SUNOD-SUNOD na suntok ang pinakawalan ni Camillo kay Mr. Chua dahil sa labis na galit. Ito lang naman ang negosyonteng nanghihingi sa kanila ng proteksyon pero ayaw magbayad. "Anong sabi mo? Hindi mo ibibigay ang protection fee na napagkasunduan? Na baguhan lamang ako sa organisasyon kung kaya ayaw mong magbayad?" tanong niyang hinila ito sa buhok. "Bakit? Kaya mo ba akong labanan? Sumagot ka!" sigaw niya. "Ito ang itatak mo sa isipan mo Mr. Chua, ibahin mo si Camillo Russo!" bulyaw niya rito. "Handa naman ako magbayad. Akin lang, hingi ako discount," sagot sa kanya ng intsik. "Hindi mo ako dapat patay." "Ako wala pakialam sayo," sagot niyang ginaya ang accent nito. "Pero dahil gigil mo ako ikaw dapat patay." "Don't I'll pay!" sigaw pa nito sa kanya. "Kung ang ama ko ay binibigya

