa siya.
Ayos lang kaya sa mga amo niya na maglilinis siya habang tulog ang mga ito? Sabagay, mukha namang hindi magagalit sina Enrique at Gabriel. Sobrang bait ng dalawa. Ewan lang niya kay Leandro.
Kumatok siya ng mahina sa kwarto ni Enrique. Nang hindi ito sumagot ay kinakabahang pumasok na nga siya sa kwarto nito na sa totoo lang ay ubod ng kalat. Kung saan-saan lang nito tinatapon ang mga snacks na kinain nito kagabi. May bote pa ng alak doon. Pero sabagay, trabaho naman niyang maglinis doon, bakit naman siya mag-eexpect ng malinis na kwarto. Atleast naman mabango pa rin do'n.
Naglinis siya sa kwarto ni Enrique habang mahimbing pa rin ang tulog nito.
Nang matapos siyang maglinis, napatingin siya sa gwapong mukha ni Enrique. Kinakabahan na lumapit siya rito saka pumangalumbaba na tumitig sa gwapong mukha nito na para bang nangangarap. Sobrang himbing ng tulog nito.
Hindi siya makapaniwala na dati, poster lang nito na nasa kwarto niya ang tinititigan niya pero ngayon, totoong tao na. God, dream come true talaga na napagsisilbihan niya ito ngayon.
Agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa at piniturean niya ito habang tulog. Hindi pa siya nakuntento at nagvideo pa siya.
Once in a lifetime opportunity lang ito para sa isang fan na katulad niya. Ang makitang tulog ang hinahangaan mong artista.
Naisip niya na ivideo call ang kaklase na si Marie. Super fan din ni Enrique.
"Kita mo ba 'yan, Marie? Nandito ako ngayon sa bahay ni Enrique de Luca. Ang gwapo niyang matulog 'no? Mamatay ka sa inggit!" mahinang sabi niya na halos pabulong na nagsasalita sa video call nila ng bestfriend niya.
"Oh my god!!! Bakit ka nandiyan, Rio? Sh*t ka, girl! Ang swerte mo! Gusto ko rin siyang makita!" Halatang nagpipigil lang ng tili si Marie dahil baka magising nito si Enrique.
"Personal maid niya na ako. Araw-araw ko na siyang makikita, girl!" Kinikilig din na sabi niya
"Ang swerte mong bilat ka! Irerecord ko 'tong video call natin, ha! Ipagyabang natin sa mga kaklase natin!" sabi pa ni Marie.
Sasagot pa sana siya nang mapansin na parang umuungol si Enrique.
"Rio... Rio..."
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang pangalan kay Enrique.
"Naku, girl, nagising yata. Ingay mo kasi," sabi ni Marie.
"Hindi. Parang nananaginip yata," sabi niya saka mas lumapit pa kay Enrique.
"Confirmed. Tulog pa nga siya," sabi niya kay Marie. Mahimbing na mahimbing pa rin si Enrique.
"I love you, Rio... Please, marry me. Huwag na huwag kang sasama kay Leandro. Akin ka lang. Mahal na mahal kita..."
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang sinabi nito. Saka tumibok ng malakas ang pintig ng puso niya!
"OMG, girl, ano ang sinasabi niya? In love sa 'yo si Enrique?" hindi makapaniwalang react ni Marie na narinig din ang sinabi ni Enrique sa video call.
"Baka kapangalan ko lang. Ni wala pa nga ako isang linggo rito. Paano siyang magkakagusto sa akin?" namumulang sabi niya.
"E, baka naman love at first sight girl? How to be you po--" pang-aasar ni Marie na hindi na naituloy pa ang sasabihin dahil pinatay na niya ang video call.
Bumuntong-hininga siya nang malalim habang pabalik-balik ng lakad sa harap ng kama ni Enrique.
"Imposibleng crush ka niya, Rio. Idol mo siya, fan ka lang. Bukod doon, katulong ka pa. Huwag kang ilusyunada."
Paulit-ulit na bulong niya sa sarili.
Hanggang sa maya-maya, napansin niya na nag-aalarm na ang cellphone ni Enrique kaya lumapit ulit siya sa gilid ng kama nito at pinatay na niya iyon. Siya na lang ang gigising dito. Pero nanlaki ang mga mata niya nang makita ang wallpaper ng cellphone nito. Picture nila iyong dalawa noong booksigning nito!
Bakit ginagamit nito ang picture na iyon as wallpaper? Ang akala niya, gimik lang ang pakikipagpicture nito sa kanya noon sa booksigning para mawala ang tsismis about him na suplado ito. Ang akala nga niya noon, hindi na siya nito naaalala o baka binura na nito ang picture na iyon.
Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang bigla na lang siyang hinila ni Enrique papunta sa ibabaw nito at bigla na lang siya nitong siniil ng halik sa labi!
Nakapikit ang mga mata ni Enrique pero ginagalaw nito ang labi sa loob ng bibig niya.
"Ummm---" Tinangka niyang magsalita at lumayo rito pero hindi niya magawa dahil sobrang lakas ni Enrique kahit tulog ito.
Parang sarap na sarap ito sa pakikipaghalikan nito sa kanya kahit wala naman itong malay. Walang sawa na pinaglalaruan nito ang labi niya.
Gaya ng ginawa niya sa pagnanakaw ng halik ni Leandro noon sa kanya, tinigil niya ang pagpupumiglas at sinubukang gumanti ng halik para marelax ang lalaki.
Pero sa pagganti niya sa halik ni Enrique ay parang unti-unti ay nagugustuhan na rin niya iyon. Swabe ito kung humalik, hindi mapusok katulad ni Leandro. At bukod doon, hindi siya makapaniwala na kahalikan niya ngayon ang pinakahinahangaan niyang lalaki sa buong mundo.
Pero alam niyang mali ito. Tulog si Enrique kaya alam niya, wala itong alam sa pinaggagawa nito. Inilayo niya ang mukha rito nang mapansin niya na nangangalay na ito kakahalik sa kanya.
"I love you, Rio. I love you... Kiss me more. I'm craving for your lips..." patuloy na pagsasalita nito sa panaginip nito.
My god! Ano ba ang napapaginipan nito? Siya ba talaga iyong laman ng panaginip nito? May gusto rin ba ito sa kanya katulad ni Leandro? Pero bakit sa isang katulad lang niya?
Napailing siya. Imposible! Baka kapangalan lang niya ang iyong tinutukoy nitong Rio sa panaginip nito at ang masama, sinamantala naman niya ang paghalik nito. Nag-enjoy din siya!
Pero bakit nasa wallpaper ng cellphone nito ang picture niya?
Ahh!!! Naguguluhan na talaga siya!
Lumayo na siya sa kama ni Enrique bago pa niya ito tuluyang magpasamantalahan.
Saka siya dumireto sa kwarto naman ni Gabriel para doon maglinis. Mabuti na lang, saktong gising na ito kaya hindi na siya nahirapan. Wala naman si Leandro sa kwarto nito. Mukhang nakaalis na ito sa bahay nang hindi niya namamalayan.