Elle's POV
Malayo kase yung tinitirhan nya, kapag walang pasok umuuwi sya sa probinsya.
"bruha ka talaga. Di mo manlang ba ako na miss?" at nag pauto panga.
"Nasaan ID mo?" Tanong niya
"nakalimutan ko.... Kaya siguro ko na late kase hinahanap ko pa ID ko?"
Lie HAHAHAHAHAHAHAHA sadyang late lang talaga ako. Pero wait, suot ko kanina ID ko kanina ehh?
"rason mo Elle, bulok na bulok na!"
Napa iling nalang ako at natawa.
inakbayan nya ko hanggang nakarating kami sa cafeteria. Nag order sya ng breakfast meal kaya umupo nlng ako sa table.
"graduating na tayo, wla parin akong jowa." sinabi ko habang tulala.
"andaming problema sa mundo teh. Yan talaga problema mo?"
Erica.
Kinuha ko yung ice coffee na in-order nya bago panya lawayan ung straw.
"Ano gusto mong problemahin ko? Politika? Climate change? Engot ka pala ehh." pag tataray ko sa kanya
"alam mo kase ikaw bruha ka, pino problema mo pero hindi mo sinoso-lusiyonan.
" Tatlong taon kana ng tengga at nag rereklamong walang jowa, eh di naman lumalandi ang labo mo rin talaga minsan" dire-diretsong pag kakasabi ni Erica.
Umiling nalang ulit ako. Bakit ganon? Kailangan ba lumandi para mag ka jowa? Ako ba talaga ang kailangan mauna? Hindi ba pwedeng ako ung landiin?
"wag ka feeling special, Elle. Tatanda kang walang dilig." Tawang tawa pasiya.
Nanahimik nalang ako at nag scroll ng phone ko, kahit sa social media ang boring ng buhay ko.
"Hoy Elle, ang pogi oh." sabay turo sa lalaking naka black pollo shirt na fit na fit ri na black pants.
UHM, classy........... I like it. Ngayon ko lang siya na pansin dito, new student kaya siya? Transferee? Freshman?
"agad - agad akong tumayo. Okay,elle.I'ts now or never.hindi ako aamagin nga yong school year, if landi is term and the only choice para mag karoon ng jowa, GAME.
Hindi naman ako ganon kapangit eh?
Nalapitan ko si pogi. Nilakasan ko loob ko, naiihi ako yawa.
"hi I'm Elle Palma, psychology major. ikaw?"
I threw my hands in front of him expecting for a handshake....
But no, he just stared at it. Nice mysterious.. I like that
"excuse me?" tinaas niya ang isang kilay nya habang walk out.
Napansin kong maraming nakatingin saamin kaya napayuko nalang ako at dire-diretsong umalis habang rinig ko ang tawa ng mga taong naka kita saamin.
"Kala ko naman kung sinong pogi." sambit ko nung nasa harapan ulit ako ni Erica.
"natatawa ako sayo beb, first time in history..... Lalaki mismo ang tumanggi sayo." Tawang tawa parin sya.
"makukuha ko yun, beb. Challenge me." sabi ko. Eto ata ung 'thrill' nahinahanap ko.
Kung sino kaman, antipako ka. Makukuha rin kita.