CHAPTER 9

1232 Words
NATASHA'S POV 7:30 A.M. na ako natapos mula sa pagaayos ko sa sarili ko, nandito ako ngayon sa sala habang nasa harapan ko ang tatlong yaya na magbabantay sa apat na bulinggit ko. "Pagnagising ang apat ay bigyan niyo muna sila ng gatas nila, dahil siguradong gutom na 'yon sila. Bantayan niyo rin silang maigi habang nasa trabaho pa ako, huwag niyo ring hahayaang matuyuan sila ng pawis. At habang maaga pa ay paliguan na sila, huwag niyo rin silang dalhin sa pool ng walang kasama." Tango lang sila ng tangon sa mga sinasabi ko at matiyagang nakikinig sa mga bilin ko. "And please, huwag niyo silang gugutumin. And then, their vitamins, pakiinom sa kanila pagtapos niyo silang paliguin." "Yes po, Ma'am. Makakaasa po kayo, anong oras po kayo makakauwi?" tanong ng isa sa kanila. "I think, mga 5 ng hapon. Sige, aalis na ako. Kayo ng bahala sa mga bata habang wala pa ako, nasilip ko na rin sila bago ako bumaba rito. Mag-iingat kayo kahit nandirito lang kayo sa bahay, bye." Tumango lang sila sa'kin at sinamahan ako ng isa sa kanila, palabas ng bahay. "Ingat rin po kayo, Ma'am. Tatawag na lang po kami kung may problema rito." "Sure." Binabagtas ko na ang garahe kung saan naka-park ang mga sasakyan. ~~ "Good morning, Ma'am," bati sa 'kin ni Manong Guard. "Good morning too, Manong Guard." Binigyan ko muna siya ng isang magandang ngiti bago pumasok sa loob ng Company. Hindi pa rin maalis-alis ang ngiti sa mga labi ko hanggang sa makarating ako sa CEO-Office. Alam ko naman na dito agad diretso ko, at sana naman ay wala pa siya. Sakto namang 8:30 A.M. na rin ng makarating ako rito sa tapat ng Office ni Jarred, este Sir Jarred. Kumatok muna ako bago ako pumasok, agad ko naman siyang nakita sa kaniyang Office Chair. "Good morning, Sir." Aba, kailangan nating maging professional. Nakakahiya naman ano, at saka nasubukan ko na rin naman maging isang sekretarya. Nag-angat siya sa akin ng tingin bago ako paningkitan ng kaniyang mga mata. Huh? Anong nagawa ko rito? May atraso ba ako sa kaniya? Tsk. "You're late, Miss," maikling sabi niya sa isang baritonong boses. "W-what? Late? I was just right when I came here to the company, SIR. You said, 8:30 A.M. So I was just on time." Pinag-diinan ko pa ang salitang SIR sa kaniya, kaya naman ay tumaas ang kilay niya. "No, MISS. You are 2 minutes late. I think I arrived even earlier than you, it's just your first day here but you came in 2 minutes late. Do you know time is gold? Time is of the essence, so I hope you appreciate it." Natahimik naman ako sa sinabi niya. "Ok, Sir. I won't do it again, I'm sorry." "It's ok, but please don't repeat," tumango naman ako bago ngumiti. "Please give me some coffee." "Yes, Sir." ~~ "I'm sorry sa sinabi ko kanina. Nasanay lang talaga akong sinasabi ko 'yon, I’m just used to my former secretaries being always late, time is of the essence when you’re in the business world." Biglang sambit niya sa gitna ng kain namin ngayong tanghalian, kumunot naman ako noo ko bago ngumiti. "Ano ka ba, wala 'yon. At saka, tama ka naman, time is gold nga ika nila once na nasa Business World ka. Naiintindihan ko 'yon, at saka hindi ko na uulitin." Nakangiti kong sabi. "I should be the one to apologize, I'm just really used to America. Don't worry I won't repeat, at baka mas maaga akong dumating sa'yo rito sa kompanya. At ako naman ang mag-sasabi sa'yo na bawal ang late." Nag-joke pa ako sa kaniya. Natawa na lang siya bago ipinag-patuloy ang pagkain, sinabayan ko na lamang siya para maaga kaming matapos. "Miss Alegria, what is my schedule today?" Napatingin naman ako sa kaniya bago binuklat ang folder na naglalaman ng mga schedule niya ngayong araw. "You have a meeting from 1:30 to 2:30 P.M. to Mr. Gimadukol, your meeting place is at Sanchez 5 Star Hotel, Sir. You have a meeting with Ms. Angeline at Quiji Restuarant this afternoon 3:20 to 4:30 P.M. That's just your schedule for today." "Ok, Got it. Will you come with me later, ok? Don't forget, and then you will also be my driver, is that ok with you Miss Alegria?" Tumango ako sa kaniya ng bahagya bago sumagot. "Noted, Sir. I have no problem with that." "Ok, that's good." ~~ "Good afternoon, Mr. Gimadukol. I'm sorry, we're late." Agad namang tumayo si Mr. Gimadukol ng makita niya si Sir Jarred, bahagya akong natawa sa isip ko dahil sa apelido niya. No offense, s**t. "It's ok, Mr. Sanchez. You just arrived at the right time, take your seat." Iginaya niya si Sir Jarred sa upuang nireserba pa sa kaniya. Ako naman ay tumayo lang sa gilid ni Sir Jarred habang nakikinig sa pinag-uusapan nila. Hindi nagtagal ay natapos rin kaagad ang pinag-usupan nila, tinanggap rin ni Sir Jarred ang proposal na binigay sa kaniya. "Thank you for accepting my proposal Mr. Sanchez, you can expect a good outcome of my proposal. Again, thank you very much." Agad na sambit ni Mr. Gimadukol ng makatayo sila sa sarili nilang mga upuan, at bahagyang hinawakan ang mga kamay ni Sir Jarred. Napangiwi naman ako sa nakita ko, paano ba naman kasi nakita ko ang mukha ni Sir Jarred na nandidiri siya ng hawakan siya ni Mr. Gimadukol sa kamay, napansin ko rin kasi na bahagyang pinisil ni Mr. Gimadukol ang kamay niya. "Your welcome, we'll go ahead," bahagyang tumango si Sir Jarred. "Let's go, Miss Alegria." "This way, Sir." Nang makarating kami sa sasakyan ay agad na tumili si Sir Jarred, med'yo nagulat pa ako ro'n sa tili niya. "Ahh!!! s**t, that old hag, nakakadiri! Dapat pala hindi ko na tinanggap, pisilin ba naman ang maganda kong kamay? Iwwers! Petchay, pahingi ako ng alcohol! Pakiramdam ko kumapit sa 'kin ang virus or anumang germs ang meron sa matandang hukluban na 'yon!" Napangiwi ako sa inasta niya, pero agad ring inabot ang alcohol sa kaniya. Agad niyang binuhusan ang mga kamay niya. "Grabe ka naman, Sir. Hayaan niyo na, saan na po tayo pupunta?" "Sa condo ko muna, I need take a bath, dahil pakiramdam ko ay kumapit sa akin ang germs ng lalaking 'yon. At saka nagugutom na rin ako, kaunti lang ang nakain ko kanina." "Ok, Sir. Ano pong gusto niyong kainin pagdating ro'n? Gusto niyo po bang ako na ang magluto or o-order na lang ako sa Fast Food Chain?" "Magluto ka na lang, para naman mabawasan ang mga nai-stock kong mga pagkain sa condo ko. Siguraduhin mo lang na masarap 'yan, ah? Ayoko ng hindi masarap ang pagkain, dahil may Food Issue ako." "Noted, Sir. May mga allergic po ba kayo, para naman malaman ko kung ano ang mga hindi at puwede kong lutuin na pagkain." "I have an allergic sa peanuts, lahat ng klase ng mga peanuts." Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig, ang apat na bulinggit kasi ay may allergic rin sa peanuts. Sabi na nga ba at baka namana nila 'yon sa tatay nila, imposible naman na hindi dahil lahat sila ay may allergic sa peanuts. Nang makarating kami sa condo niya ay agad kaming dumiretso sa tinutuluyan niya. Agad naman siyang dumiresto sa kuwarto niya havang ako naman ay nagtungo sa kusina upang magluto ng pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD