Gabriella Aldana, that’s her name. Tinatawag siya ni Lola Graciella sa palayaw nitong Gabby. Kunsabagay, medyo mahaba nga naman kung babanggitin ang Gabriella. But her name is beautiful. If I were to call her, I would like to call her by her name. Pumarada ako sa malayo ngunit sinigurado ko pa rin na matatanaw ko ang pet shop kung saan siya nagta-trabaho. Sinilip ko ang oras at napansing pasado alas-dose pa lang kaya naman wala pa siya doon. Panaka-naka ay nakikibalita ako sa mga kwento ni Lola Graciella. Minsan ay gusto ko pang magtanong sa kanya dahil minsan nakukulangan ako sa mga sinasabi niya tungkol kay Gabriella ngunit lagi kong pinipigilan ang sarili ko. Baka kasi mag-isip ng kung ano si Lola. I don’t have a thing for that kid. I was just curious. I was just worrying

