KABANATA 47 TINA Nang magising ako nakayakap pa si Blake sa akin. Dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya. Ayoko kasi siyang magising. Dahan-dahan din akong bumangon at umalis sa kama. Patingkayad din akong naglakad para kumuha ng damit sa cabinet niya. ‘Yung mga damit ko kasi lahat nasa sala. Hindi ko na nga alam kung saan itinapon ni Blake kagabi. Nagsiliparan sila kung saan-saan. Kumuha ako nang kulay itim at malaking t-shirt sa cabinet niya. Mahaba naman ‘yon kaya hindi na ako nag-short dahil mahuhulog lang din naman sa akin dahil malaki sa akin. Palabas na ako ng kwarto niya nang marinig kong magsalita siya. “Babe, get back here.” “Maingay ba ‘ko kaya nagising kita?” tanong ko habang palapit ako sa kanya. “Nope. Pagkapa ko sa kama, wala ka, kaya nagising ako.” Sumampa uli ako

