“Apo, parang wala sa unit si Gabby. Mga ilang araw na, noong minsang kumatok ako, si Lauren lang ang naroon. Tinanong ko nga kung nasaan iyon at sabi ng kaibigan niya ay nakatira raw sa puder ni Maricar at ng asawa niya.” Lumingon ako kay Lola Graciella at mapait na ngumiti. Humigop ito mula sa iniinom na kape at nagsimulang magreklamo kung bakit hindi raw nagpaalam sa kanya si Gabriella. Wala pa pala itong alam sa nangyayari. I continued typing with some reports before speaking. “Yes, she lives with her sister and her husband, Marco De Guzman.” I stated casually. Narinig ko ang sunod-sunod na pag-ubo nito. Nag-aalala akong napatayo at lumapit kay Lola. “Diyos ko, apo! Ano ba iyang naririnig ko sayo!” Hindi makapaniwalang sabi nito. Napailing lang ako at sinabing seryoso ako s

