KABANATA 11 TINA Nakaalis na si Blake pero ‘yung puso ko ang bilis pa rin ng kabog. Nagulat ako sa ginawa niya. Tama bang ilapit na naman niya ‘yung mukha niya sa mukha ko? Tapos nakipagtitigan pa sa akin. ‘Yung mga mata niya… Hay… Ang ganda talaga. Ang gwapo niya talaga. Totoo naman talaga ‘yung sinabi niya kanina. Siya ang pinaka-sikat at pinaka-gwapo rito sa school. Kaso kapag sumang-ayon ako sa sinabi niya baka pumutok na sa laki ‘yung ulo niya. Kailangan mabawasan ng hangin, bago pa siya liparin. Napabuntong-hininga ako. Naalala ko na naman ‘yung titig niya kanina. Sino ba namang hindi matutunaw at manlalambot sa mga titig na ‘yon? Hay… Buti na lang napasandal ako sa bookshelf, kung ‘di baka natumba na ako. *** Pagdating ko sa bahay galing trabaho, wala pa si Blake. Nasaan kay

