Tamara's POV "What are you talking about Tamara?" iritang tanong ni Tita Emily. "May parte ako sa kompanya, malaking parte. Ang kalahati ng kompanya ay akin." sambit ko at tinignan si Gray. He seems confused. Bakit nga ba magkakaroon ng parte ang isang ampon na katulad ko? "Enlighten us please." mahinahong saad ni Gray at tila kanina pa nagtitimpi. "Bakit Gray? Ayaw mo bang makihati ang kapatid mo sayo?" sarcastic kong saad. "My parents also have shares in the company, nag-invest sila sa kompanya. Legazpi-Ortega Corp. ang tunay na pangalan ng company, It was built by your parents and my parents. They were business partners, they also sacrificed for the company. Binago lang naman ninyo simula ng mamatay ang parents ko." saad ko kay Tito Kiko, hindi siya nagsalita at yumuko na lang. He

