LUCIFER Hindi ako makapagsalita habang ginagamot ng babae ang sugat sa palad ko. Bigla na lang niya akong hinila sa loob ng bahay nila. Hindi nga ako nakapagreklamo kahit nilalagyan niya ng alcohol ang kamay ko. Ang mga bodyguard ko ay nasa malayo at hindi lumalapit sa akin dahil sinenyasan ko silang huwag lumapit. “Hindi ba masakit?” Tanong ng babae. Napalunok ako ng laway nang mapatingin na naman siya sa akin. Sa tingin ay bata pa ang babae. She appears like she’s still in her teens. “H-Hindi naman.” Nauutal na sagot ko. Ngumiti ang babae. “You look familiar to me. Parang nakita na kita, pero hindi ko maalala kung saan.” She spoke in a charming voice. “Baka kamukha ko lang ang taong nakita mo at hindi ako iyon,” sabi ko. Nagkibit balikat ang babae. Natawa siya nang may napagta

