Ang Simula

547 Words
Amari Kael Benedicto Sa may isang nayon sa Malolos ako isinilang. Tanging Lolo at ang pinsan ko na si Ate Shiela nalang ang kasama ko sa bahay matapos mamatay ang aking mga magulang. Ang lola ko naman ay namayapa na rin, ang lolo ko ay isang albularyo sa aming nayon, kaya naman lagi kaming binubulahaw ng mga tiga-kabilang nayon at mga kapit bahay namin para humingi ng tulong. Hindi ako masyadong mahilig mang-gamot. Ni hindi ko alam kung may kakayahan ba ako. Si lolo Mario, o mas kilalang Tata Mario. Sya lagi ang pakay ng mga mamamayan dito sa amin. Kaya naman lagi nya akong isinasama dahil ako lang ang tumutulong sa kanya sa pag-abot ng mga pangangailangan sa pang-gagamot. Minsan naman ay di ako nakaka-sama dahil lagi akong napaparusahan sa pakikipag-basag ulo ko daw kuno kasama ang mga tuleg kong mga ka-tropa. Pag wala si Lolo ay palihim kong binabasa ang libro nya na may lamang mga ritwal, mga spell, at mga orasyon. Di sa pagmamayabang ay saulado ko na ang libro na iyon. Oo nga pala. Ang mga tropa kong unggoy ay sina Juana Jazis Avila na ang hilig makipag-asaran sa tropa namin na si Lendario Cartel o mas kilala bilang Leo dahil ambantot daw ng pangalang Lendario, silang dalawa ay di mabubuo ang araw nang di nagbabangayan. Di na ako magtataka kung magkaka-tuluyan sila Jazis at Leo . May isa pa kaming tropa na ang pangalan ay Mayumi Diaz, ang pinaka-mahinhin pag- nasa labas kami o di kaya pag may tao pero pag wala ay lumalabas ang ka-artehan at ka-kornihan sa katawan. Di naman sa pagpapahumble ay ako ang pinaka-matino sa kanila. Charot, ako yung pinaka-barumbado, tarantado, at medyo gago. Naalala ko tuloy nung nakaraan, yung makulit na bata dyan sa may kanto, tinubuan ng makatas na bukol sa katawan. Kundi ba naman baliw eh sinipa-sipa yung punso, kung wala lang yung nanay nun malamang ay kinutusan ko na yun. Gigil nya ako ha? Ito ang aking super magandang flashback *** "Palagay ko ay na sumpa ng nuno sa punso ang anak mo, Emilda. May punso ba dito malapit sa inyong bahay?" Tanong ni Lolo Mario kay Aling Emilda Tsismosa. Oo, chismosa yan, di nyo na maitatanong eh di pa naibabalita sa telebisyon alam na agad nyan yung ganap sa paligid. Iba talaga yung detection super ability ng mga chismosa! Tssssssk. "Meron po, naabutan ko po si Titay na sinisira ang malaking kumpol ng lupa sa likod ng bahay, di ko naman po alam na bahay po pala ng nuno iyon. Edi sana pinigilan ko po yung anak ko..." Ani Aling Emilda. Tssssk, ang bantot ng pangalan! Titay, BWAHAHAHAHA! Okay, ako na tarantado. Tanggap ko na, pero pffft! I can't help but to laugh silently. Di ko namalayan na napalakas yata yung hagikhik ko. Nilingon ako ni Lolo at pinalo ng baston. Napaiwas ako dahil duon, pero sadyang asintado si lolo at natamaan pa rin ako. "Aray kupo! Lo naman, sorry. Ambantot po kasi nung pang--- " Pinandilatam nya ako ng mata. "Sabi ko nga po tatahimik na, hehe." Napa-rolled eyes ako. Titay, Titay, Titaaay! Piste ka. ⏳⏳⏳⏳⏳⏳ To be Continued.... Okay lang po ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD