“Nico, can you please fix yourself!? Bakit kailangan mong gawin ito sa sarili mo dahil lang sa babaeng iyon? She doesn’t deserve you. Maaaring pineperahan ka lang ng babaeng iyon!” Naririndi na ako sa boses ni Mommy. Bakit hindi na lang niya gayahin si Dad na hinahayaan lang ako? Isang beses niya lang akong pinagsabihan. Padarag kong binagsak ang bote ng alak na kanina ko pa iniinom. I lost count of the bottles I have drank for the entire days. Aminado akong napapabayaan ko na ang sarili ko, even my work. Narito ako sa office nakatira pero ni minsan ay hindi ko ginawa ang trabaho ko. How would I? I am feeling so broken right now. Sobrang sakit ng nararamdaman ko at wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi magpakalunod sa alak. “Please, leave me alone! How many times do I h

