KABANATA 17 TINA Sa apat na klase ko sa araw na ‘to wala ata akong naintindihan sa mga tinuro ng teacher. Lutang ang isip ko. Paulit-ulit lang sa isip ko ‘yung eksena kanina sa may corridor. Si Blake, hindi ako pinansin. Mukhang galit ata siya sa akin. Pero bakit? Ano’ng ginawa ko? Ayoko ng ganito. Ayoko ng pakiramdam na ganito. Ayoko na galit siya sa akin. Parati kaming nag-aaway na parang aso’t pusa, pero ngayon, iba ito. Hinintay kong mag-alas-tres sa library pero hindi siya dumating. Ayaw na ba niya ituloy ‘yung deal namin? Siya na lang ba mag-aaral mag-isa? Pagdating ko sa work, wala pa rin ako sa tamang wisyo. Ilang beses tuloy ako nagkamali sa pagkuha ng order. Akala nila masama ang pakiramdam ko kaya pinauwi na lang nila ako. Kaso parang ayoko ata umuwi. Makikita ko si Blake

