Matapos kaladkarin ni Ren si Jess palabas nang library ay nagpasya ang dalawa na pumunta sa canteen para kumain dahil ayon kay Ren bigla daw siyang ginutom. Kaya kasalukuyan silang kumakain hanbang nagkukwentuhan.
Ren, bakit bigla mo akong hinila palabas ng library kanina?.. tanong ni Jess
Wala nga diba sabi ko nang ginugutom ako kea hinila kita palabas dahil gusto ko ngang kumain. sagot naman ni Ren.
Weh!!!! Ren kilala kita kaya wag ka ngang maglihim saken..
anong ibig mong sabihin?
Ren, do you like her?...
Ha?... napatigil sa pagsubo si Ren at napatingin kay Jess..
Oh!!... tama ako may gusto ka nga kay Zel.. :-)
Wala! ano ka ba ako magkakagusto sa babaeng un?.. napakasungit at amasona..
Ha,ha,ha,ha!!! malakas na tawa ni Jess
Oh!! bakit ka tumatawa dyan?
Amasona talaga?.. grabe ka namang magdescribe :)
Totoo naman ah!!! sa lahat nang nakilala kong babae sya lang nakakagawang gulpihin ako at pagtaasan ng boses... waring nagmamaktol at nagsusumbong na batang wika ni Ren..
Ha,ha,ha!!!
Oh!! bakit ba tawa ka ng tawa dyan.. dud wag mo akong asarin ha?.. baka sapakin na kita...
Ok,Ok!! ren hindi na ako tatawa... :-) pigil ang tawa na wika ni Jess.
Kung hindi mo sya gusto bakit nakita kong namula ka nuong itanong ko kung GF mo sya?
Ha!! ako namula?.. huy!! hindi noh galing kasi tayo sa labas mainit kaya namumula ako... sagot ni Ren.
Ok fine, sabi mo yan eh.. pero alam mo maganda sya, mukhang matalino din at simple lang siyang babae di ko nakakitaan ng arte sa katawan.. Papurig wika ni Jess.
Ah!! oo simple lang talaga sya.. nakakaaliw din siyang asarin..pikunin kasi..at talagang palaban sya.never pa syang nagpatalo saken.. Wika ni Ren. Hindi niya napansin na napangiti si Jess na animoy may bagay na na confirm.. at iiling iling lang na nakikinig kay Ren.
Haiz!! bakit ba siya ang pinag-uusapan natin?.. wika ni Ren.. nga pala Jess bakit kung kailan 3rd year college ka na eh!! naisipan mo pang lumipat dito?.. tanong ni Ren.
Ahm!! nagkaroon kasi ng malaking probema sina papa sa Korea kaya, napagdisisyunan nilang dito na lang ako magpatuloy ng pag-aaral.. sagot naman ni Jess.
Ah!! ganun ba.. wika ni Ren.