EPISODE 6

1298 Words
LUCIFER Nagpapasalamat ako dahil isang linggo ang lumipas ay wala namang ginawang masama sa akin ang amo ko. Naging busy sa kung ano ang amo ko dahil palagi siyang lumalabas. Kung ano pa man iyon ay isang magandang senyales na magiging ayos ako. Habang naglalampaso ng sahig ay napansin ko ang mga lalaking pumasok sa club. May matabang lalaki ang nangunguna sa pagpasok sa loob at kasunod naman ang apat na kalalakihang nakasuot ng itim na damit. May subong sigarilyo ang lalaking mataba na sa tingin ko ay boss ng mga lalaki. Nakasuot siya ng sumbrerong kulay kayumanggi at may suot ding salaming may kulay kaya hindi ko makita ang mga mata niya. Bumaba ang tingin ko sa suot niyang sapatos na balat na sobrang kintab. Lumapit siya sa kinatatayuan ko. Bago nagsalita ang lalaki ay binigyan niya ako ng mapanuring tingin. Sa hindi malamang dahilan ay kinilabutan ako. “Sino ka?” tanong niya habang kunot ang noong nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng takot. “A-Ako po si Lucifer.” Utal na pakilala ko sa sarili. “Nasaan si Madam Helen? Sabihin mo sa kanyang nandito ako.” “W-Wala po si Madam. Kanina pa po umalis.” Sagot ko sa tanong niya. Nangunot ang noo ng lalaki at tila nainis sa sagot ko. Inalis niya ang salamin sa mata. Salubong ang makapal na kilay niya. “Totoo ba ang sinasabi mo? Noong isang linggo ko pa hinahanap ang babaeng iyon! Tinataguan ba ako ng amo mong iyon?” Nagulat ako sa pagtaas ng boses ng lalaki. Mukhang galit. Mukhang may malaking atraso si Madam sa lalaki. “Halughugin ninyo ang buong club. Hanapin niyo ang babaeng iyon!” Utos ng lalaki sa mga kasama niya. Agad na umalis ang apat na lalaki. Bigla ay nakaramdam ako ng takot. Nanginig ang mga tuhod ko nang may inilabas na baril ang lalaki na nasa tagiliran nito. “Master, wala po rito si Madam Helen.” Sabi ng isang tauhan ng lalaki. Kita niya ang pag-igting ng panga nito. Bumilis ang t***k ng puso niya nang humarap ang lalaki sa akin. “Sabihin mo sa amo mong magpakita sa akin kung hindi pasasabugin ko ang bulok niyang bar!” Aniya habang nakatutok sa mukha ko ang dulo ng baril na hawak niya. Sa takot ay hindi ako nakapagsalita at tanging pagtango ang nagawa ko. Umalis na ang mga lalaki pagkasabi ng bilin. Nakahinga ako nang maluwag. Ilang minuto ang nakalipas nang umalis ang mga lalaki ay siya namang pagdating ni Madam. “Madam, may naghahanap po sa inyong lalaki. Pinasasabi niya pong kapag hindi po kayo magpakita ay pasasabugin niya raw po itong bar ninyo,” sabi ko. Takot ang rumehistro sa kanyang mukha. Bigla na lang tumalikod at iniwan ako. Nagtatakang nasundan ko na lang ng tingin habang papalayo. Ano kayang ikinatatakot ni Madam? Hindi kaya may malaki siyang pagkakautang sa lalaking nagpunta rito kanina? Hapon na at magsisimula na ang trabaho ko sa bar ay hindi ko pa rin napapansin si Madam na nagpunta rito. Ang nandito lang ay ang kanyang kanang kamay na si Kuya Raul. Dati naman ay maaga pa lang nandito na iyon. Binalewala ko na lang na wala rito si Madam. Mas maigi ngang wala siya. Sa tuwing nandito siya ay hindi ako mapalagay at natatakot ako. Kinabukasan ay bumalik muli ang mga lalaki. Mas madami ang kasama nito. Takot na takot kaming gumilid sa dinadaraanan nila habang papasok sa club. Nakita ko na may bitbit na mga baril ang mga lalaki. Huling pumasok ang pinuno. “Sino ba ang mga iyon?” tanong ni ate Eli sa akin. “Hindi ko po alam kung sino sila. Kahapon pa po nila hinahanap si Madam. Nagbanta nga po na pasasabugin niya ang bar kapag hindi nagpakita si Madam.” Napahawak sa ibabaw ng kanyang dibdib si ate Eli habang nanlalaki ang mga mata. “Hindi kaya malaki ang pagkakautang ni Madam sa taong iyon? Diyos ko nakakatakot naman kung pasasabugin niya ang club. Baka madamay tayo kapag nangyari iyon.” Natakot siya sa sinabi ni ate Eli. Naisip niyang kung pasasabugin ang lugar na ito madami ang madadamay. Huwag naman sana. Nakarinig kami ng kalabog sa opisina ni Madam. Nagkatinginan kami ni ate Eli. “Diyan ka lang, Luci. Sisilipin ko lang kung anong nangyayari roon,” sabi niya. Akmang aalis na siya nang pigilin ko. “Huwag ate baka madamay ka. May mga armas pa naman ang mga lalaking iyon,” sabi ko, ngunit hindi niya ako pinakinggan. Nagpunta siya sa opisina ng amo namin. Sumunod ako kahit binawalan niya akong sumunod. Napalingon siya sa akin. “Hindi ba sinabi kong doon ka lang? Sisilip lang ako.” Itinulak niya ako, ngunit hindi ako natinag. “Dito lang ako ate. Baka may mangyaring masama sa iyo,” may pag-aalala kong sabi. Napangiti si ate Eli. Bumukas ang pinto. Pareho kaming nagulat ni ate Eli nang lumabas si Madam na hawak ng dalawang lalaking nagpunta kahapon. Duguan ang mukha ni Madam. Mukhang binugbog nila siya. Napaatras kaming dalawa ni ate Eli. Napahawak siya sa braso ko. Takot na takot kaming dalawa. Hindi man maganda ang ginawa ni Madam sa akin, ngunit may kaunting awa akong naramdaman nang makita ko ang mukha niyang puno ng dugo. Halos magsara ang mga mata niya dahil sa bugbog. Hindi kami nakapagsalita ni ate Eli habang dumaan sa harapan namin ang mga lalaki habang bitbit si Madam. Napalingon sa kinatatayuan namin ang lalaking pinaka-boss ng mga lalaki. Nakaramdam ako ng matinding takot nang ibaba ng lalaki ang salamin at tila sinusuri ang hitsura ko. Mas lalo akong natakot nang tumaas ang sulok ng labi niya. Agad ding umalis ang mga lalaki. Nakahinga ako nang maluwag. “Saan kaya nila dadalhin si Madam?” tanong ni ate Eli habang nakatingin sa papalayong mga lalaki. Malalim na nagbuntonghininga si ate Eli. Nagkibitbalikat lang ako. Kahit ako ay walang ideya kung saan nga ba nila dadalhin si Madam? Gustong magdiwang ng isipan ko dahil ito na ang katarungan para sa ginawa niyang kalapastanganan sa akin, ngunit meron sa puso ko ay nag-aalala sa kalagayan ng amo ko. Dalawang araw na hindi bumabalik ang amo namin. Kaya dalawang araw din nakasara ang casa. Kung tutuusin ay pwede na kaming umalis, ngunit hindi namin ginawa. Kahit paano ay may utang na loob kami kay Madam Helen kahit masama ang ugali niya. Tumatanaw pa rin kami ng utang na loob sa pagtira namin dito kaya kahit may pagkakataon ay walang nagtangka sa amin. “Kung isang linggo wala pa si Madam ay aalis na tayo,” sabi ni ate Eli sa amin. “Walang mangyayari sa atin kung mananatili tayo sa casa na walang pagkakakitaan. Ilang araw lang itong budget natin sa pagkain ay mauubos na ang supply natin,” sabi naman ni ate Iza. Tumango ang iba. Iniisip ko kung saan ako pupunta. Wala akong alam sa Maynila. Bahala na kung saan ako dalhin ng aking mga paa. Nagtitiwala akong hindi ako pababayaan ng diyos. Meron pa rin akong pananampalataya sa kanya sa kabila ng hinanakit ko sa nangyari sa akin. “Sumama ka sa amin, Luci. Alam kong wala kang mapupuntahan.” Napatingin ako kay ate Eli. Napangiti ako. “Salamat ate wala rin akong mapupuntahan. Wala po akong alam na lugar kung saan ako makahahanap ng matutuluyan.” Pag-amin ko. “Ano ka ba Luci, itinuring ka na naming nakababatang kapatid kaya kahit saan man kami pumunta ay kasama ka.” Hindi ko maiwasang pangiliran ng luha sa mga mata dahil sa kabutihang loob nila kahit hindi nila ako kamag-anak. Sa kabila ng kamalasang nararanasan ko ay meron pa ring binibigay ang diyos sa aking mabubuting mga tao upang tulungan ako. Niyakap ko si ate Eli. Tinapik niya ang likod ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD