I contemplated with myself whether I should call for Nico or directly to the staff. Nakakahiya kasi dahil medyo mabaho talaga. Paulit-ulit kong sinusubukan ang gripo ngunit wala talagng lumalabas na tubig doon. Sa huli ay napagdesisyunan kong puntahan nalang si Nico. Kinatok ko ang kanyang kwarto at nang buksan niya iyon ay nahihiya kong sinabi sa kanya ang nangyari. Napailing ito sa akin at may isang ngiti na pilit kumakala sa kanyang labi. Tinalikuran niya ako at sigurado akong tinatawanan niya ako ngayon. Dumiretso siya sa isang telepono malapit sa kama saka tumawag sa staff. Matapos niyang maipaalam ang nangyari ay hinarap niya ako ulit. Tumikhim siya nang mapansin na matalim ang aking tingin sa kanya. “I’ll get your things and you need to stay here for a while. Wala na

