Nakayuko ako habang nasa hapag-kainan. Kasama kong kumakain ngayon si Ate at si Marco. Mas pinili kong tignan ang aking plato kaysa makita sa harap ko si Marco na palihim na sumusulyap sa akin. Sobra akong nakakaramdam ngayon ng konsensya dahil sa malalaking ngiti ni Ate. Wala siyang kamalay-malay na nagawa kaming kataksilan ng asawa niya. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Napakababa kong klase ng babae. Ang bilis kong nagpadala kay Marco. My defense was very weak when it comes to him. Hindi ko manlang inisip ang maaaring mangyari kapag nalaman ni Ate ang nangyari sa amin ni Marco. I should have fought harder. Dapat ay hindi ako nagpadala sa tukso. Dapat ay hinawakan ko ang aking sarili at isinaisip na hindi pwedeng may mangyari sa amin ni Marco dahil malaking kasalanan iyon. Habang

