KABANATA 45 TINA Paggising ko, wala na si Blake. Pumasok na siya sa school. May nakita naman akong box sa may paanan ko. Syempre inusisa ko kung ano ‘yon, at kung ano’ng laman. Bago naman kasi kami matulog kagabi, wala ‘yon. Aba may note. Babe, pinagpaalam na kita kay Manang Gloria. Sabi ko ‘di ka papasok. I want you to rest and relax, 'coz IT'S YOUR DAY. Anong it's my day? Ano’ng pinagsasabi nitong si Blake? Hindi ko alam ang sagot sa mga tanong ko kaya itinuloy ko na lang ang pagbabasa. Open the box. Dahil masunurin ako, binuksan ko ‘yung box. Aba may note ulit. I personally chose this dress for you to wear tonight, 'coz IT'S YOUR DAY. Ayan na naman ‘yung it's your day na ‘yan. Ano ba talaga meron ngayon? I'll pick you up at 7PM. See you later, beautiful. I love you. Aba,

