"Happy ka girl?" Nag-angat ng tingin si Chantal nang marinig ang boses ng bestfriend niyang si Emily. Malapad ang naging ngiti niya rito. "Oo naman, happy ako. Lalo na ngayon na kasama ko si Charles sa bahay. It feels heaven." "Halata nga, pati utak mo nasa heaven." Nang-uuyam nitong saad, saka umupo sa harapan ng desk niya. "Teka lang, ano iyang pinapanood mo?" "Cooking shows, gusto ko kasing mag-aral magluto. Ipagluluto ko si Charles, alam mo namang nagpa-file na siya ng annulment sa asawa niya kaya ako na ang papalit sa posisyon ng dati niyang asawa." Nakangiti niyang saad. "Ay bongga iyan, girl! Sige, ipagpatuloy mo lang iyan para doon na rin ako kakain sa inyo kapag marunong ka ng magluto nang matikman naman ang niluluto mo." Natatawang saad nito. "Exclusive lang ang luto ko

