HALIYAH ISABELLE'S POV Dalawang araw na ang lumipas mula nang mangyari iyon sa kusina. Dalawang araw mula nang ipilit ni Sir Azra ang halik na iyon sa akin.... na para bang wala akong karapatang tumanggi. Pagkatapos niyon ay umalis siya, at hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikita rito sa mansyon. Wala rin nakakaalam kung saan siya nagpunta. Kahit ang mga tauhan ay walang ideya kung kailan siya babalik. At sa unang pagkakataon simula nang dumating ako rito… Tahimik ang mansion. Ngunit kahit ganoon… Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang nangyari. Napatigil ako sa pag-aayos ng mga plato sa mesa ng dining hall nang biglang bumalik sa alaala ko ang sandaling iyon. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa baywang ko. Ang paraan ng pagdi!n niya ng halik na parang wala siyang pakialam ku

