Prologue

897 Words
UMIIYAK ang batang si Kesha. Kanina niya pa hinahanap ang daan pabalik sa pamilya Sebastian. May nakita kasi siyang makulay na paru-paro kaya't sinundan niya ito. Hindi niya namalayan na nasa masukal na bahagi pala siya ng isla. At ngayon ay hinahanap niya pabalik ang daan ngunit hindi niya talaga matandaan. Papadilim na rin ang paligid kaya't mas lalo siyang natakot. Kanina niya pa ipinagdarasal na sana hanapin din siya ng mga ito lalo na si Axel, tiyak na nag-alala na iyon sa kanya. Halos nga ayaw siyang paalisin nito sa kanyang tabi mula kanina. Nang kumuha ito ng meryenda ay saka siya pumuslit. Nakukulitan na kasi siya rito at hindi niya magawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Tulad na lang nang pagligo sa dagat. Ayaw kasi siya nitong mangitim kaya't kailangan daw maghintay muna hanggang mawala ang sikat ng araw. Sinama siya ng mga Sebastian sa family outing sa isa sa mga isla rito sa Palawan. Tinuturing na niya ring pangalawang pamilya ang mga ito. Ramdam niya ang pagmamahal ng mga ito sa kanya. Lalo na si Tita Gianna niya. Lagi siya nitong pinapabaunan ng mga pagkain at ito rin ang taga-saway kay Axel sa tuwing nangungulit ito sa kanya. Sanay na rin naman siya sa kakulitan ng huli ngunit may mga araw na talagang sumusobra ito. Crush niya si Axel, iyon ang totoo. Unang kita palang niya rito ay nakuha na nito ang atensyon niya. Bibo at matalinong bata naman talaga kasi ito. Matalino naman din ang kakambal nitong si Andrew ngunit tila napaka-reserved nito. Himalang maituturing kung makikitang ngumiti si Andrew. Hindi rin niya masabi kung sino ang gwapo sa dalawa dahil talagang magkamukha ang mga ito. Sa personalidad nga lang nagkakatalo. At si Axel nga ang nakakuha ng atensyon niya dahil sa pagiging masayahin nito. Nakakatawang isipin na gulang niyang anim na taon ay may crush-crush na siyang nalalaman. Lagi nga siyang pinapaalalahanan ni Tita Gianna na huwag magmadali. Dahil marami pa ang pweding mangyari sa mga darating pang panahon. Hopeless na si Kesha. Umupo siya at niyukyok ang ulo sa kanyang mga magkadikit na hita. Tahimik siyang umiiyak. Halos mamaos na nga siya kakasigaw mula kanina. At tanging huni ng mga ibon ang siyang kanyang nakukuhang sagot. Ilang sandali siyang nasa ganoong estado nang makarinig siya ng mga papalapit na yabag. Nag-angat siya ng ulo at halos lumundag ang puso niya nang makita kung sino ang paparating. Si Andrew! Talento na niya ata na mapagsino ang dalawang kambal kahit pa nasa malayo ang mga ito o kahit na magkapareho pa ang suot na damit ng mga ito. Malakas lang talaga ang pakiramdam niya kung sino si Andrew at Axel. "Kesha?" kumpirma nito. Tumayo siya at mabilis na tumakbo papunta rito. Sinalubong siya ni Andrew na humahangos. Muli ay napa-iyak siya. Buong akala niya ay aabutin siya ng dilim dito. Alam na naman niyang gagawa ng paraan si Tito Dominic at Tita Gianna niya upang mahanap siya ngunit hindi siya sigurado kung gaano siya katagal matunton ng mga ito. "Hey, you are okay now. Hush now," pang-aalo nito sa kanya. Nakayakap siya rito at hinahagod ang kanyang likod. "I thought you'll never gonna find me!" hikbi niya. Ngayon niyang lang din naramdaman ang pagod sa kanyang pabalik-balik na paglalakad mula kanina. Kumalas sa kanya si Andrew at hinarap siya nito. Bakas din sa mukha nito ang matinding pag-aalala pero hindi rin makakaila na napanatag ito dahil sa natunton na siya nito. "That's not gonna happen. Look at me." Napatitig siya sa mga mata nito. For a moment, her heart skipped a beat. "Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa'yo. I will protect you, 'kay? Hush now, baby. You are already safe." Ngumiti ito sa kanya na siyang lalong nagpakabog ng dibdib niya. This was the first time she was this close to Andrew. At ito rin ang unang pagkakataon na magpakita ito ng iba't ibang klaseng emosyon. Hindi niya alam pero nagugustuhan niya ang ibang bahagi ng pagkatao nito. Akala niya talaga ay taong tuod ito. At ngayon, ibang klaseng Andrew ang kanyang nakakausap. "T-thank you, Andrew!" Hindi niya napigilan ang yakapin at halikan ito sa pisngi. Huli na nang mapagtanto niya ang kanyang ginawa. For a moment, she saw him a bit shocked until he became the old Andrew again with the poker face. Nalungkot siya bigla. Ewan, parang may kumirot sa puso niya. "Kesha!" Nabalik siya sa realidad nang marinig niya ang matinis na boses ni Axel. At bago pa siya makapag-react ay nakulong na siya nito sa isang mainit na yakap. Kasunod ni Axel ang mga magulang nito at ilang pang ibang tao na marahil ay staff ng resort upang hanapin siya. "You made us all worried. Sabi ko naman kasi sayo 'wag kang aalis sa tabi ko, eh!" maktol pa nito. "You okay, Baby Kesha?" tanong ni Tita Gianna. Tumango siya. Tila wala na siyang kakayahang magsalita. Napatingin siyang muli kay Andrew. He was still looking at her. Ngunit agad din itong nag-iwas ng tingin sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon, may tila pinong kurot ang naramdaman niya sa kanyang dibdib. "Let's all go back," turan naman ni Tito Dominic. Tumango na lang siya bilang tugon. Hindi naman siya tinantanan ni Axel kakatanong kung bakit siya napapadpad sa masukal na bahaging ito. Wala siya ni isang sagot na binatawan mula rito. Lumilipad ang isip niya kay Andrew.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD