HALIYAH ISABELLE’S POV “Hindi ko po alam… baka may iuutos lang po sa akin,” usal ko at bahagyang yumuko. Hindi ko maiwasan. Nakasanayan ko na. Sa tuwing kaharap ko ang isa sa kanila, kusa na lang bumababa ang ulo ko, parang natural na depensa ng katawan ko laban sa bigat ng presensya nila. Mula sa gilid ng paningin ko, kitang-kita ko ang paggalaw ng mga paa niya. Isang hakbang. Dalawa. Palapit. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko. “Stop doing that.” Napakunot ang noo ko. “P-po?” “Stop bowing your head like that,” ulit niya, mas malinaw ngayon ang tono. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. At sa sandaling iyon, tila may kung anong nagbago sa hangin. Nakangiti siya. Hindi iyong ngiting may bahid ng panunuya. Hindi rin malamig. Kundi isang magaan, halos nakakaaliw na ngiti.

