KABANATA 43 TINA Wednesday. This is the day. Kakausapin ko na si Andre. Nag-text ako sa kanya kanina. Kinamusta ko siya. Sabi niya okay na raw siya, at pumasok na rin siya. Tinanong ko rin siya kung anong oras ‘yung last class niya at kung saan ‘yung room niya. Buti na lang 30 mins. lang ‘yung pagitan ng tapos ng mga klase namin. 2:30 PM, habang naglalakad ako papunta sa classroom ni Andre, nagpra-practice pa ‘ko kung paano ko sisimulang sabihin sa kanya ‘yung mga dapat niyang malaman. Grabe, kinakabahan talaga ako. Nagsisilabasan na ‘yung mga estudyante. Naghintay lang ako sa labas ng classroom. Makikita ko naman si Andre paglabas niya, kaso nagsilabasan na ata lahat, wala pa ring Andre na lumalabas, kaya naglakad ako palapit ng room nila. Narinig kong parang may nag-uusap sa loob

