Sheena's POV Sa hindi ko namamalayan. Nakatulog pala ako habang binabantayan ko si mama. Nagising na lang ako nang pumasok ang isang nurse para i-check niya si mama. Matapos niyang tingnan si mama ay lumabas na siya. "Ma. Kumusta na po ang kalagayan niyo. Masama pa po ba ang pakiramdam niyo." pagtanong ko kay mama. Hinawakan ni mama ang kamay ko at pilit na ngumiti ito sa akin. "Anak. Kung sakaling mawala ako. Huwag kang maghihinto sa pag-aaral mo ah. Gusto ko parin makapagtapos ka ng pag-aaral kahit wala na ako." mahinang sabi ni mama. "Wala akong ibang maipapamana sayo kundi ang edukasyon. Yon lamang ang tanging susi para hindi ka na maging katulad ko." sabi pa ni mama. Sa hindi ko namalayan. Pumatak na pala ang mga luha ko. Bahagya ko naman itong pinunas. "Ma. Huwag niyo

