Chapter 6

1307 Words
HALIYAH ISABELLE’S POV “Ayos ka lang ba, Haliyah?” pabulong na tanong ni Mari, hawak-hawak ang kamay ko habang naglalakad kami sa madlim na kalsada patungo sa sakayan ng bus. Tumango lang ako, pilit na ngumiti kahit Ang totoo ay walang mapaglagyan ang kaba sa dibdib ko. At habang naglalakad kami at iginagala ko sa paligid ang aking tingin, nangangamba na baka biglang sumulpot si Samuel, at kaladkarin ako pabalik ng bahay. Tumakas ako, at wala akong dala na kahit ano... Maliban na lamang sa dalawang pares ng damit at undergarments. Isang libong pera, na sana ay pamasahe ko. Pero tinanggihan iyon Mari, sinabi niyang itago ko na langbdaw at siya na ang magbabayad ng aking pamasahe. Sumakay kami sa maliit na bus patungo sa Cagayan. Sa loob ng sasakyan, ang tunog ng makina at banayad na pag-alon ng sasakyan ang tanging kasama ko sa katahimikan. Hawak ko ang maliit na bag ko sa aking dibdib, parang iyon lang ang tanging proteksyon ko laban sa mundo. “Kinakabahan ma pa rin?” tanong ni Mari, habang nakatingin sa akin mula sa gilid. Huminga ako nang malalim, "Kinakabahan pa rin naman, pero kahit papaano ay kalmado na dahil unti-unti na tayong nakakalayo," sambit ko. Bahagyang napangisi si Mari at pagkatapos ay tinapik ang balikat ko nang marahan, "Kaya mo ito, Haliyah. At h'wag na h'wag mo ng isipin ang lalaking iyon, dahil malabong magkita ulit kayo... Maliban na lamang kung gugustuhin ko pa ring bumalik sa kanya?" tanong niya, bahagyang nakataas ang kilay. Animo'y hinuhusgahan kaagad ako, kahit hindi ko naman iyon sinabi. Bigla ay sabay-sabay kaming natawa, at sa mga oras na iyon ay nakalimutan ko ang gulo na iniwan at tinakasan ko. "Maraming salamat, Mari..." taos-pusong pasasalamat ko sa kanya, at ngumiti lamang siya. Hindi siya nagsalita at tanging ngiti lamang ang iginawad sa akin, kung kaya ay hindi na din ako bumoses pa. At humarap na lamang sa bintana ng bus, na nasa tabi ko. Tahimik na pinagmamasdan ang bawat bahay, punong kahoy at sasakyan na aming nadadaanan. At habang nakatingin ako roon ay biglang sumagi sa isipan ko ang aking mga magulang. Hindi nila alam na tumakas ako, sa takot ko ay hindi ko na magawang dumaan sa kanila upang ipaalam na lalayo ako kay Samuel. Ngunit nang maisip ko bigla ang sinabi ng aking ama noong huling beses kaming nagkita ay guminhawa ang pakiramdam ko. Dahil alam ko na mas ikakatuwa niya ang ginawa kong ito, sapagka't noon niya pa nais na iwanan ko si Samuel. Ngunit masyadong matigas ang aking ulo at hindi ako nakinig. Maya-maya pa ay binitawan ko ang isang malalim na pagbuntong-hininga, inihilig ang aking ulo sa bintana ng bus... At unti-unting ipinikit ang aking mga mata, upang makatulog at maipahinga na din ang aking isipan. ~~~~~ Makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami sa Cagayan, at tirik na tirik na ang araw. Ngayon ay kasalukuyan kaming naglalakad sa mahabang kalsada, nasa loob kami ng malaking subdivision kung saan ay purong malaking bahay ang makikita ko at mga punong kahoy... Na nagsilbing parang pader na pumo-protekta sa buong subdivision. "Dito tayo, Haliyah..." biglang bulalas ni Mari, dahilan at agad akong bumaling sa kanya. At gano'n na lamang ang panlalaki ng aking mga mata ng makita ko ang naglalakihang gate, sa hindi kalayuan. Patuloy kaming naglalakad, at habang papalapit kami ng papalapit ay mas lalo kong nakita ang kabuuan nito. Pakiramdam ko ay halos lumuwa ang mata ko nang makita ko ang napakalaking mansyon, at animo'y isa na iyong palasyo sa paningin ko dahil sa sobrang laki. "Ito ba ang bahay ng boss mo, Mari?" inosenteng tanong ko sa kanya, bahagya niya lamang akong binalingan at tinanguhan. Huminto kami sa tapat ng gate, kumunot ang aking noo dahil nakatayo lang si Mari at walang ginagawa. Nang akmang magtatanong na ako ay biglang tumunog ang pagbukas ng gate, at sa gulat ko at napaatras ako. "May nakalagay kasi camera rito, may nagmo-monitor sa loob.. kaya kusang bubukas ang gate," paliwanag niya, at pagkatapos humakbang papasok sa loob. Dali-dali akong humakbang, sumunod sa kanya at maya-maya ay muli akong napalingon sa aking likuran at kusang sumara ulit ang gate. "Nakakahiya ka, Haliyah. Masyado kang ignorante..." mahinang asik ko sa sarili. Inakala ko kanina ay iyong gate na ang nakakamangha, ngunit mas namangha pa ako nang makapasok na kami Mari sa loob ng mansyon. Napahinto ako sa ganda at tindi ng aura nito. Mataas ang kisame, halos umaabot sa langit, na nagbigay-diin sa laki at kapangyarihan ng lugar. Sa itaas, nakasabit ang malalaki at kumikislap na chandelier, ang liwanag ay naglalaro sa bawat sulok, nagpapakita ng karangyaan at Pang-eksklusibong lasa. Sa entrance, kitang-kita ang matitibay na brick walls, malinaw ang pagkakaayos at parang nagsasabi ng kasaysayan ng bahay at ng mga nakatira dito. Ang mga dingding ay pininturahan ng madilim at mayabang na kulay beige, gray, brown ay black. Nagbibigay ng pakiramdam ng lalim, misteryo, at kataas-taasang awtoridad. Ang bawat detalye sa loob ay nagpapahiwatig ng kapangyarihan, mula sa mabibigat na pintuan, eleganteng mga koridor, at mga kasangkapang may disenyo na matatag at mukhang mahal. Ngunit natigilan ako nang matanaw ko ang isang lalaki, na nakatayo sa balkonahe ma iilang metro lang ang layo mula sa kinatatayuan namin ni Mari. Normal na damit lang ang suot niya, ngunit kitang-kita ang magandang hubog ng katawan niya sa ilalim ng damit... malapad ang balikat, mahaba ang katawan, at bawat galaw niya ay may taglay na natural na lakas at kakaibang karisma na bibihira lamang sa mga lalaki. Ilang sandali pa ay unti-unti itong gumalaw, at natigilan ako sa mga sandaling dumapo sa akin ang kan'yang tingin. Ang mga mata niya… ay may kulay ng pinaghalong kayumanggi at may bahid ng kaunting kulay berde at ginto. At parang kaya nilang basahin ang bawat sulok ng isip ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, hanggang sa biglang nagsalita si Mari.. at doon lang ako natauhan. "Good morning, Sir." Bati niya sa lalaki, napalunok ako at gaya ng ginawa ni Mari ay bumati rin ako. Pero wala kaming natanggap na sagot mula sa kanya, ni hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. At nanatili itong malamig. Tiningnan niya lang kaming dalawa ni Mari, hanggang sa muli siyang gumalaw. At ngayon ay upang talikuran kami. "Siya ba ang boss?" pabulong kong tanong, sinusundan pa din ng tingin ang lalaki hanggang sa tuluyan na itong lumiko sa kabilang direksyon. "Parang gano'n na nga..." usal ni Mari, kaya bumaling ako sa kanya at binigyan siya ng nagtatanong na tingin. "Pamangkin siya ni Mr Lorenzo, ang totoong may-ari nitong bahay. Kapatid niya ang nanay ni Sir Azra..." Usal niya, at sa tingin ko ay iyon ang pangalan nang lalaking kakaalis lang. Bahagya akong ngumuso, "Nasaan pala ang Mr Lorenzo na 'yan?" tanong ko. Muling naglakad si Mari at agad akong sumunod sa kanya. "Nasa ibang bansa at sa susunod na araw pa ang balik niyon. Kasama niya ang asawa niya at ang dalawa nilang anak. Kaya sa ngayon ay si Sir Azra, muna ang makakasama natin rito sa mansyon." Aniya habang paakyat kami sa hagdan. Pero bigla itong huminto, kaya huminto rin ako. At kasunod niyon ay dahan-dahang siyang umikot paharap sa akin at nagtaka ako bigla nang magbago ang kan'yang reaksyon.. "Hangga't maaari ay iwasan mo si Sir Azra," aniya, at bigla akong nakaramdam ng lamig sa katawan na hindi ko maintindihan.. "Wag mo siyang tingnan nang diretsyo sa mga mata, at hanggang kaya mo siyang iwasan ay iwasan mo," dugtong niya. Gusto ko sanang magtanong kung bakit, pero tumalikod na siya kaya nilunok ko na lamang ang nais kong sabihin. At tahimik na sumunod sa kanya papasok sa isang kwarto. Wag siyang titingnan nang diretsyo sa mga mata? Eh nakipagtitigan ako sa kanya, kani-kanina lang? Ibig sabihin... May mangyayaring hindi maganda sa 'kin? TO BE CONTINUED....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD