CHAPTER 19: Wonder Wall.
Written By: BlackRavenInk16
KANINA pa si Leandro sa bahay pero wala pa rin si Rio. Nag-iinit na ang ulo niya dahil kanina pa siyang naghihintay dito pero gabi na, wala pa ring Rio na umuuwi. Wala rin doon ang mga kapatid niya pero wala naman siyang pakialam sa mga ito. Si Rio lang ang inaabangan niya.
Kaninang umaga, umalis siya ng maaga na ni hindi man lang ito nakita dahil nakipagmeeting siya sa mga taong humahandle ng negosyo niya. Sinabi niya na mia muna siya ng tatlong buwan at kontakin lang siya kapag may importanteng bagay na dapat sabihin ang mga ito.
Yeah, ang isang katulad niya na kahit kailan ay hindi nagpahinga para lang magpayaman ay magbabakasyon ng tatlong buwan ngayon. Ang tagal niyang hinanap si Rio kaya siguro naman, hindi kalabisan na sulitin niya ang oras na makasama ito. Isa pa, kahit naman wala siya sa opisina ay umaandar pa rin ang mga negosyo niya. Oras-oras ay kumikita siya ng pera.
Pero nagtataka talaga siya kung bakit wala pa si Rio. Matapos niyang malaman ang buong pangalan nito at kung sino ito ay nagpainvestigate na agad siya tungkol dito kaya alam niya na uwian na dapat nito kaninang 5pm.
Hindi kaya pumunta ito sa ospital para bumisita sa tatay nito na may sakit? Ang tatay nito na naaksidente nang dahil sa kanya. Ang mga taong may galit sa kanya dahil siya ngayon ang nangunguna pagdating sa mga ilegal na negosyo sa Pilipinas ay si Gabriel dapat ang pag-iinitan pero ang tatay ni Rio ang natamaan. Nalaman din niya na ang katulong na inapi-api niya noong nakaraan ay ina pala nito.
Nang malaman niya iyon, parang gusto niyang suntukin ang sarili niya. Both parents ni Rio ay minalas nang dahil sa kanya. And now he is afraid that they might not like him anymore for their daughter. Pero naisip niya, wala rin naman siyang pakialam kung mangyari pa iyon dahil kahit ang mga magulang ni Rio, walang magagawa kapag ginusto niya. Para sa kanya ay pagmamay-ari na niya si Rio.
At syempre, dahil mapride siya, hinding-hindi siya hihingi ng sorry. Babawi na lang siya siguro kapag nameet na niya ang mother and father in law niya.
Pumunta siya sa kwarto ni Rio kahit alam niya na wala naman ito roon para malaman kung ano ba ang kalagayan nito sa kwarto nito. Baka hindi komportable.
Pagpasok niya, medyo nawala ang worries niya dahil mukhang komportable naman pala ang kwarto nito. Kahit na maliit lang, sobrang linis naman at may cabinet at maliit na kama. Pero ang pinangunot ng noo niya, ay nang makita na sa dingding nito ay may nakadikit na poster ni Enrique.
"What's so good about this brother of mine that she have to fantasize about him?!" gigil na bulong niya.
Nang pinainvestigate niya si Rio, nalaman niya na fan pala ito ng kapatid niya. Katulad ng mga normal na kabataan, isa si Rio sa mga nagkakandarapa sa mga artista. Bumibili ng mga albums at collections at lahat ng ginagawa ni Enrique ay sinusuportahan nito kahit mahirap lang ito. Which is for him, it's really absurb. He never like anything to do with tv. He think that those celebrities and their world are full of lies and sh*t and yet, people are admiring them blindly. At ang masama, tinatrato pang parang mga Diyos.
Katulad ni Rio. Kung alam lang nito na masama ang ugali ni Enrique at wala talaga itong pakialam sa mga fans, he doubt that she will still like him. At alam niya, isa rin si Enrique sa mga umaalipusta sa ina nitong katulong noon. They're just the same. If Rio finds out, she might hate them.
Nang marinig niya kung ano ang mga pinaggagawa ni Rio para lang kay Enrique mula sa private investigator niya ay parang gusto niyang tahiin ang bibig nito. Hindi niya matanggap na may ibang lalaking pinagpapantasyahan ang babaeng pinakamamahal niya. Na may kinababaliwan na ito bukod sa kanya. To be honest, if Enrique is not his brother, baka itinumba na niya ito.
"These posters are trash. Rio should only look at me!"
Sa inis niya, tinanggal niya ang mga poster sa pader ng kwarto ni Rio at nilukot ang mga iyon saka kinalat lang sa sahig.
Saka siya pumunta sa sala kung saan may computer at malaking printer. Agad niyang sinalpak ang usb niya saka nagprint ng maraming pictures niya in a4 size. Pinili niya talaga ang mga pinakagwapo niyang kuha. Iyong mga shots na kunware ay stolen o hindi nakatingin pero sa totoo lang ay alam naman talaga niya na may kumukuha sa kanya. Saka siya kumuha ng pandikit at pumunta sa kwarto ni Rio at siya mismo ang nagdikit ng mga pictures niya roon.
"That's much better," nakangiting sabi niya nang makitang mas gumanda ang dingding ni Rio. "Tingnan lang natin kung hindi ka mainlove sa akin, Rio. You will see my face everyday and everynight," nakangising sabi niya saka na umalis sa kwarto nito.
"AAAHHH!!!"
Pumailanlang ang sigaw ni Rio sa mansyon ng de Luca brothers nang pumasok ito sa kwarto nito. Kaya naman halos nataranta ang tatlong magkakapatid na nasa sala nang marinig ang boses ni Rio.
10pm na ng gabi at mukhang may nakapasok yatang magnanakaw kaya sumisigaw si Rio!
Halos nagtutulakan na sa pagtakbo ang tatlo makapunta lang agad kay Rio. Para lang matigilan nang makita itong nakaupo sa sahig habang umiiyak.
"What's wrong, Rio? Why are you crying?" nag-aalalang tanong ni Gabriel.
Kinabahan bigla si Leandro nang makita na hawak ni Rio ang poster ni Enrique. Iyon yata ang dahilan ng pag-iyak nito.
Masamang tingin ang binigay nito sa kanya.
"Kayo po ba ang sumira ng limited edition poster ni Enrique na may pirma pa niya no'ng concert niya? Ang sama n'yo po!" galit na sabi sa kanya ni Rio.
"W-What proof do you have? I didn't do that!" pagtanggi niya sabay iwas ng tingin.
He may be a mafia but the look in Rio's eyes right now is scaring him a little bit.
"Naghahanap pa po kayo ng proof e kayo na nga po mismo ang naglagay ng ebidensya rito sa kwarto ko!" Saka tinuro ni Rio ang mga obra maestra na mga larawan niya sa kwarto nito.
"Because I told you not to look at other man! You should only look at me, stupid girl!"
"Kayo po ang stupid, bwisit pa kayo! Alam n'yo po ba na first gift po sa akin ni Marie ang poster na ito no'ng birthday ko? Ang laki po ng binayad niya sa concert ni Enrique para lang po makapagpapirma siya pagkatapos, sisirain n'yo lang po?! Nakakairita!" tuloy-tuloy na sabi ni Rio na mukhang nakalimutan na yata na katulong lang ito rito. Kung sagut-sagutin siya nito, parang hindi siya nito amo.
"So what? I don't care about those f*cking posters! If you're that concern about money, I can even give you millions! How much do you need?!" Nag-init na rin ang ulo niya. Hindi niya matanggap na binabalewala lang nito iyong mas magaganda pang larawan na ipinalit niya sa pader nito.
"Hey, Rio, relax. I'm already beside you. You can just look at my handsome face if you really want me that much," sabi naman ni Enrique na mukhang kinikilig dahil nag-eemote si Rio nang dahil lang sa poster nito.
"Hindi n'yo po naiintindihan, Sir Enrique, may sentimental value po sa akin ang poster na iyon. Bigay po sa akin iyon ni Marie kaya kami naging close, e," sabi pa ni Rio na biglang lalo pang umiyak.
"So iyong binigay ng Marie na iyon ay mas mahalaga pa sa 'yo kaysa mismo sa akin? Is that what you're trying to say?" Biglang lumungkot ang mukha ni Enrique.
To be honest, he want to punch that stupid face really hard. How dare he show that fake 'innocent' face in front of Rio?
"Hindi naman po sa gano'n..." sabi ni Rio saka biglang napatingin kay Gabriel na bumubulong nang mag-isa.
"It's unfair that your wall is only full of Leandro's face instead of mine. This isn't right..."
Bigla na lang umalis sa kwarto ni Rio si Gabriel at pagbalik nito, marami na itong dalang pictures nito at pandikit!
"Hey! Don't remove my pictures on the wall if you still want to live!" pananakot niya kay Gabriel.
"Bast*rd, do you think that I'm like you? Hindi ako mang-aapak ng ibang tao just to show off!" sabi naman ni Gabriel habang nagdidikit din ng mga pictures nito sa kanang bahagi kung saan naroon ang mga pictures niya.
"I won't let both of you get ahead of me! Wait for me, Rio. Iyang posters na sinira ni Leandro, papalitan ko ng mas maganda pa!" sabi ni Enrique habang nanonood kay Gabriel na nagdidikit ng mga photos nito.
"Ano po? Hindi na po kailangan!"
Huli na para pumigil pa si Rio dahil nakalabas na ng kwarto si Enrique.
RIO'S POV...
HALOS MAPANGANGA si Rio nang makita ang bawat sulok ng pader ng kwarto niya. Para bang may paligasahan na nagaganap kaya halos pinuno ng tatlong magkakapatid ng mga mukha nito ang pader niya. Nasa tapat pa naman iyon ng kama kaya pagmulat pa lang niya, ang mukha na agad ng tatlo ang makikita niya.
"Grabe. Kapag may nakakita ng kwarto na ito ay walang duda na sasabihan nila akong isang perv*rt," mahinang bulong niya sa sarili na napapailing.
Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng tatlo at gustong-gusto ng mga ito na ipakita ang mga mukha sa kanya.
"Don't mind them. They're a bunch of loser if they don't appreciate this kind of art," sabi ni Leandro habang nakatingin sa picture nito sa pader niya.
"I look better in that poster, Rio. Don't worry, I will personally sign that for you," sabi naman ni Enrique na kumuha ng pentel pen at pinirmahan nga ang sariling poster nito sa wall.
"I can sign my photos as well even if I not a celebrity, I still look like one," sabi naman ni Leandro saka pinirmahan din ang mga pictures nito.
"Me too! Me too!" sabi rin ni Gabriel.
Saka halos magtulakan na naman ang mga ito sa makipot na pader niya.
Dahil sa pinaggagagawa ng mga ito, hindi tuloy niya maiwasang hindi matawa.
"Hey, why are you laughing?" Biglang parang naconcious si Leandro.
"Yeah, is there something wrong, Rio?" nag-aalala namang tanong ni Enrique.
"Don't you like what we did in your wall? I'm sorry, Rio, I didn't know why I did this either but I don't want my brothers to get ahead of me. Baka magkagusto ka sa kanila," sabi naman ni Gabriel.
Umiling siya.
"Hindi po. Natatawa lang po ako sa inyo kasi para kayong mga bata kung umasal. Pero naappreciate ko po ang pagsuporta ninyo sa pagiging fan girl ko. Ngayon, hindi na lang po si Enrique ang idol ko, nadagdagan na po ng dalawa," sabi niya.
Napangiti naman sina Gabriel at Leandro.
"Bakit parang ako lang ang hindi masaya sa narinig ko? Ako lang dapat, Rio--"
"Shut up!"
Hindi na naituloy pa ni Enrique ang sasabihin pa sana nito dahil nasigawan na ito ng dalawang 'kuya' nito.
Buong akala niya, sa pamamasukan niya bilang katulong sa mansyon na iyon, magiging purely work lang talaga ang magiging papel niya roon. But now, it's starting to feel like they are family. Hindi niya akalain na mag-eeffort ang mga ito na pasayahin siya. Na para bang walang pagitan na pader sa kanila kahit na isa lang siyang katulong doon at ang mga ito, mga amo niya...