KABANATA 62 TINA Dahil sa pakiusap ng mga kaibigan niya gumawa talaga ako ng paraan para makausap si Blake. “Blake!” Patakbo akong lumapit sa kanya habang naglalakad siya sa parking lot ng school. Buti na lang mag-isa lang siya at wala siyang kasamang mga babaeng higad. “Pauwi na ‘ko Tina. Wala akong oras.” “Good! Pwede pala akong makisabay sa ‘yo pauwi. Madadaanan mo naman ‘yung apartment ko eh.” “Okay, sige. Ihahatid kita,” walang gana niyang sagot. Nang nasa kotse na kami at nakalabas na kami ng school. Inilabas ko ‘yung orange juice na binili ko sa canteen. “Ugh! Bakit ba ang hirap buksan nito?” sabi ko na kunwaring mahigpit ‘yung takip ng bote kahit na ang totoo’y hindi naman. “Oh s**t!” Napamura si Blake at inihinto niya ‘yung kotse sa gilid ng kalsada. Nabuhusan ko kasi s

