Set-up

2620 Words
Tamara's POV Nang dumating kami sa bahay at pagpasok namin ay may kausap sina Mom and Dad sa sala na kasing edad lang nila. "Nandito na pala ang dalawa kong anak." niyakap ako ni mommy pero ang mga mata ko ay nasa dalawang bisita.  "They've grown up so well. At ang ganda ganda ng anak mo, mana sayo." the old lady said and glanced at me.  "I know. Marami na ang nagsabi niyan. She's Tamara and this is Gray." pakilala ni mama sa amin.  "At gwapo din ang isa mong anak. Hahaha." an old man laughed together with my daddy.  "Saan pa ba magmamana ang mga yan." Daddy said proudly.  Naramadaman ko ang pagtabi ni Kuya sa akin. Hindi ko na siya tinignan pa at aalis na sana ako para magpahinga pero mom hold my hand and it's a sign that I should stay.  "So nasaan na ang anak mo. I thought na pupunta siya dito." mom asked. Sinulyapan ako ni Kuya at hinihintay na sumunod sa kanya pero mukhang agad niya ding napansin na hawak ni mommy ang kamay ko. Wala siyang nagawa at umupo na lang sa malaking hagdan namin habang ang siko niya ay nasa kanyang tuhod at malalim akong tinitignan.  My attention gets back to my mommy and the old lady she was talking with then the old lady speak. "Hindi ko alam kung magugustuhan mo ang anak ko. He's very immature and very unattentive person." I'm out of place pero bakit pa ako nandito at nakikinig sa kanila. Mom looked at me and smiled widely.  "It's fine. Hindi naman dapat ako ang magkagusto sa kanya. He should impress my little princess." Mommy said without letting her eyes take off on me. Ang nakayukong si Kuya ay agad na umangat ang tingin.  "Hahahaha. I will set schedule kung kailan sila magmemeet. Sana lang wag niyang pasakitin ang ulo ni Tamara." sabi ng babae at nginitian ako. Now I finally realized what they're talking about. Tinignan ko si Kuya at nakatingin lang siya sa akin, his jaw clenched and his Adam's apple moved.  "Mom! I'll go up now." paalam ni Kuya at mabilis na umakyat papunta sa kanyang kwarto. Mom got stunned dahil hindi naman talaga nagpapaalam si Kuya kapag papasok siya sa kwarto niya, but I know that his message is for me. Ngunit ay hindi ako sumunod sa kanya at nanatiling nasa tabi ni Mommy. Nang makaalis na ang bisita niya ay tsaka lang ako nagkaroon ng pagkakataon upang masagot ang mga katanungan ko sa kanya.  "Call your Kuya. We will have our dinner." masayang sambit ni Mommy habang tinutulungan si Yaya sa pag-aayos ng mesa.  "Mommy! I'm asking you. Ano ba yung pinag-uusapan niyo ni nung Mrs. Felix na yun." tanong ko. I met Mrs. Felix and Mr. Harold kanina, they seems nice at mukhang gustong gusto ako nung si Mrs. Felix kahit na nakatayo lang ako sa harap niya. "We'll discuss that later. Tawagin mo muna ang Kuya mo doon dahil kakain na." usal ulit ni mommy. I sighed harshly at patakbong pumunta sa kwarto ni Kuya pero bago ako pumasok ay inayos ko ang sarili ko. Kung dati ay ayos lang na magmukha akong engot sa harap niya, ngayon ay gusto kong magmukhang maganda sa harap niya.  Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya. "Hindi ka ba marunong kumatok?" galit niyang saad kaya napatalon ako sa gulat. My forehead frowned and looked at him while raising my left eyebrow.  "Why are you mad at me. Yun lang galit ka na." now it's my turn to get angry. Maganda ang mood ko pero sinira niya lang.  Kinamot niya ang gilid ng kilay niya. Looks like he has big problem. Ano na naman kaya ang problema nito. Para hindi lang kumatok.  "Kakain na." galit kong saad "Get out. Susunod lang ako." mas galit din niyang sagot. I slammed his door bago umalis at padabog na pumunta sa kitchen. "Naririnig ang bangayan niyo mula dito sa baba. Ano na naman ba yan Tamara?" sabi ni mommy ng makaupo ako. Hindi ko na lang siya sinagot at hindi na umimik pa. Maya-maya ay bumaba na si Kuya. Isang malamig na sulyap ang binigay niya sa akin bago ako irapan.  Umupo siya sa tabi ko at nagsimula na kaming kumain na tahimik. But of course like what mom said ay na-open na niya ang topic tungkol sa pagpunta ng bisita niya dito na hindi namin kilala.  "Gusto naming makilala mo si Edmund, anak ng Tita Veronica mo. I was expecting him to be here pero may pagkamakulit daw yun kaya--" hindi na natuloy ni mommy ang pagkukwento niyang ng sumabat bigla si Kuya.  "Why would she need to meet that guy?" he asked seriously.  "Kasi anak, we are hoping.. I mean, if ever they might like each othe--" for the second time ay pinutol na naman ni Kuya ang sinasabi ni mommy.  "Pagkatapos ano?! Sunod na ba yung fixed marriage?! Binibenta niyo ba ang anak niyo?" matigas na saad ni Kuya. Mom and Dad didn't expect him to talk that way.  "Gray! Hindi namin binibenta si Tamara. Use an appropriate words coming out from your mouth!" mom also got furious. I don't know what to do because I can feel the heat in this table. Mukhang si Daddy ay nagtitimpi lang at pinagmamasdan ang kilos ni Kuya.  "Really? Kasi kung ibibenta niyo lang naman si Tamara, ako na ang bibili." pabirong saad ni Kuya but the intensity in his voice is there.  "Tristan Gray Ortega!!" daddy lost his temper at sinigawan na niya si Kuya.  "What?!! Yun lang naman diba ang dahilan kung bakit kayo gumawa ng ganitong set-up. Because in the end they will end up getting married. Alam ko ang ganito Dad, you are training me to handle the company at tingin mo hindi ko alam ang ganitong set-up? Merging the two companies aren't it?" Kuya explains. Ilang minutong katahimikan at mukhang hinahayaan muna nilang kainin sila ng galit. "We are not forcing them Gray." seryosong saad ni Daddy at bumaling sa akin. "Right Tarama? You choose if it's okay to you." dad asked me.  Hindi ako tumingin kay Kuya but I know he's looking at me and want to say no to this set-up. But the hell!! Galit ako sakanya dahil sa inasta niya kanina.  "It's fine." I said in a thin voice I heard Kuya stamped the fork and excused himself. Nagkibit-balikat na lang ako at tinignan sila mom and dad. Dad is thinking deeply habang nakatingin sa hagdan kung saan pinanggalingan ni Kuya.  "Hindi naiintidihan ni Gray ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang naman na maging magkaibigan kayo, but if ever na magustuhan niyo ang isa't-isa ay walang problema." explain ulit ni mommy. Tumatango na lang ako bilang sagot even I'm not interested though.  Papasok na sana ako ng kwarto ko nang bigla akong hinila ni Kuya at pinasok sa kwarto niya. He slammed me on his warm bed at mabilis na ni-lock ang pinto. I didn't protest, guto kong makita kung paano siya ma-frustrate dahil sa kagagawan niya din naman. Kung hindi niya ako inaway in the first place ay hindi ito mangyayari.  Lumapit siya sa akin at nilagay ang magkabilang kamay niya sa gilid ko para hindi ako makaalis. "You said yes!! Nag-iisip ka ba Tamara?! You are my property and you will date other men? Seriously? Are you freaking thinking?!" bulong niya sa akin ngunit every words that he dropped are gripped together.  "Ooops. Boyfriend pala kita? I thought we are siblings." pang-aasar ko sa kanya na mas kinagalit niya. Now he graspped my cheeck and pulled me closer to him. "Don't joke around Tamara. Hindi na ako natutuwa sa ginagawa mo." galit niyang saad. Ang matapang niyang mga mata na nakatingin sa akin ay ginantihan ko din ng matapang na titig.  "Pano yan Kuya. Natutuwa ako sa ginagawa ko." pang-aasar ko pa sa kanya na mas lalo niyang kinainis.  This time he holds the left side of my face and kissed me roughly without wasting any seconds. Eventually ay nawala ang galit ko at bumigay sa mga halik niya. Ito ang ayaw ko, ito ang kinagagalit ko sa sarili ko. I give up easily para lang sa kanya. He can control my mind and my emotions.  "I'm sorry," he whispered when he let go of my lips.  "You should be. Wala naman akong ginagawang masama tapos nagagalit ka lang bigla." I said in a small tiny voice. Hinaplos niya ang buhok ko at tumango ng tipid.  We both looked at each other when we heard a knock on the door. Nagwala ang puso ko at binalot ng kaba.  "Gray! Open na door." boses ni Mommy iyon. Kuya remained calm and easy. Pero ako hindi ko alam kung magtatago ba ako. Eversince pa lang ay lagi na akong pumunta sa kwarto ni Kuya but this makes me feel different, natatakot ako at hindi mapakali.  "Easy Tamara. Relax. Okay?" sabi ni Kuya at mahinang natawa. He was about to open na door when I grabbed his shirt.  "Kuyaaaa!" I whimpered. He just give me a quick kissed and open na door.  Nang bumukas iyon ay nakita kong mukha ni mommy na gulat ng makita ako. I looked at Kuya and he is biting his lower lip to hide the smile on his lips.  "Anong ginagawa mo dito Tamara? Akala ko natutulog kana." mom's voice is normal at mukhang wala namang nahalata na kahit ano.  "Akala ko nga din natutulog na siya." biro ni Kuya at tumawa ng mahina. Mom glanced at Kuya, kumunot lang ang nuo ni Mommy.  "Akala ko nag-aaway na naman kayo." mom kissed my head "Matulog na kayo. Okay?" huling saad niya at umalis na ng kwarto.  "Ano? Hindi ka pa aalis? Ilolock ko muna yung pinto." biro pa nito kaya binato ko ng unan dahil kanina pa ako pinapamulahan sa mga biro niya but sadly ay nasalo niya yun at tumawa.  "Matutulog na ako." anunsyo ko sa kanya "Sige. Saan mo ba gusto. Sa tabi ko?"  "Ewan ko sayo." saad ko at tumayo na. He is leaning in the wall at lalampasan ko na sana siya pero hinawakan niya ang braso ko.  This time, he is seriously looking at me. He leaned to my ears and whispered. "I love you." he is waiting for my response.  tumingin muna ako sa paligid "I love you too." I said. He nodded while smiling widely.  At dahil maaga kaming pumasok ni Kuya ay naisipan muna niyang tumambay kami sa cafeteria. Doon sana kami sa likod ng building niya pero umuulan kaya hindi pwedi.  "Kakain ka?" tanong niya habang nagsusulat ako. Tumingin ako sa kanya at umiling.  "Kakakain lang kaya natin." mahinang usal ko at sumulat na naman. Nagco-copy ako ng mga notes ni Rita kasi naman tinamad ako magsulat nung isang araw.  "Nahihirapan ka ba sa pag-aaral mo?" napaangat ako ng tingin sa kanya. I played my ballpen in my hand while thinking his question.  "Okay lang naman." tipid kong sagot. I know how smart he is kumpara naman sa akin but if I'm good in one thing, that is modeling. Yun lang siguro ang nakakaproud na ginagawa ko.  "You should study harder. Lalo ka lang mahihirapan kapag college ka na." saad niya. He put is arms in the back of the chair.  "Alam ko." saad ko. Speaking of college ay malapit ng magcollege si Kuya. "Diba Kuya malapit ka ng magcollege. Anong gusto mong kunin?" tanong ko sa kanya. He's good at everything kaya nacu-curious lang ako kung ano ang gusto niya.  "Business Ad. Bakit?" tamad niyang sagot. Tinignan ko siya.  "Yun? I mean, ang talino mo kaya Kuya. Bakit di ka magDoctor, Engineer or Architect, magaling ka naman gumuhit diba??" gulat kong saad.  "Gusto kong ihandle ang company natin." tipid niyang sagot at umiwas ng tingin.  "Ang aga niyo naman yata." napatingin kami sa mga bagong dating. At hindi nga ako nagkamali nang marinig boses niya. Ngiting aso si Kuya Ethan habang nakatingin sa amin ni Kuya Gray.  "Ano 'to? Bago na ba nating miyembro si Tamara? Parang aso yung kapatid mo Gray, bunto't ng bunto't. Pano tayo makakapagbabae niyan. Paano tayo magiging BI kay Gray. Guys! Ano?!!" parang sirang saad ni Kuya Terrence. Binatukan naman siya ni Kuya Rino na hawak ang cellphone niya.  "Wag mo yan tawaging aso. Ikaw ang mukhang aso." biro ni Kuya Rino at nilagay ang bag niya sa tabi ko tsaka umupo habang nakataas ang isang paa sa lamesa.  "Masaya yun kung magiging new member si Tammy diba? Lagi namang wala si Stanfield. Siya na lang ang pamalit. Hahahaha." saad din ni Kuya Ethan at siniksik ang sarili niya para makatabi sa akin. Naiiritang tinignan ni Kuya Gray si Kuya Ethan kaya hinila ako papalapit sa kanya.  "Ikaw naman Kuya Gray, parang aagawan ng pagkain." Kuya Ethan said jokingly. Nagtawanan naman sila at nakingiti lang ako pero si Kuya Gray ay hindi pinansin ang mga kaibigan na nagtatawanan.  "Tigilan mo na nga yan Ethan. Ba't ba itong si Tamara ang tinatarget mo? Type mo ba?" diretsong tanong ni Kuya Nicholas. Hindi na ako nagulat sa mga tanong o sa ganitong sitwasyon. It's obviously that Kuya Ethan just mocking Kuya Gray, gustong gusto niyang nakikita na naiirita si Kuya Gray.  "Wag na. Kay Gray na yan eh." sabi ni Kuya Ethan at tinignan si Kuya Gray. Nanlilisik ang mga mata ni Kuya Gray habang nakatingin kay Kuya Ethan. Kinabahan ako pero sinubukan kong hindi nila mahalata yun.  "Ethan. Hindi ko gusto yang mga banat mo sa kay Tamara. Bakit ba lagi mong tinutulak yan kay Gray." sabi bigla ni Kuya Rino na akala ko'y hindi nakikinig dahil tutok na tutok sa mga katext niya.  "Joke lang yun. Akala ko kakagatin niyo yung biro ko. Sayang naman!" nanghihinayang na saad ni Kuya Ethan kay Kuya Rino at bumalik na sa normal na maingay ang magkakaibigan. Pero kung sila ay naloko no Kuya Ethan, ako hindi. May alam siya. May alam si Kuya Ethan. Maybe Kuya Gray told him or he found oit by himself. Yun lang ang pweding rason. But one thing for sure, alam niya.  Napansin ni Kuya Ethan ang titig ko sa kanya. Nginitian niya lang ako at bumaling kay Kuya Blake na nagjojoke. I looked at Kuya and looks like he doesn't mind at all. Possible bang sinabi niya?? Bakit? Bakit niya ginawa yun? "Excuse me. Pupunta na ako sa room ko. Baka andun na yung teacher namin." paalam ko sa kanila nang hindi pinapansin si Kuya Gray.  Habang papalapit na ako sa room namin ay hinablot ni Kuya ang braso ko. Masama ang mga titig niya sa akin.  "Hindi ako hangin Tamara. Nagpaalam ka sa kanila pero sa akin hindi?" galit niyang saad. "Sinabi mo kay Kuya Ethan." sambit ko sa kanya. Nagulat siya sa sinabi ko.  "Pumunta ka na sa room mo." peke akong natawa. Ngayon siya naman ang umiiwas.  "Bakit mo sinabi sa kanya? Ano na lang ang iisipin niya? Pano kung ikalat niya yun, hindi mo ba nakita? Konti na lang pwedi na tayong mabulyaso!!" sigaw ko sa kanya. Wala pa namang mga estudyante dito sa hallway.  "Hindi ko sinabi sa kanya." mahinang usal niya.  "Bakit niya nalaman. Paano?!" hindi pa din nawawala ang pagwawala sa boses ko. Natatakot ako, dahil habang may isang nakakalaam na ibang tao ay hindi impossibling kumalat yun.  "Hindi ko alam! Hayaan mo na siya." sabi kiya pero marahas kong kinuha ang braso kong hawak niya.  "Ewan ko sayo. Kausapin mo si Ethan." sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya pero umiling lang siya. May tinatago si Kuya Gray, nababasa ko sa mga mata niya.  "Magtiwala ka sa akin Tamara." huling saad niya bago ko siya iniwan doong mag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD