8

5627 Words
BOOK 2 "Ikaw" ( Muling ibalik ang tamis ng pag ibig) Part 8 Makalipas ang ilang minuto dumating si mike sa bahay nila sophia. Mike: sana maging maayos na ang lahat.haist! Bumaba sya ng sasakyan at nag doorbell sa gate n kaya binuksan sya agad ng kasambahay. Mike: salamat ate. Nasaan si Sophia ? Kasambahay: walang anuman sir. Nasa loob sya. Halika pumasok ka muna , umalis sila Sir marc. Mike: oo te pumunta sila sa bahay kanina. Kasambahay: ah ganun ba! Halika pasok ka umupo ka muna tawagin ko lang siya . Mike: ok sige ate , salamat. Kinakabahan si Mike ng mga oras na yon dahil pakiramdam nya ito ang unang araw na makikita nya si sophia. Mike: kaya ko to! ? Ilang sandali lang bumaba si sophia. Mike: hi!? Sophia: hello! Gusto mong kumain muna? Mike: ah hindi na! Ready ka na ba? Sophia: oo. Ready na sige umalis na tayo Mike: sige halika na ihatid na kita. Sophia: ok sige. Nagpaalam muna si sophia sa kanilang kasambahay bago sila umalis ni mike. Habang nasa sasakyan sila parang hindi mapakali si sophia dahil pakiramdam nya nakatingin si mike sa kanya. Mike: salamat ha pinagbigyan mo ako. Sophia: ok lang! Dapat ko naman talaga tong gawin. Mike: alam mo ate namimiss na kita! Napatingin si sophia sa kanya. Sophia: mike, pumayag akong makipag usap sayo dahil gusto kong matapos na ang lahat ng ito. Mike: ako din naman kasi alam mo napapagod na rin akong makita ka na malungkot at umiiwas sa akin. Sophia: kaya dapat na talaga natin itong tapusin . Naghanap ng lugar si mike na pwede syang makahinto upang makapag usap silang dalawa ng maayos. Mike: marami tayong dapat pag usapan Sophia: ano pa ba ang iba nating pag uusapan ? Kasi ako Gusto ko lang naman mag usap tayo para nang sa ganun matigil na ang pag iiwas ko sa yo. Mike: yon na nga ang pag usapan natin ang tungkol sa ating dalawa Sa mga nangyari dati dahil tsaka gusto kong humingi ng tawad sayo sa lahat ng mga pagkukulang ko dati Sophia: hindi naman ikaw ang nagkulang mike kundi ako.Pero hindi naman siguro sapat na dahilan yon para maghanap ka ng iba dahil inaamin ko naman na minsan kulang ang oras ko sayo. Mike: Hanggang ngayon ba yan pa rin ang iniisip mo na pinagtaksilan kita? Alam mo naintindihan ko naman na sobrang busy ka nung time na yon kaya iniintindi naman kita. Sophia: ano pala ang dapat kung isipin dahil ako mismo ang nakakita sa inyong dalawa mike? Sa tingin mo ba matutuwa ako? Mike: ate , nakita mo lang kami hindi mo naman inalam ang rason kung bakit kami magkasama ni christine noon. Gusto kong ipaliwanag sayo dati pero hindi ka naman nakinig sa akin. Sophia: hindi naman ako mag iisip ng ganun mike kung alam kong wala syang gusto sayo. Mike: matagal na yon! nung hindi pa tayo magkakilala alam mo naman yon di ba ! kung pinakinggan mo lang sana ako noon hindi humantong sa ganito ang relasyon natin. Wala akong ginawang masama sa relasyon natin. Sadyang kailangan ko lang talaga ng makakatulong sa akin nung time na yon. Dahil alam ko naman na hindi ka pwede nun kaya pinakiusapan ko sya na tulongan ako sa pag aasikaso ng party na yon dahil kung alam ko lang na maggagalit ka hindi ko nalang tinuloy pa. Pero wala na akong magagawa tapos na at planado na ang lahat. Sophia: kaya hindi mo rin ako masisi kung bakit nagalit ako sayo noon. Babae ako mike kaya alam ko ang mga galaw nya. Kahit pa kaibigan sya ni ate mich.. Mike: ikaw ang gusto ko at ikaw ang mahal ko wala ng iba. Ang sa amin ni Christine magkaibigan lang kami alam mo naman na magkaibigan sila ni michelle kaya parang naging kaibigan ko na rin siya . Sophia: kaya lang naman ako nagalit noon dahil nagseselos ako. At yon ang hindi mo pinapansin dahil akala mo ok lang sa akin at binabalewala mo lang . Ok lang naman sana yon mike kong wala din syang gusto sayo. Mike: kasi nga ang alam kong may tiwala ka sa akin kaya hinayaan ko nalang ang pagseselos mo.. Ate, maniwala ka man o sa hindi kaibigan lang ang turing ko sa kanya kung sya iba ang turing nya sa akin hindi ko na kasalanan yon kasi alam naman niya na girlfriend kita. Ang sa akin lang sana hindi ka bumitaw sa pagtiwala mo sa akin. Sophia: siguro nung time na yon hindi lang ako masyadong nakapag isip ng tama dahil sa sobrang selos ko kaya nakagawa ako ng hindi tama. Mike: Ate, promise kahit minsan hindi ko naisip na lokohin ka . Dahil mahal kita. Hindi ako magkakaganito ngayon kung hindi kita mahal. Unti unting natauhan si sophia sa mga nalaman nya at unti unti nyang narealize na sya talaga ang may kasalanan sa paghiwalay nilang dalawa ni mike. Sophia: pasensya ka na. Dahil sa selos ko kaya nasira tayo. Dahil sa kakitiran ng utak ko naghiwalay tayo. Hindi kita pinakinggan sarili ko lang ang iniisip ko .?Sorry! Mike: naintindihan kita. May oras pa naman na maayos natin ito di ba? Sophia: maayos pa ba natin? Ayokong makasakit ng ibang tao mike. Gusto ko lang maayos ito alang alang sa ating pamilya. Mike: bakit? Sino ba ang masasaktan? Di ba wala ka naman boyfriend? ? Sophia: wala! Pero ikaw? Ayokong masira kayo ng girlfriend mo. Pumayag ako na mag usap tayo para kahit papaano maging panatag na tayo sa isa't isa dahil kahit anong gawin natin magkikita at magkikita pa rin tayo dahil sa pamilya natin. Mike: teka lang ! Sino ba nagsabi sayo na may girlfriend ako? ? Sophia: ako! Mike: yan ka nanaman ate eh! Saan mo ba yan nakuha na balita? Sophia: Isang buwan pagkatapos natin nun maghiwalay sinubukan kong puntahan ka para kausapin ngunit bago yon nakita kita sa mall may kasama kang babae . At ang saya nyo pa nga nun kaya naisip ko hindi nalang ako magpakita sayo kasi masaya ka na. Mike: ate ,wala akong girlfriend at hindi ako nagkagirlfriend simula nung maghiwalay tayo.? Sophia: weeh! Di nga. Mike: totoo! Kahit tanungin mo pa sila kuya at ate mo mich. ? Sophia: eh sino pala ang babaeng kasama mo? ? Mike: hindi ko na matandaan kung sino yon . Baka isa yon sa mga kaibigan ko. Sophia: talaga lang ha. Mike: oo nga!. Kung ganun totoo palang ang hinala ko na may hinanakit ka sa akin kaya ganun nalang ang galit mo sa akin hanggang ngayon?. Sophia: alangan naman matutuwa ako. Sobrang sakit kaya nun dahil ang akala ko hindi mo rin matanggap ang paghiwalay natin kaya kita gustong kausapin nun yon pala ang bilis mong nakahanap ng kapalit. Mike: promise ate walang katotohanan yang mga sinasabi mo. Ate naman eh! Sophia: wala na akong magagawa tapos na yon. Ang sa akin lang ngayon na sana maging magkaibigan tayo ulit. At humihingi ako ng tawad sa lahat Mike: sa tingin mo papayag ako na maging magkaibigan nalang tayo? Matagal kong hinintay na makapag usap tayo ng ganito tapos ganun lang. Sophia: anong gusto mong gawin ko? ? Mike: di ba nga sabi mo ikaw naman ang may kasalanan sa paghiwalay natin at humingi ka ng sorry? Kaya tinatanggap ko ang sorry mo kaya magbalikan na tayo.? Sophia: pero mike! Mike: sige na naman ! Parang awa mo na! ? Sophia: Hindi ka pa nadala sa ugali ko hindi ka ba natatakot na baka maulit na naman? Mike: Hindi! Hangga't alam kong mahal mo ako . Iba naman ang dati at ibang iba ka na ngayon kaya nga nakipag usap ka na sa akin kasi alam ko na hindi ka na batang isip hehe . Sophia: pero mike natatakot lang ako na baka makasakit na naman ako ulit. Baka Masaktan na naman kita . Mike: sige na pls! Di ako papayag na hindi tayo magkabalikan? Naawa si Sophia sa pagmamakaawa ni mike sa kanya. Kaya mahirap pinagbigyan nya nalang ito. Sophia: may magagawa pa ba ako? Sige pumapayag na ako sa gusto mo. Mike: na tayo na ulit? Sophia: oo, Mike: talaga! ? Dahil sa sobrang saya ni mike niyakap niya si sophia Mike: ilove you ate ? namiss kita. Sophia: ano ba!? Mike: sorry hehe ? masaya lang ako. Wala ng magawa si sophia dahil kahit anong pilit nyang kalimutan si mike talagang hindi nya magawa dahil mahal pa rin nya ito hanggang ngayon. Sophia: umayos ka dyan!. Mike: sorry hehe. Ilove you.? Sophia: ilove you too. ? Mike: sa wakas! Natapos rin ang bangungot ko! Thank you ate hehe ?? Sophia: grabe naman bangungot talaga? ? Mike: oo naman! Isang masamang bangungot ang paghiwalay mo sa akin hehe. Sophia: basta mike ha! Hindi ako perpekto alam mo na ang kahinaan ko. ? Mike: alam ko! Kaya simula ngayon mag iingat na rin ako . Sophia: wala naman akong reklamo sa ugali mo eh . Yong ano lang ? Mike: ganyan naman kayong mga babae eh. Akala nyo sa aming mga lalaki mga babaero. Sophia: uyy! Di ko sinabi na lahat ha. Mike: parang ganun na rin yon. Basta ate mahal kita hehe. Sophia: mahal din kita kuya hehe. Mike: yess! Hehe ? balik na tayo sa dati ha. Sophia: ayoko na ng dati . Gusto ko ang ngayon . Panibagong simula. Mike: ok sige kung yan ang gusto mo. ? Masayan masaya silang dalawa dahil hindi lang sila nagkapatawaran binigyan pa nila ang kanilang sarili ng pangalawang pagkakataon. Mike: halika na ihatid na kita sa pupuntahan mo. Sophia: ok sige . Ihatid mo lang ako tapos pwede ka ng umuwi. Mike: hintayin kita kasi may paupuntahan tayo. Sophia: saan tayo pupunta? Mike: basta! Mag date tayo hehe . Sophia: sige mag paalam lang ako sa kanila mama at papa. Mike: ako na magpaalam sa kanila Sophia: sige ikaw ang bahala.? Hinatid ni Mike si Sophia sa kanyang pupuntahan at hinintay nya nalang ito hanggang matapos sa kanyang ginagawa. Samantalang sila Marc pagdating nila naligo sila agad sa dagat Mich: halika sweety maligo na tayo Marc: mauna na kayo doon bhe susunod ako sa inyo. Mich: ok sige. Nagpalit sila ng damit at agad naligo sa dagat tuwang tuwa si kisses habang nasa tubig sila. Kisses: papaaaaaaa, hayika dito nandito kami ni mama. Marc: sige sandali . Ate tes ayaw mo bang maligo? Marites: ayoko! sige lang kayo lang. Marc: ok sige.. mag ikot ikot ka dyan muna te oh hehe. Marites: sige ako na ang bahala dito. Marc: sige punta muna ako sa kanila Marites: sige na pumunta ka na doon kasi oh ang anak mo haha umahon na. Marc: oo nga eh. Sige te. Napangiti nalang si marites sa kanilang tatlo. Marc: bakit umahon ka? Kisses : tagay mo kati pa . Marc: haha may kinuha lang ako. Halika na . Iniwan mo si mama sa tubig? Kisses: opo kati punta ako tayo. Marc: ok sige halika na. Kisses: mamaaaaa! Nandito na ti papa. Mich: hehe halikayo dito. Marc: si mama oh parang serena lang ? Kisses: hahaha mama cherena ka daw tabi ni papa. ? Mich: hehe hayaan mo yan si papa mo ? Marc: ? halika sweety punta tayo kay mama. Tumakbo silang dalawa papunta kay mich na nasa tubig . Kisses: una ako tayo pa hahaha. Marc: mabilis ka pala tumakbo?? Kisses: opo pa! Mana ako kay mama eh hehe. Marc: haha ganun? Mich: bhe , lalangoy ako papunta doon . Marc: ok sige marunong ka naman lumangoy eh?. Kisses: ma, tama ako taiyo . Marc: dito lang tayo sweety . Mich: dito ka lang kay papa balik din ako agad sweety hehe try ko lang doon sa malalim . Kisses: may shark doon ma ? Marc: hahaha sige takutin mo siya. Mich: ay!? sweety naman eh ?wag mo akong takutin. Kisses: hahaha takot ka ma? Mich: opo! ?di na nga lang ako pupunta doon haha. Marc: hahaha ? ayan ayaw na ni mama . Kisses: hehehe natakot ti mama pa ? Mich: kasi naman sweety eh ? Marc: haha naisahan ka bhe? sige na pumunta ka na doon . Mich: wag na haha! ? Kisses: punta ako tayo ma ha. Mich: sige halika . Lumangoy ka . Kisses: hindi ako mayunong ma. Marc: halika ! anak ka ng serena hindi ka marunong lumangoy?? Mich: hahaha bhe. Kisses: hehehe cherena ba ti mama pa? Marc: opo serena si mama haha. Kisses: hehehe mama kunin mo ako dito. ? Mich: ayan si papa oh. Marc: halika punta tayo sa kanya. Masayang masaya silang tatlo habang naliligo sa dagat . Kisses: yeheeey hehe. Pa punta tayo doon. Marc: dito lang tayo kasi baka malalim na doon. Mich: dito lang tayo sweety . Kisses: opo hehe. Marc: baka next month bhe mabuksan na natin to . Mich: kailangan bhe magpagawa ka ng flyers para ipamigay sa mga tao. Marc: ganun ba? Ok sige sabihan ko si lito. Mich: ako na ang gagawa kung gusto mo bhe ? Marc: sigurado ka ba? Mich: oo naman! May naisip kasi akong gawin hehe. Marc: ok sige! Ikaw na ang bahala. Mich: medyo matagal pa naman . Marc: gusto ko kasi bago natin buksan to tapos na ang lahat at malinis na sa dito sa loob . Mich: oo naman bhe kasi ang iba ang view ng beach ang tinitingnan nila . Alam mo naman ngayon . Marc: kaya nga eh! Mich: kaya dapat yan ang unahin natin pagandahin . Marc: tama hehe. Kisses: tama pa! hehe Mich: tama mwahhh haha ??. Kisses: hehe ayat ng tubig ma heehe. Marc: haha tama rin daw gaya gaya Kisses: hehehe Marc: wag kang uminom ha! Kisses: opo hehe. Ta yabi ko pa maayat . Mich: hahaha ? Marc: dapat sa pool ka lang pala .? Kisses: waya aman pooy dito pa. Mich: hindi pa tapos sweety . Hehe. Kisses: waya pa tubig ma? Mich: wala pa kasi inaayos pa nila. Kisses: hehehe ganun! Marc: kaya dito muna tayo maligo. Mich: si yaya tes oh. ? Marc: ayaw nyang maligo. Kisses: hindi mayunong ti yaya tet ma heheeh Mich: ah baka ayaw lang magpainit si yaya tes . Marc: oo nga ang init na bhe ? Mich: aahon na ba tayo? Kisses: noo! Mamaya pa ma. Marc: mamaya pa daw eh ? Mich: ok sige. Marc: isang oras lang sweety ha . Kasi ang init na. Mamaya masunog ang balat mo. Kisses: opo pa. Mich: kaya maligo na tayo hehe. Nasa mababaw lang sila naliligo at naglalaro . Kaya tuwang tuwa si Marites habang pinagmamasdan sila na naghahabulan sa dalampasigan. Marites: parang kailan lang ang laki na ni kisses hehe. Nakakatuwa talaga sila tingnan. Makalipas ang isang oras umahon silang tatlo Kisses: yaya tet hehe. Marites: wow! Naligo ka doon ? Kisses: opo!uhaw ako yaya tet Marites: ok sige , uminom ka muna ng tubig Naunang pumasok si marc sa paliguan para makapagbanlaw na sya . Mich: ya ikaw nalang magpaligo sa kanya . Magbanlaw din ako. Marites: oo ako na . Sige na maligo ka na . Mich: hehe salamat . Sweety pagkatapos mo dyan magbanlaw ka na ha. Kisses: opo ma. Uhaw ako ma eh hehehe. Mich: hehe ok Pagkatapos nila Marc at Mich maligo niligpit nila ang kanilang mga dala Marc: kumain muna tayo bhe bago tayo pumunta doon sa kanila jake. Mich: sige bhe kasi nakakahiya naman na gutom tayo pupunta doon haha alam mo naman ang kasama natin sobrang daldal haha? Marc: kaya nga eh haha. Nasaan na ba sila? Mich: pinapaliguan pa sya ni yaya. Marc: ah ok sige . Puntahan ko muna si lito bhe . Mich: sige hintayin ko lang sila dito Marc: sige bhe. Tawagan mo ako ha kung tapos na sila. Mich: ok sige. Marc: sumama ka nalang kaya sa akin bhe. Mich: dito nalang ako . Nakita ko naman ang buong paligid. Marc: ok sige.? Mich: sige na para pagtapos na sila makaalis na tayo agad . Marc: ok sige sandali lang.. Habang naghihintay si mich sa kanila tumunog ang kanyang cp at si Lily ang tumatawag. Mich: hello ate lily Lily: hello beh, saan kayo? Mich: nandito kami sa kanila marc. Lily: nandyan pala kayo hehe. Pupunta sana ako sa inyo. Mich: nasaan ka ba ate? Lily: nandito kami sa kanila badong kahapon lang kami dumating dito. Mich: ha? kahapon lang din kami nandito ate. Lily: kailan kayo uuwi dito? Mich: di ko pa alam ate. Matagal ba kayo dyan? Lily: oo siguro beh. Mich: sige ate magkita nalabg tayo dyan hindi naman kami magtagal dito. Lily: sige beh hehe namiss ko na kasi kayo lalo na si kisses nasaan ba sya? Mich: naliligo pa ate. Nandito kasi kami sa beach. Lily: ah ganun ba. Sige mamaya tatawag ako ulit ha. Mich: sige po ate. Lily: bye beh. Kitakitz nalang dito hehe Mich: sige po ate hehe. Lily: sige na bye. Mwah Mich: mwah ? Maya maya dumating sila marites Kisses: mama tapot na ako mayigo hehe . Mich: wow! Ang ganda ng damit ? halika! ?? Binuhat siya ni mich Kisses: taan ti papa ma? Mich: pumunta lang sya doon. Tawagan mo sya . Sabihin mo alis na tayo. Binigay ni mich sa kanya ang cp. Mich: alam mo ba ang number ni papa? Kisses: opo! Ayam ko ma. Mich: sige nga tawagan mo sya. Kisses: hehehe hindi ko paya ayam ma.? Mich: haha niloloko mo ba ako? Kisses: hindi po hehe. ? Mich: akin na muna ako na mag dial . Kisses: tige po. Mich: akin na! oh ito na kauspin mo sya. Kisses: opo ma. Heyyo papa. Marc: oh sweety tapos ka na bang maligo? aalis na ba tayo? Kisses: opo pa . Ayis na tayo pa punta na tayo ta bahay niya tito jake. Marc: ok sige papunta na ako dyan Kisses: tige po. Tayamat hehehe. Marc: haha mwah. Bye na tayamat din ?. Kisses: hehehe . Mich: ayan na si papa oh . Off mo na yan. Kisses: opo hehe tago ako kay papa ma. Mich: wag na ! Nakita ka na nya eh . Halika na nandoon na si yaya sa sasakyan oh hehe. Kisses: hayika na ma. Marc: halina kayo bhe. Akin na yang bulingit hehe. Kisses: buyingit daw ako ma? ? Mich: haha ?ok lang yon. Marc: anong gusto mo aling kisses?. Kisses: noo! Hehe . Marc: yon naman pala eh ? Mich: sumakay ka na ya alis na tayo. Marites: ok sige. Nailagay ko na lahat na mga dala natin. Marc: ah nilagay mo na lahat ate? Salamat. Marites: oo magaan lang naman eh . Marc: ok sige sumakay na kayo. Sweety sumakay ka na rin. Nilagay nya sa loob si kisses at sumakay na rin silang tatlo Marc: alis na tayo kakain muna tayo ng lunch. Kisses: yeheeey! Mich: nagugutom na rin ako? Marc: sige na kumain muna tayo Kisses: ako yin ma hehe. Pumunta muna sila ng restaurant para kumain ng tanghalian. At pagkatapos dumeretso na sila sa bahay nila jake. Marc: bakit parang ang daming tao sa bahay nila? Mich: baka may bisita rin sila bhe. Marc: ah baka nga. Mich: hindi ba nakakahiya hehe. Marc: bakit naman tayo mahiya .ok lang yan kung may bisita sila. Mich: hehe. Nahihiya kasi ako. Marc: eh ako wala ng hiya haha. Mich: ikaw naman yan eh ? Nakita sila ni jake kaya lumabas ito upang salubungin sila. Marc: brod, may bisita kayo? Jake: wala! Sila yan ni edward . Marc: nandito pala sila? Jake: oo kaya pumasok na kayo .. teka nasaan na ang magandang prinsesa ? Nagtago si kisses sa likod ng upuan Mich: sweety si ninong mo oh. Marites: nahiya sya oh ? Binuksan ni jake ang pinto sa likod kaya tawa sya ng tawa. Kisses: hehehe ninong jake. Jake: bakit ka nagtatago?? halika nga dito. Kinuha sya ni Jake sa loob at kinarga nya ito. Jake: ang laki mo na pala ah. Kisses: hehe mayami kati yaman ang tummy ko ninong . Jake: ganun ba ?? halikayo brod sa loob. Marc: sige brod Bhe Bumaba na kayo . Jake: musta mich?? Mich: ok lang hehe. Kayo kamusta? Jake: ok lang din ganun pa rin. Marc: yan na lumabas na sila. Nagsilabasan din sila edward Edward: pasok kayo brod. Marc: reunion na ba to brod! ? Jake: reunion nating apat haha. Marc: haha parang ganun na nga yata. Jake: halikayo sa loob Mich Ate tes Marites: sige hehe. Mich: ya halika. Pumasok sila sa loob ng bahay kaya tuwang tuwa si kisses ng makita na may mga bata sa loob na naglalaro. Jake: ayan oh may kalaro ka dito (kisses) Kisses: mayami tiya ninong? Jake: oo marami sila gusto mo bang maglaro sa kanila? Halika . Kisses : opo! Dinala sya ni jake sa loob at pinasali sa mga pamangkin niya na naglalaro. Jake: ate Zia isali nyo si kisses. Zia: halika dito. Jake: ayon punta ka na. Maglaro ka doon sa kanila ate Zia. Kisses: opo hehe. Zia: halika kisses dito ka sa loob . Jake: sige na punta ka na. Lumapit si kisses sa kanila kaya hinayaan nalang siya nila Marc at Mich makipaglaro. Jake: brod , kumain muna kayo. Marc: kumain na kami brod. Lumabas ang ina ni Jake at tinawag sila Marc . Nita: Marc, halikayo dito dalhin mo dito sila michelle at Marites kumain muna kayo dito. .. Jake: sige na brod. Kakatapos lang nila brod edward kumain. Marc: sige tita, salamat. Mich: hehe, kami din Jake pero sige kakain ako . Jake: kumain na ba kayo? Marc: kumain na kami bago pumunta dito brod. Jake: bakit? Naku naman! ? Nita: eh di iba nalang ang kainin nyo Marc meron naman doon . Maagang meryenda ? Mich: hehe pasensya na tita ha. Galing kasi kami sa beach ginutom sa kakalangoy hehe. Nita: ah kaya pala. Ok lang sige sa hapunan nalang kayo kumain ng kanin pero kumain pa rin kayo . Halikayo. Mich: sige po! Halika ya. Marc: sige na ate tes tikman nyo ang niluto ni tita haha. Nita: oo nga naman ? Jake: masarap yan si mama magluto lalo pa at kakasahod lang nya hahaha?? Nita: haha loko loko ka talagang bata ka. Marc: hahaha kaya pala brod . Nita: hindi sahod yon . Binigay nyo yon sa akin. Alam nyo Marc galante na itong kaibigan mo ? Marc: haha ganun ba tita malapit na kasi mag asawa . Nita: tama!? Jake: mama talaga sige na dalhin mo na sila at pakainin doon. ? Nita: oo nga pala. Halikayo michelle. Mich: hehehe tita talaga. Dinala siya ng ina ni Jake sa kinakainan at pinapili ng gusto nilang kainin. Jake: brod, wala pa talagang petsa ang reunion natin. Marc: di ba ang sabi next month. Jake: yon nga ang sabi pero parang malabo . Marc: kailan naman daw? Jake: yon ang di ko alam. Kaya pumunta si edward dito at terrence at Tom kasi alam nila na pupunta ka. Marc: kung ganun eh di tayo nalang kasi baka magbakasyon din kami ng maynila brod. Jake: ah ganun ba. Ok sige kung kailan nalang may time ang iba. Marc: halika sa labas brod . Jake: tara nandoon sila sa ilalim ng puno. Marc: haha tagay na ba. Jake: hindi pa siguro. Habang nag uusap silang magkaibigan sa labas lumabas si kisses at pumunta sa kanila. Kisses: papaaaa!? Marc: bakit? ? halika dito. Jake: oh, bakit ka umiyak? Kisses: papaaa? away ako kuya kyle huhu! Jake: inaway ka nya! Kisses: opo ninong.? Sumilip sa bintana si zia . Zia: Tito Jake si kyle oh inaway nya si kisses at lynlyn . Kyle: hindi po tito hahaha. Kaya pumasok si jake sa loob. Marc: anong ginawa ni kuya kyle sayo? Kisses: away nya kami ?? tabi nya buyoy daw ako . ? Napangiti nalang ang mga kaibigan ni Marc sa kanya habang nag susumbong sa ama.. Marc: ah loko na kuya kyle yon ah.? Sige na wag ka ng umiyak nandoon na si ninong Jake . Kisses: pagayitan tya pa? Marc: opo kaya wag ka ng umiyak. Nandito ang mga ninong mo oh. Edward: dalaga na pala ang inaanak namin ah.halika! Marc :punta ka kay ninong edward. Kisses: ayoko! Marc: bakit ? Kisses: nahihiya ako pa. ? Yumakap sya kay Marc at nagtago sa balikat nito. Edward: haha nahiya ka ba?. Terrence: paano minsan lang nya tayo nakikita haha. Tom: malayo kasi sila brod? Marc: sige na. Punta ka sa kanila. Kisses: hehehe ayoko. Edward: parang kailan lang brod ? malaki na ang anak nyo ni Mich. Marc: ganun talaga brod?. Kisses: ano ginagawa nyo pa? Marc: wala ! Nag uusap lang kami dito. Punta ka kay mama at yaya sa loob. Kisses: ayoko! Dito yang ako tayo. Edward: ayaw mong kumain? Kisses: ayoko! Mayami na yaman ang tummy ko ninong hehehe. Edward: ha? Kumain ka na pala. ? Kisses: opo , biyi ti papa ng mayaming food hehe kaya mayami yaman ang tummy ko . Edward: ah ganun ba?? Tumatawa sila habang nagsasalita si kisses Tom: hahaha. Marc: kilala mo ba sila? Kisses: opo pa. Ti ninong edwad tsaka ninong Tom at ninong Teyyence hehehe. Tom: ha? ? kilala nga nya. Terrence: hahaha naku lagot!? Marc: very good. ? Kisses: ti ninong edward pa . Takay tya ta motoy di ba? Edward: saan mo ako nakita? Kisses: ta pictuye ni Papa hehe. Marc: ah kasi si Michelle sinabi nya sa kanya kung sino ang mga kasama ko. Haha. Kaya natandaan nya siguro Tom: aba! Kaya pala.? Kisses: mayami kayo doon ninong hehe. Edward: ganun pala. Hindi kasi alam ni ninong na pupunta ka dito kaya wala akong regalo sayo. Kisses: hindi ko aman po biytday ninong . Marc: haha oo nga naman brod? Terrence: haha next time nalang ang gift ha. Kisses: opo hehe Tuwang tuwa silang habang kausap si Kisses ng lumabas si Jake kasama si kyle. Jake: magsorry ka rin kay kisses! Kyle: hindi ko naman sya inaway tito. Jake: anong hindi! Zia: inaway mo eh kaya nga umalis sya dito. Kyle: hindi naman ate. Jake: magsorry ka o papaluin kita. Kisses: nooo! Ninong ? wag mong payuin ti kuya kyle kati matakit yan ninong? Jake: kasi inaway ka nya at pinaiyak din nya si lynlyn. Hindi na sumagot si kisses ngunit nakasimangot na ito habang nakatingin kay kyle. Jake: sige na kyle magsorry ka na. Kyle: sorry hehe. . Jake: ayusin mo. Tatawa ka pa! Kisses: kuya kyle wag ka tumawa kati gayit ti ninong oh. ? Napangiti nalang sila Jake sa sinabi ni kisses. Jake: sige na magsorry ka na. Kyle: sorry kisses . Kisses: opo! Hindi mo na ako awayin kuya? Kyle: hindi na ? Jake: pag inaway mo pa sila ulit mapapalo na talaga kita. Kyle: hehe opo tito. Tumakbo si kyle papasok sa loob na parang wala lang nangyari. Jake: kanina pinalo na yan ng mama nya kasi pinaiyak niya si lynlyn . Marc: haha ganun talaga brod mga bata eh Kisses: gayit ka ninong ka kuya kyle? Jake: oo kasi pasaway sya kaya pag hindi sya nakinig papaluin ko sya. Kisses: nooo! Matakit yon ninong. Jake: kasi pasaway sya eh. Ikaw hindi ka ba pasaway. Tumingin siya kay marc na nakangiti. Kisses: hindi po hehehe kati magagayit ti papa. Jake: pag nagalit siya pinapalo ka rin ba nya? Kisses: hindi po! Tabi ni papa upo daw ako sa chair tsaka hayap sa wall . Ako yang mag isa ayaw ako tamahan ni yaya tet kati nagayit ti papa. Hehe. Marc: haha alam nya ang parusa nya . Jake: ganun ba haha. Kaya hindi ka na magpasaway ha. Kisses: opo, hindi ko na tapon ang food kati magayit ti Papa at mama hehe. Jake: ang bait talaga ng baby ah. ? Kisses: ninong biyi tayo aykyem hehe ? Marc: haha sabay ganun. Tom: halika bili tayo. Kisses: ti ninong jake yang . Tom: ayaw mo sa akin? Kisses: hehe ayaw ko . Marc: hahaha nahiya pa sya sayo brod. Tom: ah ok sige ? Jake: sige halika may ice cream doon sa loob. Sumama si kisses sa kanya kaya pumasok sila sa loob at kumuha ng ice cream. Edward: nakakatuwa naman ang anak mo brod ? Terrence: mag asawa ka na rin brod hahaha. Edward: ako lang ba?? Nagtawanan at nagbiruan silang magkakaibigan sa labas hanggang sa tinawag sila para kumain ng hapunan. Pagkatapos nilang kumain ng hapunan nagpaalam ng umuwi sila Marc dahil nagyaya ng umuwi si kisses . Marc: paano yab brod mauna na ako sa inyo ha.? Jake: sige brod magtawagan nalang tayo. Marc: sige kasi oh nagyaya na ? Tom: haha sige brod mag ingat kayo. Nagpaalam na rin sila sa mga magulang at kapatid ni Jake. At pagkatapos umuwi na sila agad. Kisses: uwi na tayo pa. Marc: oo nga uuwi na tayo. Nandoon na sa bahay sila lolo at lola. Pagdating nila ng bahay hindi na nila nadatnan ang mga magulang dahil nasa kwarto na nila ito nagpapahinga kaya umakyat nalang si mich upang maligo . Samantalang sila Mike at Sophia kararating lang din galing pamamasyal. Mike: ate, salamat sa second chance ha at salamat sa pagsama sa akin hehe. Sophia: ako dapat ang magpasalamat sayo ? . Mike: wala yon . Nagpasalamat ako sayo dahil hanggang ngayon ako pa rin pala ang mahal mo.? Sophia: salamat din sayo dahil hindi ka sumuko kahit alam mo ng sumuko na ako. ? Mike: dahil mahal lang talaga kita. Ilove you ate ? Sophia: ilove you too kuya ? Niyakap sya ni mike ng mahigpit. Mike: mahal na mahal kita ? Sophia: mahal din kita ? sige na baba na ako. Ayaw mo na bang pumasok sa loob? Nandyan na yata sila ate mich. Mike: hindi na ! Mamaya sasama pa yan si kisses sa akin?. Sophia: baka tulog na sya. Mike: hindi na! Bukas pupunta naman ako dito. Sophia: may puntahan ba kayo ni kuya marc?. Mike: wala! Sunduin kita bukas dito!. Sophia: wag na! Mike: ate naman eh! Namiss ko kaya to. ? Sophia: hehe joke lang ? .ok sige . Agahan mo ha tsaka dito ka na bukas kumain . Sumabay ka na sa amin. Mike: ok sige sabi mo eh. Hehe. Sophia: sige na papasok na ako . Ayaw mo naman pumasok eh Mike: ok sige. Wala bang kiss?? Sophia: nakailang kiss ka na kani..... Bigla nalang syang hinalikan ni mike . Mike: mwahh??? Sophia: ? Mike: hehehe sige na pumasok ka na kung gusto dalhin nalang kita sa bahay ? Sophia: ewan ko sayo. Hehe. Bumababa sya agad kaya tinawanan sya ni mike. Sophia: bye, ingat ka ha. Mike: ok sige .? Hinintay ni sophia na makaalis si mike bago sya pumasok ng bahay.Nagulat sya ng biglang nagsalita si Marc Marc: wow! Parang may masayang balita ah ? Sophia: weeh kuya ? Marc: anong balita?? Sophia: wala! Ano ba ang balita? ? Inakbayan sya ni Marc . Marc: sus! Maglilihim ka pa ba?. ? ang ngiti mo oh hanggang tainga na. Sophia: kuya naman eh! ? Marc: ano nga ang balita?? Sophia: nagkabalikan kami ni mike kuya hehe. Marc: sabi ko na nga ba eh ? Sophia: kuya, tama ba ang ginawa ko? Marc: kung mahal mo pa sya hanggang ngayon tama lang ang ginawa mo. Wala naman kasi katotohanan ang dahilan ng paghiwalay nyo di ba? Sophia: oo kuya. Nakonsensya nga ako nung nalaman ko ang lahat. Marc: kaya sa susunod piang makinig ka muna sa paliwanag nya wag kang basta basta nalang magagalit agad. Sophia: di ko alam kuya sa sarili ko kung bakit nagagalit ako agad hehe. Marc: naintindihan naman kita eh . Alam namin na mahal mo si mike kaya ka nagselos ng ganun katindi. Pero piang dapat ilagay mo sa tama ang pagseselos mo ha. Wag yong basta basta ka nalang magdedesisyon na makipaghiwalag eh hindi mo binigyan ng chance si mike makapagpaliwanag sayo. Sophia: opo kuya natuto na ako. Marc: magsisisi ka talaga kung hinayaan mo nalang si mike na mapunta sa iba .? Sophia: hindi na yon mangyari kuya pangako hehe. Marc: yan ganyan! Hindi ko naman sinasabi sayo na gayahin mo si ate mo mich kasi hindi naman kayo magkapareho at hindi naman kami magkatulad ni mike. Ang gusto ko lang naman sana habaan mo ang pasesnya mo at makinig ka sa kanya. Sophia: opo kuya. Salamat sa inyo ni ate mich . ? Marc: wala yon! Ikaw pa ba eh mahal na mahal ka namin. Lalo na ako. ? ganito kita kamahal kahit pasaway ka. Napatingin si sophia sa kanya. Sophia: weeehhh! Ako ba ang pasaway o ikaw? ? Marc: haha ? ako ba? Sophia: alam ko naman kuya kung gaano mo ako kamahal eh hehe. Marc: basta tandaan mo lagi na kahit anong mangyari nandito lang ako kahit magkalayo man tayo hindi kita pababayaan. Sophia: salamat kuya hehe. Da best kuya ka talaga? Marc: oo naman! ?sige na halika na sa loob . Baka mamaya ? iiyak ka na naman baka ano pa ang sabihin nila mama at papa. Sophia: hehe sige na nga halika na. Marc: halika. Gising pa si kisses. Pumasok sila sa loob kaya tumakbo si kisses papunta kay sophia. Kisses: tita gandaaaaa!? tundo ka ni papa? Tita? Sophia: hehe opo! Sinundo nya ako sa labas. Kisses: hehe. Nauna kami tayo umuwi tita ganda. Sophia: kaya nga eh. Saan ba kayo nagpunta? Kisses: ta bahay ni tito mike , tapot ta beach, tapot ta bahay ni tito jake hehe. Sophia: wow, dami nyong pinuntahan? Kisses: opo hehe. Hindi ka tumama ta amin tita eh. Sophia: next time nalang sweety ha ? Kisses: opo hehe. Marc: bumaba ka muna para makakain na si tita ganda. Kisses: ok po. Hehe. Sophia: kumain ka na ba? Kisses: opo mayami hehe. Sophia: kaya pala ang bigat mo haha. Saan si mama mo? Kisses: nayigo tya tita ganda. Sophia: ah ok. Marc: kumain ka na muna piang. Sophia: busog ako kuya. Kumain kasi kami ni mike bago nya ako hinatid dito. Marc: ah ok sige. Kisses: taan ti tito mike tita ganda? Sophia: umuwi na sya. Balik lang daw sya bukas dito. Kisses: hehe ok po. Biyi kami uyit kying kying hehe. Sophia: opo , haha. Marc: sweety , umakyat ka na sa taas at matulog na Kisses: no! Tatama ako kay tita ganda pa. Marc: saan ba sya pupunta? Kisses: kay tito mike. Sophia: haha hindi ako pupunta doon. Marc: gabi na eh. Tsaka hinatid na sya ni tito mo mike dito. Kisses: ayyy!? Sophia: bukas na sweety ha. Kisses: opo. Binuhat sya ni marc at para dalhin na sa kanilang kwarto. Marc: goodnight na kay tita ganda at yaya tes akyat na tayo sa taas . Tulog na yata sila lolo at lola . Kisses: goodnight yaya tet, tita ganda?? Sophia: goodnight sweety? Marites: goodnight, dalhin ko nalang doon ang milk mo mamaya ha. Kisses: opo yaya. Umakyat silang dalawa at sumunod na rin si sophia sa kanila. Hindi makapaniwala si sophia na nagkabalikan sila ni mike at boyfriend na naman nya ulit ang binata. Ooooooooooooppppppppsssssss??!!! ITUTULOY..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD