Tinitigan ko ang aking mukha sa salamin. I am radiating with too much happiness. Ang nagdaang weekends ang isa sa pinakamasayang araw ko sa nakalipas na taon. Marco really never failed to make me happy. Kahit na panakaw lang at limitado ang oras naming magkasama ay sobrang saya ko na. Parang hawak naming dalawa ang mundo and there’s nothing that could break us apart. Maligayang ngiti ang ibinigay ko kay Nico. He immediately noticed my mood for the day that’s why he smiled at me too. Sinunggaban ni Daisy ang paa ko kaya naman yumuko ako para mabuhay siya. She licked my face and I laughed. Ipinatong ko siya sa aking lamesa saka hinaplos ng marahan ang kanyang malalambot na balahibo. “How was your weekend?” Magaang tanong ni Nico. Napanis ang aking ngiti dahil sa tanong niyang iyon.

